You are on page 1of 102

ANG ASIA

AT ANG DALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG

ARALIN 2
• Ang pakikisangkot ng Asia sa
dalawang digmaang pandaigdig ay
dulot ng makasalimuot na ugnayan sa
mga bansang Kanluranin.
• Dahil sa mga kasunduan at kampihan,
nasangkot ang Asia sa mga Digmaang
hindi sila ang nagpasimula.
ANG UNANG
DIGMAANG
PANDAIGDIG
• Ang ugat ng Unang Digmaang
Pandaigdig ay mababakas mulsa sa
pagsakop ng Gemany sa mga
probinsiya sa hangganan ng France,
ang Alsace at Lorraine, na
pinagmulan ng Digmaang ng France
at Prussia ( Franco-Prussian War ng
1870-1871).
• Upang maseguro na hindi mabawi
ng France ang mga teritoryo,
nakipag-alyansa ang Germany sa
Austria-Hungary at sa Italy at
nabuo ang tinatawag na TRIPLE
ALLIANCE.
TRIPLE ALLIANCE/CENTRAL POWERS
• Dahil nabahala ang France sa mga
agresibng kilos ng Germany at
mga kaalyado, nakipagkasundo
naman ito sa Great Britain.
• Ang kasunduan ay isang
ENTENTE CORDIALE o
kasunduan ng pagkakaibigan.
• Nabahala rin ang Russia sa mga
kilos ng Germany at nakipag-
alyansa naman ito sa Great Britain.
• Kaya nabuo ang TRIPLE ENTENTE
ng France, Great Briatain, at Russia.
• Ang mga alyansa ng mga bansa ang
nagpasidhi sa tensiyon sa Europe.
TRIPLE ENTENTE/ALLIED POWERS
• Noong panahong iyon,may
problema ang Austria sa kaharian
ng Serbia, isa sa mga estado nito sa
Balkan.
• Nais ng Serbian na pagkaisahin ang
mga Slav sa Austria at magtatag ng
malayang “GREATER SERBIA”.
• Noong Hunyo 28, 1914, pinaslang
ng isang makabayang Sebrian, si
Gavrilo Princip, ang archduke ng
Austria na si Franz Ferdinand at
ang asawa niya sa Sarajevo.
Gavrilo Princip
Archduke Franz Ferdinand
• Ang archduke ang magmamana
sana sa trono ng Austria.
• Layon ng pagpaslang ang
nagpasimula ng rebolusyon ng mga
Slav laban sa pamahalaan ng
Austria.
• Nagpatulong ang Austria sa
kanyang kakampi, ang Germany,
at nagplanong sumalakay sa
Serbia.
• Nagbigay ang Austria ng mga
kondisyon na dapat sundin ng
Serbia.
• Tinanggap ng mga Slav ang lahat
ng kondisyon ngunit tumanggi
silang payagan ang mga opisyal ng
Austria na mag-imbestiga sa
nangyari sa Sarajevo.
• Noong Hulyo 28, 1914, nagdeklara ng
digmaan ang Austria laban sa Serbia.
• Ang epekto ng sistema ay nagsimula.
• Pagsapit ng Agosto 1914, sumiklab
ang digmaan sa pagitan ng Central
Powers (Germany, Italy, at Austria-
Hungary) laban sa Allied Powers
(Great Britain, France at Russia).
• Noong una, hindi kasali ang United
Statesngunit, noong 1917, nanganib
ang kanyang mga teritoryo sa
hangganan ng Mexico.
• Tumagal ang digmaan ng halos apat
(4) na taon at nagtapos lamang nang
matalo ang Germany at mga
kakampi noong Nobyembre 1918.
• Sa kasunduan para sa kapayapaan
na ginanap sa Versailles (Versailles
Treaty of 1919) matapos ang
digmaan, kinailangang harapin ng
Germany ang mga bunga ng
ginawang digmaan.
• Isinisi sa Germany at mga
kakampi ang digmaan.
• Pinabayaran sa Germany ang
lahat ng nasira ng digmaan sa
lahat ng bansa at umabot sa
halagang USD 35 bilyon.
• Kinuha rin sa kanya ang mga teritoryo
sa Africa, Asia, at sa Pasipiko.
• Walang nagawa ang Germany kundi
ang sumunod sa kasunduaan bagama’t
napakabigat ng mga kondisyong ito sa
pamahalaan at mamamayan ng
Germany noon at sa sumunod na taon.
