You are on page 1of 52

ANG PAGBASA BILANG ISANG

KASANAYANG
PANGKOMUNIKASYON

Free Powerpoint Templates


Page 1
KATUTURAN NG PAGBASA

• Sa apat na makrong kasanayan, ang


pagbasa ay bihirang isagawa ng mag-aaral
sapagkat ito’y nangangailangan ng panahon.
Karaniwang ang nakalimbag sa elektroniko
ang binabasa dahil na rin sa impluwensya ng
teknolohiya; kaya’t ang mga e-book ay
usung-uso sa kasalukuyan. Sa kabila ng
penomenon na ito, mahalaga pa ring ikintal
sa isipan ang mga kahulugang sinasabi ng
mga dalubhasa hinggil sa pagbasa.

Free Powerpoint Templates


Page 2
• William Gray na kinikilalang
“Ama ng Pagbasa”
- ay nagsabing “ang pagbasa
ay ang interaksyon ng
mambabasa at ng nakalimbag na
wika na kung saan ang
mambabasa ay nagtatangkang
bumuong muli ng mensahe mula
sa kanyang pagkaunawa sa
mensahe ng manunulat.
Free Powerpoint Templates
Page 3
Kalimitang ang kahulugan ng pagbasa ay ipinapalagay na:

• pagkuha ng ideya/ kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag


• isang proseso ng interaksyon sa pagitan ng mambabasa at ng awtor
• proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may-akda
sa babasa ng kanyang isinulat
• interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan;
pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.
• instrumento sa pag-apuhap ng kahulugan at kabuluhan ng mga bagay-
bagay sa paligid o sa paglinang ng mapanuri at malikhaing kaisipan
• ang tagumpay o kabiguan ng mga mag-aaral sa pagbasa ay repleksyon
ng kanilang ginagamit na estratehiya; ang mga estratehiyang ito ay
repleksyon naman ng kanilang ganap na pag-unawa kung ano ang
pagbasa. Samakatwid, hindi sapat na ang tao ay marunong magbasa
kundi kinakailangan din niyang maging mahusay magbasa.
 

Page 4
Sa kabilang banda may mga sinasabi naman ang mga
dalubhasa hinggil sa pagbasa:

• para sa lubusang pag-unawa ng isang teksto,


kailangan ang dating kaalaman ng tagabasa upang
maiugnay niya sa kaniyang kakayahang bumuo ng
mga konsepto/kaisipan at kasanayan sa
pagpoproseso ng mga impormasyong
masasalamin sa teksto. (Coady 1979)
• ang pagbasa ay isang saykolinggwistik na paraan
ng pagbibigay hinuha sa isang kalagayan, nabasa
o narinig. (Goodman)
• ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na
nagiging daan sa kabatiran at karunungan. Ito’y
isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran,
paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng
iba’t ibang karanasan sa buhay.(Toze)
Free Powerpoint Templates
Page 5
• ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang
sa mga salitang binabasa kundi pangangatwiran at
pag-iisip. (Thorndike)
• ang pagbasa ay nakapagpapalawak ng pananaw
at paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao
na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa
buhay. (Arrogante)
• ang pagbasa ay dalawang proseso: pagunawa at
bilis. (Holmes)
• dalawa ang kailangan sa pagbasa:mg a
impormasyong nakikita at mga impormasyong di-
nakikita. (Smith)
• ang kinalabasang kahulugan mula sa pagkaunawa
ng mambabasa ay isinasaayos ayon sa layunin ng
kanyang pagbasa. (M. Tinker at McCollough
Free Powerpoint Templates
Page 6
– MGA FACETS SA INTERAKSYON SA
PAGBASA:

Ayon kina Gephart et.al:

• ang materyal na binabasa


• ang kaalamang taglay ng mambabasa
• ang gawaing pisyolohikal at intelektwal

Free Powerpoint Templates


Page 7
• Ayon naman kina Smith at Dechant, 1961
ang pagbasa ay:

• isang tugon
• isang interes
• isang prosesong sensori
• isang prosesong perseptwal
• isang prosesong natututuhan
• isang gawaing debelopmental
• isang kasangkapan sa pagkatuto
• isang prosesong pag-unlad sikolohikal at
pisyolohikal Free Powerpoint Templates
Page 8
PROSESO NG PAGBASA

• Sinabi ni Millrood (1999), ang


proseso ng pagbasa ay
mailalarawan sa pamamagitan
ng reading dynamics. Ang
proseso ng pagbasa ay maaaring
talakayin sa pamamagitan ng
layunin, estratehiya at bunga.

