You are on page 1of 17

Naisip mo na ba ang

maaaring mangyari kung


walang wika at hindi
natin maipahayag ang
sarili ng pasalita o
pasulat man?
Paksa: Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas
Mataasna Antas ng Edukasyon at Lagpas pa.

❖Nasusuri ang pahayag ng isang manunulat batay mula


ibinigay na katanungan.
❖Naibibigay ang pagkakaiba ng wika noon at ngayon
batay sa Venn Diagram.
❖ Nakalilikha ng isang awitin gamit ang mga teorya ng
wika
Bumuo ng sariling
kahulugan ng WIKA.
Naisip mo na ba ang
maaaring mangyari kung
walang wika at hindi
natin maipahayag ang
sarili ng pasalita o
pasulat man?
“Ang wika ay palatandaan ng pagkakaroon ng isang identidad ng isang bayan at ang
wika kapag ginagamit sa edukasyon ay nakakagamit ng malaki sa pagpapalalim ng
pagmamahal sa bayan,pagpapahalaga sa kasaysayan. Ang panitikan ay paggamit ng
wika upang makalikha ng akda na naglalaman ng karanasan ng bawat tao. Ang
panitikan at ang wika ay bahagi ng karanasan ng estudyante nagdaan sa isang
paaralan. Ang wika ay nag-uugnay sa estudyante sa kanyang pamilya, sa komunidad na
kanyang pinanggalingan, sa kahapon ng bayan.”
-Bienvenido Lumbrera
Habang tumatagal ang
wika ay nagbabago.
Ano na ang pagkakaiba
ng wika noon at sa wika
ngayon?
ANO ANG WIKA ?
Ito ay masistemang balangkas na binibigkas na
tunog. Pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong may isang
kultura.
ANG PROBISYONG PANGWIKA SA SALIGANG BATAS

Saligang Batas ng Biyak na Bato


(1896)

Kauna-uanahang republika na naitatag sa


Pilipinas at ang Wikang Tagalog ang
magiging opisyal na wika ng Pilipinas.
ANG PROBISYONG PANGWIKA SA SALIGANG BATAS

Disyembre 30, 1937

- iprinoklama ni Pangulong Quezon na wikang Tagalog


ang magiging batayan ng Wikang Pambansa sa bisa ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134.
ANG PROBISYONG PANGWIKA SA SALIGANG BATAS

Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935

“Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa


pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isang
wikang umiiral na katutubong wika. Hangga't hindi itinatakda ng
batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling
opisyal na wika.”
ANG PROBISYONG PANGWIKA SA SALIGANG BATAS

Agosto 13, 1959

- pinalitan ang tawag sa wikang pambansa.


- mula Tagalog ay tinawag itong Pilipino sa bisa ng kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang
kalihim ng Edukasyon spanahong iyon.
ANG PROBISYONG PANGWIKA SA SALIGANG BATAS

Saligang Batas ng 1973

Panahon ng Batas Militar , Ang batasang Pambansa ay dapat


gumaw ang ng mga hakbang tungo sa paglinag at pormal na
adopsyon ng isang panlahat
na wikang pambansa na tatawaging Filipino
ANG PROBISYONG PANGWIKA SA SALIGANG BATAS

Saligang Batas ng 1987 –Seksiyon 6:

Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas
at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika
ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon
TEORYA NG WIKA

a. Teoryang Ding-dong
Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika sa
panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng
kalikasan.
b. Teoryang Bow-Wow
Katulad ng teoryang Ding-dong, ang wika raw ay
nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga
tunog na nalilikha ng mga hayop.
TEORYA NG WIKA
c. Teoryang Pooh-Pooh
Isinasaad ng teoryang ito na nagmula raw ang wika sa mga salitang
namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang makaramdam sila ng
mga masisidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap,
kalungkutan at pagkabigla.
d. Teoryang Ta-Ta
Batay sa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o galaw ng
kamay ng tao sa paggalaw ng dila. Ito raw ay naging sanhi ng
pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at matutong magsalita.
TEORYA NG WIKA
e. Teoryang Yo-He-Yo-
Sa tuwing gumagamit ang tao ng pisikal na na lakas ay
nakasambit ito ng mga kataga na siyang tinatayang pinagmulan
ng wika

f.Teoryang Tarara-Boom-De-Ay-
Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang mga tao ay natutong
humabi ng mga salita mula sa mga seremonya at ritwal na
kanilang ginagawa.
Isagawa

Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan


mo maipapakita ang pagmamahal sa ating
wika?
Magbigay ng limang paraang madali mong
maibibigay.

You might also like