ANG PAKIKILAHOK NG ASIA
SA UNANG DIGMAANG
PANDAIGDIG
• Nakatuon sa ekonomiya ang
naging papel ng Asia sa Unang
Digmaang Pandaigdig.
• Dahil may mga kolonya ang mga
Europrean/Kanluranin sa Asia,
ang mga kolonya ang pinagkunan
ng mga panustos sa giyera.
• Naging mahalaga ang bansang
Thailand sa digmaan.
• Ito ang pinagkunan ng mga Ingles ng
goma at troso.
• Bagama’t noong una ang Thailand ay
walang kinikilingan, nagpagamit ito sa
Great Britain sa kagustuhanng
mapaalis ang mga Aleman at Austrian.
• Dito nakita ng mga Thai ang
sibilisasyong European sa panahon
ng digmaan.
• Sa pakikihalubilo sa mga Pranses,
nakakuha sila ng mahahalagang
ideya na kanilang dinala sa
pagbalik sa Thailand.
• Sinamantala naman ng Japan ang
digmaan upang masakop ang mga
teritoryo ng Germany sa Pasipiko.
• Matapos ang kanilang panalo sa
China noong 1894 at sa Russia noong
1904, ninais ng Japan na magtayo ng
isang imperyo na kapareho o higit pa
sa naitatag ng mga taga-Kanluranin.
• Ang Unang Digmaang Pandaigdig
ang nagpasidhi sa ambisyon ng
Japan na magtatag ng imperyo at
naisagawa niya ito nang ilang taon
noong Ikalawang Digmang
Pandaigdig.
• Kung nakatulong sa ilang bansa ang
digmaan, ang iba ay lubhang napinsala
at nagdulot ng maraming suliranin.
• Palihim na nakipag-alyado ang
Imperyong Ottoman sa Germany upang
mabawi ang nasakop na teritoryo sa
Cyprus, Egypt, at Suez Canal mula sa
Great Britain.
• Ngunit ng matalo sila, nawala lahat
ang kanyang teritoryo maliban sa
Turkey.
• Hinangad ng Germany ang
produktibong palayan sa Ukraine t
ang himpilan ng hakbang dagat sa
Sevastopol na tabi Black Sea.
• Ang Russia ay naharap sa dalawang
suliranin ang posibleng pagsakop ng
Germany sa Poland at ang mga
estado sa Baltic, at ang pagrebelde
ng mamamayan laban sa di
epektibong czar.
• Bagamat nagdeklara
si Czar Nicholas II ng
digmaan laban sa
Germany, wala itong
sapat na kakayahan
upang lumahok sa
digmaan.
• Nang mahawakan ng
mga Bolshevik sa
pamumuno ni Vladimer
Lenin ang pamahalaan,
sa Kasunduang Brest-
Litovsk ng 1918,
umurong ang Russia sa
digmaan.
• Para sa mga nakararaming
ordinaryong mamamaya, ang
digmaan ay pagkakataon upang
makalaya sa kamay ng lahing
sumakop.
• Ang India na sakop ng mga Ingles ay
hindi nakilahok sa digmaan.
• Sa halip, nagsunod-sunod ang mga
protesta ng satyagraha ni Mahatma
Gandhi .
• Ang mga pagkilos ay pare-parehong
sinalihan ng magkakaribal na Sikh,
Hindu, at Muslim.
MGA EPEKTO SA ASIA NG
UNANG DIGMAANG
PANDAIGDIG
• Ang pagkatalo ng Imperyong
Ottoman sa digmaan ang
nagpahinga sa kapangyarihan ng
caliphate.
• Ang dating pangganyak sa mga tao,
ang nasyonalismo ng mga Arabe ay
tumamlay.
• Nagsimulang humingi ng kalayaan
ang mga estado ng imperyo.
• Naging malaya ang Egypt at ang
ibang bahagi ng imperyo ay
inilagaya sa ilalim ng mandato ng
Great Britain at ng France.
• Pagkatapos ng Digmaan, itinuon ng
Great Briatin, Russia, France at United
States ang pansin sa pagpapatatag ng
kani-kanilang bansa.
• Iniwan ang mga kolonya sa
pangangasiwa ng mga tauhan na
inasahang magpapanatili ng kanilang
kapangyarihan.
• Sa India, sa halip na ibigay ang
kalayaan, naging marahas ang mga
namamahalaang Ingles.
• Hinuli at dinaan sa karahasan ang
mga lumalaban sa pamahalaan tulad
ng nangyari sa Amritsar.