Free Powerpoint Templates


Page 9
• Ang layunin ng pagbasa ay tumutukoy
sa pangunahing pangangailangan o
dahilan sa pagbabasa. Samantala,
kapag natukoy na ang layunin, ang
mambabasa ay pumipili ng
estratehiyang aangkop sa layunin ito.
Dito ay pagpapasyahan niya ba kung
siya ay gagamit ng iskaning, iskiming,
pagbasang kritikal atbp. At sa
pamamagitan ng estratehiyang ito, ang
inaasahang bunga ay matatamo.

Free Powerpoint Templates


Page 10
MGA KATANGIAN SA PROSESO NG PAGBASA
(Romero, 1985)

• Ang pagbasa ay isang kompleks na gawain.


• Ang pagbasa ay prosesong two-way.
• Ang pagbasa ay isang prosesong biswal.
• Ang pagbasa ay isang aktibong proseso. Ito ay
isang prosesong pangkaisipan.
• Ang pagbasa ay gumagamit ng sistemang
pangwika na tumutulong sa mambabasa na
maging epektibo sa paggamit ng wika sa
pagsusulat.
• Ang mabisang pagbabasa ay nakasalalay sa
dating kaalaman at karanasan ng mambabasa.
Free Powerpoint Templates
Page 11
MGA HAKBANG SA PROSESO NG PAGBASA
(William Gray)

1. Persepsyon o pagkilala ng mga salita o simbolong


nakalimbag

2. Komprehensyon o pag-unawa sa mensahe ng


tekstong binabasa

. 3 Reaksyon sa mga argumentong inihain ng teksto

4. Integrasyon o ang aplikasyon ng mga kaalamang


natutuhan mula sa binasa

Free Powerpoint Templates


Page 12
ILANG MGA KAISIPAN HINGGIL SA PROSESO NG
PAGBASA (Ayon kay Badayos, 2000)

1. Ang pagbasa ay walang kahilingang imposible


para hindi ito maisagawa ng isang tagabasa.
2. May tatlong mahahalagang hakbang sa
pagbasa: paghahanda, pagpoproseso ng
impormasyon at pagtugon o pagbibigay ng
reaksyon sa binasa.
3. Ang epektibong mambabasa ay iyong mga
interaktibong tagabasa.
4. Maraming mga suliranin sa pag-unawa na hindi
lamang mga suliranin sa pagbasa.
5. Ang magaling na tagabasa ay sensitibo sa
kayariang balangkas ng tekstong binabasa.
6. Ang mabilis na pagbasa ay bunga ng
Free Powerpoint Templates
komprehensyon o pag-unawa. Page 13
MGA URI NG PAGBASA

– AYON SA PAMAMARAAN

• A. Mabilisang pagbasa – (skimming)


ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya
ng isang tao. Nagtuturo ito sa mambabasa
upang malaman ang pangkalahatang
pananaw na matatagpuan sa mga aklat at
iba pang nakalimbag na babasahin.
Tinatatawag din itong pinaraanang pagbasa
at pinakamabilis na paraan ng pagbasa.

Free Powerpoint Templates


Page 14
• B. Pahapyaw na Pagbasa - (scanning)
tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na
impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng
pagbasa na hindi hinahangad na makuha ang
kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga rito’y
makita ang hinahanap sa madali at mabilis na
paraan.

• C. Pagsusuring Pagbasa – (analytical


reading) nakasalalay sa mga materyales ang
gawaing pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit
dito ang matalino at malalim na pag-iisip.
Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral
sa pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-
iisip.

Free Powerpoint Templates


Page 15
• Pamumunang Pagbasa (Critical reading) kasama rito
ang pagpuna mula sa pamagat, simula, katawan
(nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan- diin na
matiyak ng mambabasa na naunawaan ang buong
nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang ang
nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin. Kailangan
din ng pansin o puna ang istruktura ng mga
pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa
pagsulat ng may-akda. Tinitingnan din ang kalakasan at
kahinaan ng paksa at ang may-akda.

• E. Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata lamang


ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang
puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog
ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto.

Free Powerpoint Templates


Page 16
• Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa ito
sa teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas
sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang
sapat na marinig at maunawaan ng mga
tagapakinig.

