You are on page 1of 11

Yunit II

Mga Kaalamang Pangwika, Mas Palalimin


at Palawakin!
Aralin 6
Ang Phatic, Emotive, at Expressive
na Gamit ng Wika
Layunin ng Talakayan
 mabigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika
na phatic, emotive, at expressive;

 matukoy ang pagkakaiba-iba ng mga gamit ng wika na phatic,


emotive, at expressive;

 makapagbigay ng mga halimbawang pangungusap na


nagpapakita ng gamit ng wika na phatic, emotive, at expressive;
at

 makasulat ng naratibo ng sariling karanasan sa gamit ng phatic,


emotive, at expressive na wika.
Daloy ng Talakayan
 Ang Phatic na gamit ng wika;

 Ang Emotive na gamit ng wika; at

 Ang Expressive na gamit ng wika.


Ang Phatic na Gamit ng Wika

Ang mga pahayag na nagbubukas ng usapan gaya ng, “Kumain ka na?”; mga
pahayag na nagpapatibay ng ating relasyon sa ating kapuwa gaya ng, “Natutuwa
talaga ako sa‘yo!”; at mga ekpresyon ng pagbati gaya ng, “Magandang umaga!”,
pagpapaalam gaya ng, “Diyan na muna kayo, uuwi na ‘ko.” ay phatic na gamit ng
wika.
Ang Phatic na Gamit ng Wika
Halimbawa ng Nagtatanong o Nagbubukas ng Usapan

“Uy, napansin mo ba?”

“Kumusta ka?”

“Masama ba ang pakiramdam mo?”

“May problema ka ba?”


Ang Phatic na Gamit ng Wika
Halimbawa ng Nagpapakita ng Mabuting
Pakikipagkapuwa-Tao o Pakikipag-Ugnayan sa Kapuwa

“Baka makatulong kami.”

“Mabuti naman, Sol, at okey ka


lang.”
Ang Emotive na Gamit ng Wika

Ito ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin o emosyon gaya


ng lungkot, takot, at awa.

Sa mga sitwasyong sinasabi natin ang ating nararamdaman,


emotive ang gamit natin ng wika.
Ang Emotive na Gamit ng Wika
Halimbawa

“Nalulungkot talaga ako sa nangyayaring


‘yan.”

“Natatakot ako na baka lumala pa ang giyera.”

“Ako nga awang-awa sa mga namamatayan ng


mahal sa buhay.”
Ang Expressive na Gamit ng Wika

Sa ilang usapin, personal man o panlipunan, nababanggit natin ang


ating mga saloobin o kabatiran, ideya, at opinyon. Sa mga usapang ganito,
expressive ang gamit natin ng wika.
Ang Expressive na Gamit ng Wika
Halimbawa

“Paboritong-paborito ko pa naman sila.”

“…kahit may pera akong pambili, hindi pa rin ako manonood ng


concert na ‘yan.”

“Hindi ako mahilig sa foreign artists.”

“Mas gusto kong tangkilin ang mga kanta at concert ng local artists
natin.”

“Palagay ko, kani-kaniya naman talagang hilig ‘yan.”

You might also like