ANG IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG
• Ang sakit ng kalooban ng mga
Aleman sa naging resulta ng
Kasunduan sa Versailles ang
nagtulak sa kanila upang
magsumiklab na mabawi ang
dignidad at nawalang kapanyarihan.
• Sa pamumuno ni Adolf
Hitler, nagtatag sila ng
isang diktadura na
suportado ng mga
dugong bughaw,
kapitalista, militar, at
manggagawa.
• Hinimok sila ng propaganda ni
Hitler na ang mga Aleman ay
kabilang sa superyor na lahi, at may
karapatan ang mga Slav na
magdesisyon para sa sarili.
• Ayon kay Hitler, ang Aleman ay
superyor na lahi at lahat ng ibang
lahi ay mas mababa at pabigat
lamang sa bayan.
• Partikular na tinutukoy niya ang
mga Hudyo.
• Inalis ang kanilang karapatang
maging mamamayan ng Germany
at tinanggalan ng karapatang
maging opisyal na pamahalaan,
magnegosyo, at kumita gamit ang
propesyon.
• Inalis ang kanilang karapatang
maging mamamayan ng Germany
at tinanggalan ng karapatang
maging opisyal na pamahalaan,
magnegosyo, at kumita gamit ang
propesyon.
• Lumaganap ang diskriminasyon laban
sa mga Hudyo.
• Libo-libo ang pinatay.
• Ang iba ay hinuli dahil lamang sa
kaunting pagkakamali.
• Maraming Hudyo ang lumikas sa
Germany, iniwan ang mga tahanan at
iba pang mga ari-arian upang
mamuhay sa ibang lugar.
• Nang maging makapangyarihan si
Hitler bilang chancellor at diktador
ng Germany, hinawakan niya ang
militar.
• Noong 1925, sinimulan niyang
palakasin ang militar, ang NAZI,
isang bagay na ipinagbawal sa
Kasunduan ng Versailles.
• Noong Marso 1936, sinakop ni Hilit
ang rehiyon sa pagitan ng Ilog
Rhine at hangganan ng France
bagama’t sinabi sa Kasunduan na
hindi ito dapat lagyan ng
puwersang militar.
• Pagkatapos, sinakop din ang
Sudetenland sa Czechoslovakia at
noong 1939, ang Prague na punong-
lungsod ng Czechloslovakia.
• Noong 1939, hiningi ng Germany
angkalayaan ng Kanlurang Poland
para sa mg aAleman na nakatira
doon.
• Nang tumanggi ang Poland,
sumalakay si Hitler noong
Setyembre 1, 1939.
• Ang kanyang blitzkrieg o “biglaang
pagsalakay” ay nagbunga ng
pagsakop sa Poland, Denmark,
Norway, at ang buong Europe.
• Sa kabilang dako, ang
kanyang kakampi, si
Benito Mussolini ng
Italy, ay sumalakay sa
Mediterranean at
sinakop ang Egypt at
Suez Canal patungo sa
Kanlurang Asia.
• Dalawang araw matapos ang
pagsalakay sa Poland, nagdeklara
ng digmaan ang France at Great
Britain laban sa Germany.
• Ito ang simula ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig sa Europe.
• Ang mga Hapones ay kakampi ng
Germany at Italy.
• Noong 1941, sinalakay nila ang
Pearl Harbor, isang himpilan ng
hukbong dagat ng Amerika sa
Pasipiko.
• Mula roon, sinalakay rin ang
Pilipinas, Burma, Singapore, Dutch
East Indies (Malasia at Indonesia),
French Indochina (Laos, Cambodia,
at Vietnam), at iba pang bahagi ng
Timog-Silangang Asia.
• Sinamantala ng mga Hapones ang
pagkakataon upang
maisakatuparan ang pangarap na
imperyong Hapones sa Asia.
ANG PARTISIPASYON NG
ASIA SA IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG
• Nang sumiklab ang digmaan,
nanatiling neutral o walang
kinikilingan ang Iran.
• Ito ay upang maiwasang magamit
ang bansa na base-militar papunta
sa Russia.
• Maliban sa kilala ang Iran na
tagasuporta ng Germany, ito rin
ang pinakamaganda at ligtas na
linya ng komunikasyon sa pagitan
ng US at ng Russia.
• Ang India ay hindi kumbinsidong
makilahok sa digmaan.
• Nang magpadala ang Great Britain
ng mga tropang sepoy sa Aden,
Egypt, at Singapore, umalma ang
mga Indian.
