You are on page 1of 6

1.

Kasaysayan ng Wika (Mga Batas Pangwika)

 Batas Komonwelt Bilang 184 (Nobyembre 1936) na Inaprobahan ng Kongreso ang lumikha ng
Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at
pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (Disyembre 30, 1937 ) - Itinalaga ng Pangulong Quezon na
ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
 Kautusang Tagapagpaganap (Abril 1, 1940) - Ipinalabas ang paglilimbag ng isang balarila at isang
diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga
paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
 Batas-Komonwelt Blg. 570 (Hunyo 7, 1940) - Itinadhana na simula sa Hulyo 4, 1946, ang Wikang
Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
 Proklamasyon Blg. 12 (Marso 26, 1954) - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon
Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4.
Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
 Kautusang Blg 7 (Agosto 12, 1959) – nilagdaan ng Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon na tatawaging Pilipino ang Wikang Pambansa. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at
tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
 Kautusang Tagapaganap Blg. 96 (Oktubre 24,1967) - Nilagdaan ni Pangulong Marcos.
Nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa
Pilipino.
 Memorandum Sirkular Blg. 172 (Marso 27, 1968) - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael
Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at
mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.
 Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na
gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng
paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75.
 Kautusang Pangkagawaran Blg.25 (Hunyo 19, 1974) - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng
Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng
kolehiyo at pamantasan.

Saligang Batas ng 1987

Artikulo XIV - Wika

Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga
tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang
midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong
ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat
itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic.
Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng ibat ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod
ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanitili.

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 (Agosto 25, 1988) - ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong
Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy
ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng
pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.

2.  Teorya at paniniwala tungkol sa Wika

1. Teoryang Bow-wow
Isang teoryang nagsasabing mula ang wika sa paggaya ng tao sa mga tunog na
likha ng mga hayop at kalikasan.

2. Teoryang Ding-dong
Itinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran at maging
sa mga bagay na gawa ng tao tulad ng tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan.

3. Teoryang Pooh-pooh
Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog na
galing sa dala ng emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.

4. Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay


Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na
nilikha sa mga ritwal na nagbabagu-bago at binigyan ng ibang kahulugan katulat
ng pagsayaw, pagtatanim, atbp.

5. Teoryang Sing-song
Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at musikal, at hindi
maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.

6. Teoryang Biblikal
Ito ay mula sa Biblia sa Genesis 11: 1-8 na nagsasabii na ang buong lupa ay iisang
wika at iisang mga salita,
7. Teoryang Yoo He Yo
Ayon kay A.S Diamond, ang tao ay natutong magsalita bunga ng kaniyang
puwersang pisikal.

8. Teoryang Ta-ta
Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam sapagkat kapag ang isang
tao ay nagpapaalam, siya ay kumakampay ang kamay nang pataas o pababa.

9. Teoryang Mama
Tinutukoy ito sa unang sinabil ng sanggol, na dahil hindi niya masabi ang salitang
ina o ang Ingles na mother, sinabi niyang mama kapalit sa mother.
10. Teoryang Hey you!
Ayon sa linggwistang si Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya
ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang
pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang
kontak.

11. Teoryang Coo coo


Tinutukoy nito sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga
matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid.

12. Teoryang Babble Lucky


Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas ng
mga tao na nasuwertehang nakalikha at iniugnay sa mga bagay-bagay sa paligid.

13. Teoryang Hocus Pocus


Ayon kay Boree, ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga
mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.

14. Teoryang Eureka!
Ayon rin kay Boree, ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga
arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang nalika ang
mga ideyang iyon, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa
pagpapangalan ng mga bagay- bagay.
3. Klasipikasyon ng mga angkan ng wika ayon kay Gleason

Indo – European
- Germanic - Armenian - Baltic

- Celtic - Slavic ng Silangang Europa - Iranian

- Alabanian - Griyego ng Greece - Indic

- Romance

Finno – Ugrian

- Finish ng Finland

- Estonian ng Estonia

- Hungarian ng Hungary

- Lappish, Mordvin, Cheremiss – mga wikang kaangkan na kumalat sa gawing timog ng Europa at Asya

Atlaic

- Turkic (Turkish, Azerbaijani – timog kanluran ng Iran at Caucasus; Kirghiz, Uzbeg, Kazak-kalagitnaang
Asya)

- Mongol ng Mongolia

- Manchu-Tungus ng Silangang Mongolia

Caucasian sa rehiyon ng Silangang Mongolia

- South Caucasian (Georgian, Mingrelian)

- North Caucasian (Abkahasian, Avar, Chechen, Kabardian)

- Basque

Afro-Asiatic – timog ng Africa sa hilagang kanluran ng Asya

- Semitic (Ebreo ng Israel, Arabiko ng Arabia, Maltese ng Malta, Assyrian ng Asyria, Aramaic, Phoenician

- Hamitic (Egyptian, Berber ng Timog Africa at ng Sahara, Cushitic ng Silangang Africa, Chad ng Nigeria)