• G. Masinsinang Pagbasa - hindi ito “under


time pressure” na pagbasa. Binibigyan dito ng
guro ang mga mag-aaral ng sapat na panahon
upang maisa-isang basahin at mapagtuunan ng
pansin ang mga salitang bumubuo sa teksto.
•  
Free Powerpoint Templates
Page 17
Ayon sa Layunin
• Pagbasang nakapagtuturo – nagbabasa ang isang tao
dahil mayroon siyang nais malaman o marating.
Kailangan natin ang layuning ito upang maragdagan ng
bago an gating dating kaalaman. Kasiya-siya ito dahil
napapaunlad nito ang bawat larangan na ating tinatahak.

• Pagbasang paglilibang - ang pagbabasa ay mainam


gawing libangan dahil nakapagpapatalas ng isip at diwa
ng tao. Ito ang pagkain ng ating isipan at may
kaligayahang naidudulot sa ating buhay.

Free Powerpoint Templates


Page 18
LIMANG DIMENSYON NG PAGBASA

A. Pag-unawang Literal
– pagpokus ng atensyon sa mga ideya at info
na maliwanag na sinasabi ng babasahin.
– pagkuha ng pangunahin, literal, at tuwirang
kahulugan ng salita o pagkuha ng
kahulugan ayon sa paggamit sa
pangungusap.
– pagsasalin ng kaisipan ng may-akda sa
sariling pagkakaunawa ng bumabasa.
•  

Free Powerpoint Templates


Page 19
B. Pagbibigay ng Interpretasyon

– pagbasa sa pagitan ng mga pangungusap kung


kwento at taludtod kung tula
– pagkuha ng malalim na kahulugan bukod sa mga
nakuha na literal na kahulugan
– pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga salita
na hindi tuwirang sinabi ng may-akda.
– paglalahad ng tunay na kaisipan ng may-akda
kasama ang mga implikasyon at karagdagang
kahulugan nito
– pagkilala ng tunay na hangarin at layunin ng may-
akda
– mabigyang kahulugan ang kaisipan ng may-akda
 

Free Powerpoint Templates


Page 20
C. Mapanuri o Kritikal na Pagbasa

– pagbibigay-halaga ng katumpakan ng
pagbabasa
– tiyakin ang kaugnayan nito sa isang
partikular na suliranin
– pagbibigay ng sariling reaksyon ukol
sa mga kaisipang natutuhan o tungkol
sa akdang nabasa
 

Free Powerpoint Templates


Page 21
Paglalapat o Aplikasyon

– malaman ang kahulugan ng nilalaman


ng binasa sa karanasan ng bumabasa
– madagdagan ang pansariling pang-
unawa sa sarili
– pagpapahalaga sa lipunan o paligid

Free Powerpoint Templates


Page 22
Pagpapahalaga

– pagdama sa kagandahan na
ipinahihiwatig ng nilalaman ng kwento
– pagbasa upang matugunan ang bisa ng
sikolohiya ng pamamaraan ng may-akda
o masining na elemento nito
– madama ang mga damdamin o kaisipang
likha ng guniguni o mga damdamin
 

Free Powerpoint Templates


Page 23
ANG PAGBASA BILANG AKTIBONG
GAWAIN
Nagbigay si Clouse (1998)  ng ilang
katotohanan (facts) hinggil sa pagbasa na
malimit mabigyang-pansin:

• Ang teksto ay hindi lamang ang teksbuk.


• Ang mambabasa ay hindi lamang
tumutuklas ng kahulugan. Siya ay
kasama sa pagbubuo nito.
• Walang payak o tiyak na kahulugan ang
teksto.

Free Powerpoint Templates


Page 24
• Magtiwala sa sariling reaksyon.
• Di lahat ng nakalimbag ay may
mataas na kalidad.
• Normal lang ang kawalan ng
kasiguraduhan.
 

Free Powerpoint Templates


Page 25
• MGA HAKBANG SA AKTIBONG
PAGBASA
•  
• Paunang Pagbasa (I-preview ang
teksto)
– Pumili ng lugar kung saan ka maaaring
maging kumportable sa pagbabasa.
– Pag-isipang mabuti ang pamagat.
– Alamin ang awtor.