• Ang pagsali ng Japan sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ay nagsimula
bago sumiklab ang giyera.
• Noong 1940, lumagda ito ng
kasunduan kasama ang Italy at
Germany na susuportahan siya sa
pagsakop sa Asia.
• Nang matalo ang France,
pinakiusapan ang Germany na
hayaan siyang makontrol ang
French Indochina at ang teritoryo
ng mga Olandes sa Indonesia upang
mapagkunan niya ng mga likas na
yaman.
• Ang hakbang na ito ay hindi
nagustuhan ng United States.
• Ipinahinto ng US ang pagluluwas
ng langis sa Japan.
• Ito ang tinatawag na embargo o
pagtigil sa pagtinda ng produkto
upang maipit ang kalabang bansa.
• Kailangan ng Japan ang lngis para
sa mga eroplano at barkong
pandigma na gagamitin upang
masakop ang Asia.
• Inaprubahan ng emperador ng
Japan ang planong pagsalakay sa
US.
• Nang mabigo ang negosasyon,
sinalakay ng mga Hapones ang US
Pasific Fleet sa Pearl Harbor sa
Hawaii noong Disyembre 7, 1941.
• Pearl Harbor sa
Hawaii noong
Disyembre 7, 1941.
• Napilayan ang hukbong-dagat ng
US at nasakop ng Japan ang
Pilipinas, Borneo, Celebes,
Indochina, Thailand, Hong Kong,
Singapore, Hilagang Burma, at
Timog India.
• Naging marahas at malupit ang
paraan ng pagsakop ng mga
Hapones upang maipakita ang
pagiging superyor ng lahing
Hapones kaysa sa iba.
• Natapos ang pamamayagpag sa
kapangyarihan Japan nang ipag-
utos ni Pangulong Harry Truman ng
US ang paggamit ng pinakabagong
imbensiyon pandigma noong
panahong iyon, ang bomba
atomika.
Pangulong Harry Truman
• Nang tumanggi ang Japan na
sumuko, pinasabugan ng bomba
atomika ang siyudad ng Hiroshima
humigit 80,000 ang namatay at
marami ang nasugatan.
6
AUGUS
T
• Sinundan ito ng isa pang bomba sa
siyudad ng Nagasaki.
• Ang epekto ng radiation ng bomba ay
patuloy na nakikita sa mga biktimang
nabuhay at sa kapaligiran sa
sumunod na mga taon.
ANGEPEKTO SA ASIA NG
IKALAWANG DIGMAANG
PANDAIGDIG
• Pormal na natapos ang digmaan ng
lagdaan ng Japan ang mga papeles
ng pagsuko sa barkong USS
Missouri sa Tokyo Bay noong
Setyembre 2, 1945.
United States Ship
Missouri
• Pinabayad ang Japan ng bayad-
pinsala para sa mga nasira ng
digmaan.
• Ang imperyalismong Hapones ay
nagbnga ng kamatayan ng milyong-
milyong tao at pagkasira ng mga
ari-arian sa mga nasakop na bansa.
• Ang pananaig ng komunismo sa
China at ang pagtatag ng republika
noong Oktubre 1, 1949 ang
nagpasigla sa adhikaing makamit
ang kalayaan sa pamamagitan ng
rebulosyon.
• Iba-iba ang naging epekto ng
digmaan sa French Indochina.
• Sa Laos, nagpatuloy ang kaguluhan
hanggang sa manaig ang Partid
Komunista noong 1973.
• Binalikan ng Pranses ang Cambodia
at Vietnam.
• Habang nakapagtatag ng
pamahalaang papet sa
Cambodia,nilabanan naman sila ng
mga komunista sa Vietnam.
• Taong 1930 pa nang itatag ni Ho Chi
Minh at ng mga Viet Minh ang
Partido Komunista sa Vietnam.
• Sa pagsuko ng Japan, sinakop ng US at
Russia ang Korea.
• Pinamahalaan ng Russia ang Hilaga at
US ang timog.
• Pansamantala lang sana ang
pagkakahati ngunit nagkaroon ng Cold
War, at naging permanente ang
pagkakahati.
• Dalawang magkaibang anyo ng
pamahalaan ang naitatag.
• Komunista sa Hilaga at
demokratiko sa Timog.
• Nang salakayin ng North Korea ang
timog noong Hunyo 25, 1950
nagsimula ang Digmaan sa Korea.
