You are on page 1of 9

Mga Karapatan ng

Mamamayan
Yunit 4 Aralin 2
• Karapatan - ay isang kakayahan ng isang tao o mamayan ng isang bansa na
magdesisyon at gumawa ng mga bagay na may kalayaan.
• -lahat ng tao ay may karapatan, anuman ang lahi, kasarian, relihiyon, at antas sa
buhay.
• - ang mga karapatang ipinagkaloob sa tao ay hindi maaring alisin o bawiin kailan
man.
• Konstitusyon – ay katipunan ng mga nasusulat na batas na nagsisilbing gabay sa
pagpapatakbo ng isang bansa.
Mga Uri ng Karapatan
• Mga Likas na Karapatan (Natural Rights) – ay mga karapatang
tinataglay ng tao kahit hindi nakasaad sa konstitusyon o hindi
ipinapatupad ng anumang batas.
• Mga Karapatan ayon sa ipinatutupad ng batas (Statutory Rights)
– ay mga karapatang itinatakda ng pamahalaan sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng batas. Maaring bawiin o palitan ng pamahalaan ang
mga karapatang ito.
• Mga Karapatang Konstitusyonal (Constitutional Rights) – ay mga
itinakda ng Saligang Batas, ang mga batas na ito ay hindi maaaring
bawiin, palitan at labagin ng pamahalaan.
Ang Katipunan ng mga Karapatan
• Karapatan sa Buhay, Kalayaan, at Ari-arian
• Kalayaan sa Paghahalughog at Pagsamsam
-kailangang ng search warrant bago halughugin ang ari-arian ng isang
mamamayan.
- Kailangan din ng mandamiyento de aresto o arrest warrant sa
• Kalayaan sa Pribadong Pakikipag-usap
• Malayang Pananalita at Pamamahayag
• Malayang Pagpili ng Pananampalataya
• Kalayaan sa Paglalakbay at Pagpili ng Tirahan
• Karapatan sa kabatiran
• Karapatan sa Pribadong Ari-arian
• Kalayaang Bumuo ng mga Samahan
• Malayang Pagdulog sa Hukuman
• Karapatan ng mga Nasasakdal
• Karapatan sa Pagpipiyansa
-reclusion perpetua – ang habang buhay na pagkakakulong
• Karapatan sa Writ of Habeas Corpus
- writ of habeas corpus- ang kautusan ng
hukuman na dinggin sa korte ang kaso
ng sinumang inaresto.
• Karapatan sa Madaliang Pagdinig ng mga Kaso
• Karapatan Laban sa Pagtestigo Laban sa Sarili
• Kalayaan sa mga Paniniwalang Politikal
• Karapatan Laban sa Labis na Multa at Pagpaparusa
• Karapatan Laban sa Pagkakakulong Dahil sa Utang
• Karapatan Laban sa Double Jeopardy
• Karapatan Laban sa Batas na ex post facto.
Mga Natatanging Karapatan
• Karapatan ng Bata
-United Nations Convention on the Rights of the Child dito nakasaad ang
mga karapatang dapat matamasa ng bawat bata.
• Karapatan ng mga may Kapansanan
• -Republic Act No. 7277 o “Magna Carta for Persons with Disability.
• Karapatan ng Matatanda
• - Republic Act No. 9994 o “Expanded Senior Citizens Act of 2010”
• Karapatan ng kababaihan
• - Republic Act No. 9710 “Magna Carta of Women.

You might also like