Free Powerpoint Templates


Page 26
– Alamin ang publikasyon.
– Basahin ang headnote. (preface o
introduksyon)
– Basahin ang mga captions, mga salitang
naka-bold face o nakapahilig, mga tsart,
mga larawan at iba pa.
– Basahin ang una at ikalawang talata.
– Basahin ang pangungusap ng bawat
talata.
– Gumawa ng isang dyornal entri kung saan
itatala ang iyong inaasahan mula sa
teksto.
 

Free Powerpoint Templates


Page 27
• Basahin ang teksto sa isang upuan o
pagkakataon.

- Muli, maging komportable.


- Basahin ang teksto, kung may di maunawaan,
balikan ito, matapos na mabasa ang kabuuan ng
teksto.
- Bilugan ang mga salitang di-maunawaan o kaya’y
lagyan ng simbolong ? (tandang pananong).
- Gumawa ng dyornal entri ng inyong reaksyon sa
binasang teksto at sa pangunahing ideya nito.

Free Powerpoint Templates


Page 28
• Basahin at pag-aralan ang
teksto.

– Kumuha ng bolpen at maghandang


maglagay ng mga pananda.
– Balikan ang mga salitang binilugan at
isulat sa tabi nito ang mga kahulugan.

Free Powerpoint Templates


Page 29
– Salungguhitan ang tesis o pangunahing
paksa.
– Guhitan ang mga mahahalagang puntos.
– Makipag-usap sa awtor sa pamamagitan
ng pagsusulat ng iyong reaksyon sa
teksto.
– Gumawa ng isang dyornal entri na
sumasagot sa mga sumusunod na
tanong:
•  

Free Powerpoint Templates


Page 30
• Ang awtor ba ay nagpapahayag ng
katotohanan o opinyon?
• Mayroon bang sapat at makatwirang
mga detalye?
• Ano ang tono o himig ng awtor?
(Seryoso, sarkastiko, nakatutuwa, galit,
nanlilibak?)
• Ano ang layunin ng awtor?
• Sino ang inaasahang awdyens ng
awtor?
• Nakabatay ba ang mga tinuran ng awtor
sa emosyon, lohika/katwiran o pareho?

Free Powerpoint Templates


Page 31
Sumulat batay sa pagkaunawa sa teksto.

• Hinihikayat ang pagsusulat matapos mabasa ang


kabuuan ng teksto. Sa antas kolehiyo, mahalaga
na matandaan at maunawaang lubos ang mga
detalye ng binabasa. Dito ay mapapakinabangan
ang pagsusulat mula sa binasa. Dito masusukat
ang lalim o babaw ng pagkaunawa ng
mambabasa sa tekstong kanyang binasa.

• Maaaring pumili ng alinman sa mga sumusunod


na pamamaraan sa pagsulat ng dyornal.
•  

Free Powerpoint Templates


Page 32
• Sumulat ng iyong personal na reaksyon sa
binasang teksto. Nagustuhan mo ba ito? Bakit?
Ano ang bagong natutuhan mula rito? Ano ang
naramdaman mo sa pagbasa mo ng tekstong ito?
Hihikayatin mo ba ang iyong kaibigan na basahin
rin ang tekstong ito? Mahahalaga ba ang mga
ideya ipiniresenta? Ano ang kalakasan at
kahinaan ng teksto?

• Sumulat ng buod ng teksto.


• Sumulat ng balangkas ng teksto.
• Sumulat ng isang maikling sanaysay na
nagpapaliwanag ng kaugnayan ng iyong mga dati
nang nalalaman sa mga ideyang inilahad ng
awtor.
• Gumawa ng pagsusulit hinggil sa tekstong binasa
at subuking sagutin ito.
• Hamunin ang awtor sa pamamagitan ng pagsulat
ng mga argumento laban sa kanyang mga
inilahad na pananaw.
Free Powerpoint Templates
Page 33
IKA NGA NI BOB ONG
Sa mga kabataang nanghihingi ng words of wisdom at laging
 