• Sa pamumuno ni
Aung San, binuo ng
mga makabayang
Burmese ang Anti-
Fascist People’s
Freedom League
(AFPFL).
• Ngunit ang inaasam na magandang
bukas para sa bansa ay nag laho
nang paslangin si Aung San.
• Malaki ang tinawa ng mga Burmese
sa kanya.
• Ang sapilitang kolaborasyon ang sumagip
sa Thailand mula sa mga Hapones.
• Sinuportahan ng Thailand ang US sa
Digmaan sa Korea.
• Ngunit, nang matapos ang giyera,
pumalit ang marahas na pamahalaang
militar at nagpasunod ng mga
konserbatibong patakaran.
• Dahil sa karahasan, napatalsik ito
ng isang coup d’etat noong 1957.
• Nang maitatag ang bagong pamahalaan
sa pamumuno ni Heneral Sarit,
napagkaisa ang mamamayan at
naisulong ang kanluran.
• Sa tulong ng US, napaunlad ang
Thailand.
• Ang problema ng Malaysia at
Singapore ay hindi natapos sa
pagsuko ng mga Hapones.
• Nagwatak-watak ang mamamayang
Tsino, Malay, Indian, at iba pa.
• Dahil dito, nagalit ang mga Malay
sa mga Tsino.
• Napasakamay ng mga Malay ang mga
kapangyarihang posiyon sa pamahalaan,
pulisya, at unibersidad.
• Ang pagkakaiba sa kultura ay nagbunga
ng madalas na alitan at karahasan.
• Ito ang nagbunsod sa paghihiwalay ng
dalawang bansa, ang Malaysia at ang
Singapore noong 1965.
• Nagdeklara ng kalayaan ang
Indonesia dalawang araw matapos
sumuko ang Japan.
• Bagama’t bumalik ang mga
Olandes, naitaboy sila matapos ang
tuloy-tuloy na pag-atake ng mga
gerilya.
• Nakamit nila ang kalayaan noong 1949.
• Ngunit ang pamahalaan na itinatag ni
Achmed Sukarno at Mohammad Hatta
ay walang matibay na suporta ng
mamamayan, walang organisasyon, at
kulang sa mga taong may karanasan sa
pamahalaan.
Achmed Sukarno at Mohammad Hatta
• Sa ilalim ng mga Olades, hindi sila
pinahawak ng mga tungkulin sa
pamahalaan.
• Maliban dito ang Indonesia ay
binubuo ng napakaraming pulo na
may magkakaibang pangkat-etniko,
wika, at relihiyon.
• Wala silang parehong tradisyon
tradisyon na magbubuklod sa lahat.
• Ang tanging pagkakapareho nila ay
ang pagiging bahagi ng imperyo ng
mga Olandes.
• Ang kahinaan ng pamahalaan ay
nagbunga ng rebolusyon noong
1957.
• Noong 1959, muling tumatag ang
pamahalaang Sukarno sa tulong ng
Partido Komunista at ang pinuno ng
militar na si Heneral Suharto.
Heneral Suharto
• Ang pamamahala ay tinatawag na
“guided democracy”.
• Hindi nagtagal, nakipaghiwalay si
Heneral Saharto sa militar, pinilit si
Suharto na magbitaw sa posisyon, at
siya ang pumalit na pangulo.
• Ang pagsakop ng mga Hapones sa
Pilipinas ay nagbunga ng
pagkakahati-hati ng mamamayan sa
dalawa, ang politiko na
nakipagsabwatan sa ga sumasakop na
Hapones, at ang mga magbubukid na
sumapi sa gerilya laban sa mga
Hapones, ang HUKBALAHAP.
• Maging nang makamit na ang
kalayaan noong 1946, maraming
Pilipino, lalong-lalo na ang mga
naimpluwensiyahan ng komunismo,
ang galit sa mga Amerikanong
sumakop.
• Ang rebilyong HUK na nagsimula
noong panahon ng pananakop ng
Japan ay naging problema ng
administrasyong Roxax, Quirino,
at Magsaysay.
• Ngunit sa tulong pinansiyal ng US at
mga mamumuhunan na Amerikano,
humina ang hatak ng komunismo at
nagsimula ang paglago at pag-unlad
ng ekonomiya.
• Nang mamatay si Magsaysay noong
1957, bumalik ang mga
mayayamang politiko sa
pamahalaan kasabay ng uri ng
pamahalaang hawak ng pamilya at
mga kamag-anak, ang korupsiyon,
at ang karahasan.

You might also like