You are on page 1of 15

ESP 10

Bb. May Ann E. Bienes, LPT


COLEGIO DE LOS BANOS
I
Hail CDLB! Colegio de los banos
You guide us to our dreams
You inspire us in our vision
You teach us honesty, integrity and truth
Wherever we may go as we walk hand in hand.

II
The green and white will be our strength as we will walk with courage
We'll cherish your hope for To guide us in our lives.

III
Hail CDLB!
Colegio de los banos with grateful heart forever
We pledge our loyalty
beloved Alma mater to bring the others to
For great prosperity
And lead us on and on
Ang Dignidad ng Tao
“Huwag mong gawin sa iba ang
ayaw mong gawin ng iba sa iyo.”
Kung ano ang makasasama sa
iyo, makasasama rin ito sa iyong
kapwa. Kung ano ang
makabubuti sa iyo, makabubuti
rin ito sa kaniya.
“Mahalin mo ang iyong kapwa
katulad ng pagmamahal mo sa
iyong sarili.” Nangangahulugan
ito ng pagkilala sa dignidad na
taglay ng lahat ng tao. Nilikha ng
Diyos ang lahat ng tao ayon sa
Kaniyang wangis. Ibig sabihin,
ayon sa Kaniyang anyo,
katangian at kakayahan.
Ang dignidad ng tao ay
nagmula sa Diyos; kaya’t ito
ay likas sa tao. Hindi ito
nilikha ng lipunan at ito ay
pangkalahatan, ibig sabihin,
taglay ng lahat ng tao.
Ang dignidad ay galing sa salitang Latin
na dignitas, mula sa dignus, ibig sabihin
“karapat-dapat”. Ang dignidad ay
nangangahulugang pagiging karapat-
dapat ng tao sa pagpapahalaga at
paggalang mula sa kaniyang kapwa.
Lahat ng tao, anoman ang kaniyang
gulang, anyo, antas ng kalinangan at
kakayahan, ay may dignidad.
Dahil sa dignidad, lahat ay
nagkakaroon ng karapatan na
umunlad sa paraang hindi
makasasakit o makasasama sa
ibang tao. Nangingibabaw ang
paggalang at pakikipagkapatiran,
dahil sa mata ng Diyos, pantay-
pantay ang lahat.
Ayon kay Propesor Patrick Lee,
ang dignidad ang
pinagbabatayan kung bakit
obligasyon ng bawat tao ang
sumusunod:
1. Igalang ang sariling buhay at
buhay ng kapwa.
Isaalang-alang ang kapakanan
ng kapwa bago kumilos.
Karaniwang naririnig mula sa
matatanda na bago mo sabihin
o gawin ang isang bagay ay
makasampu mo muna itong
isipin.
Pakitunguhan ang kapwa ayon
sa iyong nais na gawin nilang
pakikitungo sa iyo. Ang
prinsipyong ito ay
nagpapatunay anomang gawin
mo sa iyong kapwa ay ginagawa
mo rin sa iyong sarili.
Tandaan, mahalagang iyong
isaisip at isapuso: Ang tao
ang pinakabukodtangi sa
lahat ng nilikha ng Diyos
dahil sa taglay niyang isip at
kilos loob.

You might also like