- Mande ng Kanlurang Africa

- Kwa ng Gitnang Africa

- Sudanic ng Sudan

- Bantu ng Niger-Congo

Korean
Japanese

- Niponggo

- Ryuku ng Ryukyu Islands sa kanlurang Pasipiko

Sino-Tibetan ng silangang Asya

- Tibeto-Burman (Tibetan, Burmese, Garo, Bodo, Naga, Kuki-Chin, Karen)

- Chinese (Mandarin, Fukien, Wu, Cantonese)

- Kadai (Thai, Siamese, Laotian, Lao, Shan)

Malayo-Polinesian (sumusunod nang laki sa Indo-European); kumalat sa mga kapuluan sa Pasipiko at sa


kanluran ng Madagascar)

- Indonesian ng East Indies; Tagalog, Bisayan, Ilocano, Pampango, Samar-Leyte, Bicol, atbp. ng Pilipinas;
Chamerro ng Guam

- Malay ng Sumatra, Malaya, Borneo, Batak ng Sumatra; Balinese ng Bali; Dayak ng Borneo, Makassar ng
Celebes

- Micronesian

- Polynesian (Hawaiian, Tahitian, Samoan, Maori)

- Melanesian (Fijian ng Fuji)

Papuan (New Guinea at mga kalapit-pulo)

Dravidian (Hilagang India)

- Telugu

- Tamil

- Kannarese ng Kanara

- Malayalam ng hilagang-kanlurang India

Australian

Austro-Asiatic (Hilagang Silangang Asya)

- Munda (kalagitnaang India); Santoh, Kkasi, Nicolabarese, Palauag, Wa, Mon)

4.  Katangian ng Wika

 Ang wika ay may sistemang balangkas ( sa paggawa ng salita, mayroong mga hakbang na
sinusunod sa pagbuo nito. Mula sa nabuong salita ay maari na itong ayusin bilang parirala,
pangungusap o talata)
Ang wika ay sinasalitang tunog (Sa pamamagitan ng pagbuo ng tunog, nalalaman
ang emosyon at kahulugan ng salita. Sa intonasyon nababatid ang dagdag na
kahulugan ng tao sa isang salita.

 Ang wika ay arbitraryo (bawat pangkat ng tao ay may pinagkasunduan kung anong wika ang
kanilang gagamitin. Sa kadahilanang ito, ang mga salitang kanilang gingamit ay maaaring
magkakaron ng pagkakaiba sa kahulugan mula sa ibang pangkat ng tao)
 Ang wika ay dinamiko (patuloy na nagbabago ang buhay ng tao kaya kailangan ding maiangkop
ang wika. Ang isang salita ay maaring magkaron ng bagong kahulugan mula sa panhon ng
nakaraan kumpara sa kasalukuyan. Patuloy na lumalawak ang bokabularyo ng tao dulot ng mga
bagong ideya at mga kaalaman na nadidiskubre)
 Ang wika ay nanghihiram (Mayroong mga salitang walang katumbas sa wika ng
isang bansa o pamayanan, kaya naman ang nagiging solusyon dito ay ang
panghihiram. Likas namang katangian ito ng lahat ng wika. Ito rin ang
dahilan kung bakit ang wika ay dinamiko at umuunlad. Sa panghihiram din
mas nagiging bukas sa pagtuklas ng kultura at tradisyon ang isang
mamamayan o nasyon)
 Ang wika ay kaakibat at salamin ng kultura (sa pamamagitan ng wika ay naiuugnay nito ang tao
at kultura upang mas madali itong makilalala at mapaunlad. Makikita sa wika ang kultura ng
isang lugar.)
 Ang wika ay naisusulat (Kadikit ng mabisa at malinaw na anyo ng impormasyon
ay ang katangian nitong maisulat at mabigkas. Mula sa pagsusulat ay
nagagamit at naipreserba nito ang saysay ng wika at salita mula sa
nakaraan at sa kasalukuyan)
 Ang wika ay ginagamit (ang wika ay isang instrumenting pangkomunikasyon. Kapag ito ay hindi
ginagamit nawawlan ito ng silbi)
 Ang wika ay pinipili at isinasaayos (upang magkaintindihan ang dalawang tao, isinasaayos at
pinipili natin ang mga salitang anting sasabihin upang ang nais nating maiparating ay malinaw na
maintindihan ng kausap)
 Ang wika ay komunikasyon (ito ay isang kasangkapan na ginagamit ng tao upang kanyang
maipahayag ang nais nyang maiparating sa ibang tao)
 Ang wika ay makapangyarihan (nagagamit ang wika upang labanan ang mga kasamaan na
laganap sa mundo. Isa ito sa mga pinadelikadong armas sapagkat kaya nitong magbuklod o
maghiwalay, magpakilos o magpahinto, bumuo o wumasak.)
 Ang wika ay kagila-gilalas (Bagama't ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kayraming salita
pa rin ang kay hirap ipaliwanag.)

You might also like