nag-aakalang meron ako sa bulsa, meron nga. Ito, hindi ko
ginagamit, inyo na lang:
Kumain ka ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa
bubog na nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs.
Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga
magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at
hindi ka nila iisahan.
Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka
sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang
dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent
ang teacher. (Haay, sarap!)
Wag mawawalan ng gana sa buhay, kung ano yung galing mo,
kulit mo, lakas ng sigaw at tuwa mo sa mga laban sa UAAP, NCAA,
mga sportsfest, o concert ng paborito mong banda, wag mong
iwawala hanggang sa pagtanda. Wag kang tutulad sa ilang
konggresista na nagrereport sa trabaho para lamang matulog.
` Wag magmamadali sa pag-
aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa
hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at
maiisip mong di pala tamang pumili ng
kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie
Gibson o magaling magbreak dance. Totoong
mas importante ang kalooban ng tao higit
anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang
mga crush ng bayan sa eskwelahan, e
magmumukha ring pandesal. Maniwala ka.
Tuparin ang mga pangarap.
Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo
mang kumain ng balde-baldeng lupa para
malagay ka sa Guiness Book of World Records at
maipagmamalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi
balasi. Wag mong pansinin ang mga sasabihin ng
mga taong susubok humarang sa iyo. Kung hindi
nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin
tayo dapat nakatira sa Jupiter ngayon. Pero hindi
pa rin naman talaga tayo nakatira sa ngayon sa
Jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga
scientist noon. Kita mo ’yung moral lesson?
Kung gusto mo maging musikero, sige lang!
Pintor, ayos! Inihinyero, the best! Kung gusto mong
maging teacher, pilitin mong maging teacher na hindi
makakalimutan ng mga estudyante mo.
Kung gusto mong maging sapatero, maging
pinakamahusay kang sapatero. Kung gusto mong
maging karpintero, maging pinakamagaling kang
karpinetro. Kung gusto mong maging tindero ka ng
balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay namin para
mambulahaw sa gabi kung ayaw mong masaktan!
Mangarap ka at abutin mo ‘to. Wag mong sisihin ang
sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o
mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa ‘yo mga
magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde.
Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka,
magpakulay ka ng buhok sa kilikili. Sa bandang huli, ikaw
din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa
sarili.
Hindi ako naniniwalang kailangan ng taong mangarap
dahil gusto niya ng pera, o gusto niyang sumikat, o gusto
niya ng impluwensiya. Side effects na lang ang mga ’to,
tingin ko. Nangarap ang tao dahil binigyan siya ng Diyos na
kakayanang mangarap at tumupad nito. At wala na siyang
iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili
bukod sa talikuran ang tungkuling ’yon at hindi bumili ng
libro ko.
MGA TEORYA AT PAG-AARAL HINGGIL SA PAGBASA

IBA’T IBANG PANANAW O TEORYA SA PROSESO NG


PAGBASA (Badayos, 2000)

•TEORYANG BOTTOM-UP
May impluwensya ito ng teoryang
behaviorist na nagsasabing malaki ang
gampanin ng kapaligiran sa pag-unawa sa
pagbasa.

Free Powerpoint Templates


Page 40
• Naniniwala ang teoryang ito na ang pagbasa
ay ang pagkilala ng mga serye ng mga
nakasulat na simbolo upang maibigay ang
katumbas nitong tunog.
• Nagsisimula ang pagbasa sa yugto-yugtong
pagkilala ng mga titik sasalita, parirala,
pangungusap ng buong teksto bago pa man
ang pagpapakahulugan sa teksto.
• Tinatawag rin itong outside-in o data-driven.
•  

Free Powerpoint Templates


Page 41
• TEORYANG TOP-DOWN
• Sina Smith at Goodman ang masusugid na
tagapagtaguyod ng teoryang ito. Naniniwala sila
na ang paggamit ng kakaunting oras at panahon
sa pagbabasa gamit ang pagpili ng mga
makabuluhang hudyat (cues) at mga
impormasyong makatutulong sa pagbuo ng
kahulugan ng teksto ang siyang tunay na
mahusay na mambabasa.

Free Powerpoint Templates


Page 42
• Sa teoryang ito, ang pagbasa ay
nagsisimula sa isipan ng tagabasa dahil
ang dating kaalaman niya ang
magpapasimula ng pagkilala niya sa teksto.
Kung wala ito, hindi niya mabibigyang-
kahulugan ang anumang babasahin.
• Tinatawag rin itong inside-out o
conceptually driven.

Free Powerpoint Templates


Page 43
TEORYANG INTERAKTIBO
• Lumitaw ang teoryang ito bunga ng pagbatikos sa
dalawang naunang teorya.
• Ayon dito, mas mainam na pagsamahin ang dalawang
teorya sa gawaing pagbasa dahil naniniwala sila na ang
komprehensyon sa pagbasa ay may dalawang direksyon:
ibaba-pataas at itaas-pababa.
• Naniniwala ang teoryang ito na ang teksto ay
kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-
unawa nito, ginagamit ng mambabasa ang kanyang
kaalaman sa wika at sariling konsepto o kaisipan.
• Gayundin naman, binibigyang-diin sa teoryang ito ang
paniniwalang ang pag-unawa ay isang proseso at hindi
isang produkto.
•  
Free Powerpoint Templates
Page 44
• TEORYANG ISKEMA

• Iskema ang tawag sa dating kaalaman ng mambabasa.


