You are on page 1of 13

Batayang Kaalaman

sa Mapanuring
Pagbasa
Aralin 1
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Layunin ng Talakayan

• Matukoy ang kahalagahan at kahulugan ng pagbasa


• Makilala ang pagkakaiba ng intensibo at ekstensibong Pagbasa
• Malaman ang kahulugan at gamit ng scanning at skimming sa
pagbasa
• Matukoy ang antas ng pagbasa
Daloy ng Talakayan

• Kahalagahan at Kahulugan ng Pagbasa


• Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
• Scanning at Skimming sa Pagbasa
• Antas ng Pagbasa
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

“Huwag kang magbasa,


gaya ng mga bata, upang
libangin ang sarili, o gaya
ng mga matatayog ang
pangarap, upang matuto.
Magbasa ka upang
mabuhay.”
Gustave Flaubert
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming


a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng
pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay
isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng
koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na
pinagmumulan ng impormasyon
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

Ayon kina Wixson et al. (1987) sa artikulong “New


Directions in Statewide Reading Assessment” ang pagbasa ay
isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng
interaksiyon ng:
1) imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa;
2) impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at
3) konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa.
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
• Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa
kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan.
Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
Intensibo Ekstensibo
• Kinapapalooban ng malalimang pagsusuri • Ayon kina Long at Richards (1987), nagaganap
sa pagkakaugnay-ugnay, estruktura, at uri ang ekstensibong pagbabasa kapag ang isang
ng diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy sa mambabasa ay nagbabasa ng maramihang
babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga
mahahalagang bokabularyong ginamit ng
babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob
manunulat, at paulit-ulit at maingat na ng klase o itinatakda sa anomang asignatura.
paghahanap ng kahulugan.
• Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa
• Sa ganitong uri ng pagbasa, nakatutulong ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha
ang pagbabalangkas o paggawa ng lamang ang “gist” o pinaka-esensya at
larawang konseptuwal upang lubos na kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan ng
maunawaan ng mag-aaral ang isang pansin ang mga salitang malabo o hindi alam
teksto. ang kahulugan.
Scanning at Skimming sa Pagbasa
Scanning Skimming
• Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus • Mabilisang pagbasa na ang layunin ay
ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto,
itinatakda bago bumasa. Kinapapalooban ito ng
kung paano inorganisa ang mga ideya o
bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa
makita ng mambabasa ang tiyak na kabuuang diskurso ng teksto at kung ano
kinakailangang impormasyon. ang pananaw at layunin ng manunulat.
• Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, • Mas kompleks ang skimming kaysa
petsa, simbolo, larawan, o tiyak na sipi na scanning dahil nangangailangan ito ng
makatutulong sa iyo, scanning ang angkop na mabilisang paraan ng organisasyon at pag-
paraan ng pagbasa na dapat gamitin. Ibig sabihin,
may paunang pag-alam o pagkaunawa na sa
alaala sa panig ng mambabasa upang
hinahanap na impormasyon at ang layunin ay maunawaan ang kabuuang teksto at hindi
matiyak ang katumpakan nito na makikita sa mga lamang upang matagpuan ang isang tiyak
libro o iba pang sanggunian. na impormasyon sa loob nito.
Antas ng Pagbasa
Primarya • Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa
at pantulong upang makamit ang literasi sa
pagbasa. Kinapapalooban lamang ng
pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong
Mapagsiyasat impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar, o
mga tauhan sa isang teksto.
• Itinuturing na magkakahiwalay ang mga
impormasyong ito, na mahirap para sa
Analitikal bagong mambabasa upang makabuo ng
kabuuang hinuha at pag-unawa sa teksto.
• Nauunawaan lamang ang hiwa-hiwalay na

Sintopikal impormasyon sa literal na antas at hindi


nakabubuo ng interpretasyon mula sa
pagkakaugnay-ugnay ng mga nito
Antas ng Pagbasa
Primarya • Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa
ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga
hinuha o impresyon tungkol dito.
• Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng
Mapagsiyasat mabilisan ngunit makabuluhang paunang
rebyu sa isang teksto ang mambabasa upang
matukoy kung kakailanganin niya ito at kung
maaari itong basahin nang mas malaliman.
Analitikal • Paimbabaw ang katangian ng pagbasang ito
sapagkat halos panlabas na bahagi lamang ng
teksto ang tinitingnan. Hindi ito pinagiisipan

Sintopikal nang malalim para magbigay ng interpretasyon


o pinag-uukulan ng pansin ang ilang bahaging
hindi maunawaan sa teksto.
Antas ng Pagbasa
Primarya • Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang
mapanuri o kritikal na pag-iisip upang
malalimang maunawan ang kahulugan ng
Mapagsiyasat teksto at ang layunin o pananaw ng
manunulat.
• Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa
katumpakan, kaangkupan, at kung
Analitikal katotohanan o opinyon ang nilalaman ng
teksto.
• Malalim at mapanuri na ang antas na ito,
Sintopikal ngunit hindi rito nagtatapos ang layunin
ng pagbasa.
Antas ng Pagbasa
• Sa sintopikal na pagbasa, nakabubuo ng sariling
perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan
Primarya mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa.
• Ito ay hindi lamang pag-unawa sa mga nariyan nang
mga eksperto sa isang larangan o disiplina, kundi ang
Mapagsiyasat pagbuo ng sariling sistema ng kaalaman at pag-unawa
mula sa pagbasa sa mga ekspertong ito. Ang mga aklat
na binasa mo ay mga kasangkapan lamang upang

Analitikal maunawaan mo ang mga kaalaman na naipundar na


ng mga naunang iskolar.
• Sa pamamagitan ng sistematikong paraan,
pinaghahalo ang mga impormasyon mula sa aklat at
Sintopikal ang mga sariling karanasan at kaalaman upang
makabuo ng ugnayan at bagong mga pananaw at
kaalaman. Ibig sabihin, sa antas na ito ng pagbasa,
itinuturing mo na rin ang sarili bilang isa sa mga
eksperto ng iyong binasa.

You might also like