You are on page 1of 8

SI STELLA AT ANG MGA KAIBIGAN

NIYA SA ARAW NG PASKO


Anak mayaman si Stella subalit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan na walang
ginawa kung hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at magpakasarap sa buhay. Kahit ang ama niya,
Don Manuel, si Senora Faustina ay lubos ang pasasalamat sa mabuting loob ng kanilang nag
iisang anak, Kakaiba kasi ang kabutihang ipinapakita nito lalong-lalo na sa mga mahirap na tao.
Tuwing pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibiganniya na pumunta sa bahay-ampunan sa Marga
Hera. Namimigay sila ng mga laruan, pagkain at iba pang mga regalo sa mga bata doon.

“Stella, matanong ko lang, bakit dito tayo pumupunta tuwing pasko?” tanong ni Fey, isa sa matalik
na kaibigan ng dalagita.

“Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko na kahit isang beses lang sa
isang taon ay mapasaya ko sila,” paglalahad ng dalagita.
“Hindi isang beses sa isang taon bes, isang beses sa dalawang lingo. Swerte nila sayo friend,”
sabi ni Bea sa kaibigan.

Masayang masaya ang mga bata sa ampunan noong araw na iyon. Dinalhan sila nina Stella ng
piniritong manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at salad. Marami rin silang bagong laruan at
may mga hindi pa nabubuksan na mga regalo. Habang sumasakay sa auto ang tatlong
magkakaibigan, biglang ikinuwento ni Stella ang tunay na dahilan kung bakit malapit angloob
niya sa bahay-ampunan sa Marga Hera.

“Alam niyo, nais ko silang mapasaya dahil talagang ibang-iba ang buhay natin sa kanila.
Maswerte tayo at lumaki tayo kasama ang mga pamilya natin. E, sila, doon na sila bumuo ng
pamilya dahil marami sa kanila ay wala ng Ama at Ina. Sa tuwing tinititigan ko nga ang iba sa
kanila, ramdam ko ang pangungulila nila sa mga magulang nila.” pagpapaliwanag ni Stella.

Hindi naka-imik sina Bea at Fey sa narinig nila. Nagpatuloy si Stella sa pagsasalita at doon
nila lubusang naintindihan ang kanilang kaibigan.
“Laking ampunan si Mommy pero marami ang hindi alam iyon. Noong bata pa
ako, palagi niyang kinukuwento ang mga nagging karanasan niya. Mahirap raw
ang lumaki na walang magulang pero nagpapasalamat siya at may mga
mabubuting tao na nag-aalaga sa kanila roon,” sabi ni Stella.
Simula noong narinig nila ang mga sinabi ni Stella, ni minsan ay hindi na uli
nagtaka sina Bea at Fey sa kabutihang ipinapakita ng kaibigan sa mga bata.
Lubos nilang naunawaan na labis ang natutunan niya sa karanasan ng kaniyang
Ina.
PAMAGAT: Si Stella at ang mga kaibigan niya sa araw
ng Pasko.

ISINULAT NI: Sandy Ghaz

SANGGUNIAN: Internet

MGA TAUHAN: Stella, Fey, Don Manuel, Senora


Faustina, Bea, mga Bata

TAGPUAN: Bahay-ampunan sa Marga Hera


GALAW NG PANGYAYARI:

SIMULA: Anak mayaman si Stella subalit hindi siya katulad ng ibang lumaki
sa karangyaan na walang ginawa kung hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at
magpakasarap sa buhay. Kahit ang ama niya, Don Manuel, si Senora Faustina ay
lubos ang pasasalamat sa mabuting loob ng kanilang nag iisang anak, Kakaiba
kasi ang kabutihang ipinapakita nito lalong-lalo na sa mga mahirap na tao.

GITNA: Tuwing pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na pumunta
sa bahay-ampunan sa Marga Hera. Namimigay sila ng mga pagkain,laruan, at iba
pang mga regalo sa mga bata doon.
WAKAS: Simula noong narinig nila ang mga sinabi ni Stella, ni
minsan ay hindi na uli nagtaka sina Bea at Fey sa kabutihang
ipinapakita ng kaibigan nila sa mga bata. Lubos nilang naunawaan
na labis ang natutunan niya sa karanasan ng kaniyang Ina.
BUOD:
Si Stella ay isang anak-mayaman ngunit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan
na walang ginawa kung hindi mamasyal kung saan-saan at magpakasarap sa buhay. Tuwing
Pasko, niyayaya ni Stella ang kaniyang mga kaibigan na pumunta sa bahay-ampunan sa
Marga Hera. Namimigay sila ng mga laruan, pagkain at iba pang regalo sa mga bata doon.
Masayang masaya ang mga bata sa ampunan noong araw na iyon. Dinalhan sila nina Stella
ng piniritong manok, spaghetti, sandwich, hotdog at salad. Marami rin silang bagong laruan
at may mga hindi pa nabubuksan na mga regalo. Habang sumasakay sa auto ang tatlong
magkakaibigan, biglang ikinuwento ni Stella ang tunay na dahilan kung bakit malapit ang
loob niya sa bahay-ampunan sa Marga Hera. Hindi nakaimik sina Bea at Fey sa narinig nila.
Nagpatuloy si Stella sa pagsasalita at doon nila lubusang naintindihan ang kanilang
kaibigan. Simula noong narinig nila ang mga sinabi ni Stella, ni minsan ay hindi na uli
nagtaka sina Bea at Fey sa kabutihang ipinapakita ng kaibigan nila sa mga bata. Lubos
nilang naunawaan na labis ang natutunan niya sa karanasan ng kaniyang Ina.
ARAL:

Maging mapagbigay at matulungin sa mga


nangangailangan.

Huwag maging matapobre.

Pahalagahan ang mga karanasan ng ibang tao.

You might also like