• Naniniwala ang teoryang ito na ang teksto, pasalita man
o pasulat ay walang kahulugang taglay sa kanyang sarili.
• Ang teksto ay nagbibigay lamang ng direksyon sa
nakikinig o mambabasa sa kanilang paraan ng paggamit
o pagbubuo ng pagpapakahulugan mula sa kanilang
dating kaalaman.
• Ang lahat ng natututuhan at nararanasan ng tao
ay nakalagak sa isipan at maayos na nakalahad
ayon sa teorya.

Free Powerpoint Templates


Page 45
METAKOGNITIBONG PARAAN NG
PAGBASA
ANO ANG METAKOGNISYON
• Binigyang-kahulugan sa Ingles ang
meteakognisyon bilang “cognition about
cognition” o pag-alam hinggil sa pag-alam”
• Sinasabi ng mga eksperto na ang
metakognisyon ay isang survival tool”.

Free Powerpoint Templates


Page 46
• Si J.H. Flavell ang unang gumamit ng
salitang metakognisyon. Ayon sa kanya, ang
metakognisyon ay tumutukoy sa kaalaman
ng isang indibidwal hinggil sa kognitibong
pagpoproseso o anumang kaugnay nito.
• Marami itong anyo. Sinasaklaw nito ang
kaalaman hinggil sa kung kalian at paano
maaaring gamitin ang isang partikular na
estratehiya sa pagkatuto.

Free Powerpoint Templates


Page 47
• Sa metakognisyon, nakikita ng isang indibidwal ang
kanyang sariling pagkakamali sa pag-unawa at
nagsasagawa siya ng paraan upang ito ay maitama.
• Ang bawat larangan ay may kani-kaniyang paraan ng
pagbibigay-kahulugan sa metakognisyon. Ngunit sa
kalahatan, tinutukoy nito ang pag-aaral ng pagmomonitor
ng memorya at pagkakaroon ng sariling kamalayan. Ang
kapasidad na ito ay mahalaga upang magamit nang
wasto ang sariling kaalaman at mapalawig ang potensyal
ng indibidwal na mag-isip, matuto at mag-ebalweyt ng
mga katanggap-tanggap na tuntuning etikal at moral.

Free Powerpoint Templates


Page 48
• Sa eksperimento sa larangan ng sikolohiya, natuklasan
ang kaibahan ng metakognisyon sa pagitan ng
pagmomonitor at pagkontrol. Sa una, tumutukoy ito sa
pagbubuo ng pagpapasya hinggil sa kalakasan ng isang
memorya. Samantalang sa ikalawa, gumagamit naman
ng pagpapasya upang mapatnubayan ang kilos/gawi.
• Binigyang-kahulugan rin ang metakognisyon bilang lebel
ng pag-iisip na kinasasangkutan ng aktibong pagkontrol
sa proseso ng pag-iisip na kadalasang nagagamit sa
mga sitwasyong pagkatuto.

Free Powerpoint Templates


Page 49
• Ang metakognisyon ay kinapapalooban
ng mga kasanayan sa:
• pagpaplano ng mga pamamaraan upang
simulan ang isang gawaing pagkatuto
• pagmonitor ng komprehensyon
• pagtaya ng progreso sa pagkumpleto ng mga
gawain
• pagpapanatili ng motibasyon na tapusin ang
naumpisahang gawain
• pagkakaroon ng kamalayan sa mga sagabal
sa pag-unawa ---- ito man ay internal o
eksternal.

Free Powerpoint Templates


Page 50
• Yamang ang metakognisyon ay may
kritikal na gampanin sa pagkatuto ng
indibidwal, mahalaga na ito ay maisagawa
kapwa ng guro at mag-aaral. Ang mga
mag-aaral na nakapagsasagawa ng
metakognitibong pamamaraan sa pag-
aaral ay higit na may mahusay na
pagganap/performans sa mga pagsusulit
at gawaing pangklasrum.

Free Powerpoint Templates


Page 51
Free Powerpoint Templates
Page 52

You might also like