You are on page 1of 100

Si Baste ay ulila na sa ama at sa ina.

Namatay ang
nanay pagkatapos manganak sa kanya at ang ama
niya naman ay pumanaw noong siya walong taong
gulang pa lamang.

Ang tiyuhin ni Baste ang nagpalaki sa kanya.


Kasama niyang lumaki ang asong pinangalanan
niyang Pancho. Bigay ito ng tiyuhin niya sa kanya
noong magtapos siya sa sekondarya
Matalino si Baste, gayundin si Pancho. Mula
noong tuta pa lamang ito hanggang umabot ng
dalawang taon, si Baste ang lagi niyang kalaro.
Hindi rin mabarkada ang noo’y nasa ikalawang taon
sa kolehiyo na binata.

Malapit ang bahay nina Baste sa daungan kung


kaya’t lagi silang namamasyal ni Pancho doon.
Mabait ang aso at parehas silang kilalang-kilala ng
mga nagtratrabaho doon.
Halos araw-araw pagkatapos ng klase ay
naglalakad sila papunta doon at hinihintay nila ang
paglubog ng araw.

Subalit, habang lumilipas ang panahon at nasa


ikatlong taon na sa kolehiyo si Baste, wala na siyang
oras para kay Pancho. Marami na rin siyang bagong
kaibigan at malimit na silang pumunta sa daungan.
Nalungkot si Pancho sa mga pagbabago sa buhay
ng taong tinuturing niyang matalik na kaibigan.
Nakapagkatapos ng kolehiyo si Baste ngunit ibang-
iba na ito lalo na noong nakapagtrabaho at
nakapagpatayo na ng sarili niyang bahay.

Pumanaw ang tiyo ni Baste bago pa sila lumipat


sa bago niyang bahay. Isinama niya si Pancho ngunit
malungkot pa rin ito.
Madalang lang kasi silang makapaglaro. Palaging
umaalis ng bahay si Baste o ‘di kaya’y
pinupuntahan siya ng mga kaibigan niya sa bahay
niya. Pati pag-uugali niya ay nag-iba na.

Isang araw, umuwi ng lasing si Baste. Naka-


tyempo naman na sobrang nananabik si Pancho sa
kanya kung kaya’t tumakbo ito patungo sa kanya.
Sa di inaasahang pagkakataon ng aso, tinaboy siya
ni Baste.
Nagtampo ang kawawang aso. Kinabukasan,
pagka gising ni Baste, wala si Pancho sa bahay nila.
Hinanap niya kung saan-saan. Bumalik na rin siya
sa dating nilang bahay ngunit wala ang aso doon.

Habang nagmamaneho si Baste palabas ng baryo,


doon sumagi sa isip niya na ibang-iba na talaga ang
buhay niya. Naalala niya yung mga panahong
makapaglaro lang sila ni Pancho ay masaya na siya.
Napagtanto niya na lubos niyang napag-iwanan
ang tanging nandun palagi sa tabi niya bukod sa tito
niya. Bigla niyang naalala ang daungan. Agad-agad
siyang pumunta roon.

“Baste! Ang tagal mo na ‘ring hindi pumupunta


dito ah, asensado ka na talaga. Nauna pa yung aso
mo sa iyo dito,” sabi ng guwardiya.
Bakas ang saya sa mga mata ni Baste sa narinig
niya. Agad-agad siyang pumunta sa lugar kung saan
palagi silang umuupo ni Pancho noon at nanunuod
ng paglubog ng araw. Doon nakita niya ang
matandang aso na nakaupo ng mag-isa.

Lumapit si Baste kay Pancho at hinawakan niya


ito na parang nilalambing. Agad naman humiga ang
aso sa mga paa ng binata.
Simula noon, palagi na muling naglalaro sina
Baste at Pancho. Bumabalik na rin sila sa mga dati
nilang pinupuntahan at inaalala na ng binata ang
dati’y simpleng pamumuhay.
Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang
pamilya ng batang si Nicholas Cruz. Mas kilala siya
sa Kalye Sampaguita bilang si Kulas, sampung
taong gulang na anak nina Julio at Vina Cruz.

Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga


kasangkapan sa bahay ang ama ni Kulas
samantalang kahera naman isang tindahan ang
kanyang ina.
Isang araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos
ng anak ay nagtaka ito.

“Nak, ba’t ang lumang rubber shoes mo ang suot mo?


Di ba binilhan ka namin ng papa mo ng bago?” tanong ng
ina sa bata.

Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman na


bumusina na ang sasakyan na maghahatid sa kanya sa
paaralan. Humalik ito sa mama niya at dali-daling
tumakbo palabas ng bahay.
“Leon, bilisan mo nariyan na iyong school bus,”
sabi ni Kulas sa nakababatang kapatid habang
tumatakbo siya palabas.

Natapos ang kalahating-araw ng klase at hinatid


na pauwi sa kanilang bahay sina Kulas at Leon.
Pagdating nila sa sala, nagulat ang panganay na may
karton na naglalaman ng bagong sapatos.
“Ma, kanino po ‘tong rubber shoes?” tanong ni
Kulas sa ina niya.

Ngumiti ang ina at sinabihan siyang sa kanya


iyon. Bagong rubber shoes at mukhang mamahalin
yung binili ng mama niya para sa kanya.
Kinabukasan, sinuot niya ito papuntang paaralan
dahil sakto naman na P.E. nila.
Pagkalipas ng isang linggo, nagulat si Vina noong
sinumbatan sya ni Julio habang nag-aayos siya sa
harap ng salamin at ang asawa naman ay nagbabasa
ng dyaryo sa higaan nila.

“Akala ko ba binilhan mo ng bagong sapatos si


Kulas kaya naubos ang sweldo mo. Bakit mukhang
luma yata yung nabili mo,” sabi ni Julio.
Nagulat si Vina sa sinabi ng asawa. Idiniin niya
bumili talaga siya ng bago at mahal iyon kaya
humiram pa siya ng pera sa may-ari ng tindahan.

Pagdating ng tanghalian, nakarating na ang mga


bata. Tama si Julio at luma na ang sapatos na suot ni
Kulas. Nagulat ang ina at tinanong ang anak.
“Nak, binilhan kita ng bagong sapatos, e, bakit
luma pa rin iyang sinusuot mo?” tanong ni Vina sa
anak.

Nagdahilan si Kulas na nakalimutan niya raw na


may bago na pala siyang sapatos. Inutusan siya ng
ina na kunin iyon at dalhin ito sa kanya. Ilang
minuto na naghintay si Vina pero hindi bumalik si
Kulas.
Pinuntahan niya ito sa kwarto at nadatnan niya
palakad-lakad si Kulas at balisa. Tinanong ulit ni
Vina ang anak tungkol sa sapatos niya. Pang-apat na
pares ng sapatos na iyon na binili para sa kanya
ngayong taon.

“Mama, patawad po. Binigay ko po sa kaibigan ko


sa labas ng paaralan ang bagong sapatos na bili niyo
para sa akin,” pagtatapat ng bata.
“Ano? Binilhan ka ng bago tapos ipamimigay mo
lang pala? Walang mali sa pagbibigay anak pero sana,
inisip mo rin na binili namin ng papa mo iyon para sa
iyo. Nag sinungaling ka pa,” sabi ni Vina sa anak.

Pinuri ng ina ang bata sa pagiging mapagbigay nito


pero pinaalalahanan rin niya na mali ang
magsinungaling kahit ano pa ang dahilan. Inihayag
niya rin kay Kulas na sana ay pahalagahan nito ang
mga binibigay nila ng ama niya dahil pinaghihirapan
nila ito.
Humingi ng patawad si Kulas at nangako sa ina
na pahahalagahan na niya ang susunod na mga
sapatos at mga gamit na ibibigay sa kanya ng mama
at papa niya. Nangako rin siyang hindi na siya
magsisinungaling.
Malapit nang makatapos ng elementarya si Inday
at parehas silang nasasabik ng nanay niya sa
pinakahihintay na araw. Si Aling Peling halos hindi
na makatulog kaka-isip kung ano ireregalo sa nag-
iisang anak.

Isang araw, namasyal si Inday sa bahay ng isa


niyang kaibigan at nagkaroon ng oras si Aling Peling
na bumili ng sorpresa para sa anak. Dali-dali siyang
pumunta sa pamilihan at doon nakakita siya ng
isang selpon.
“Sakto to. Medyo malayo ang paaralan na
papasukan ni Inday sa sekondarya, kakailanganin
niya ‘to,” sabi ni Aling Peling sa sarili.

Nagkasya ang pera ng matanda para sa bagong


selpon na ireregalo sa anak sa pagtatapos niya sa
elementary. Pagkauwi nito sa bahay, agad niya itong
binalot at itinago sa kanyang aparador.
Lumipas ang isang linggo at dumating na ang
araw na pinakahihintay nina Aling Peling at Inday.
Mangiyak-ngiyak ang matanda habang isinusuot sa
anak ang medalya sa ibabaw ng entablado.

Pagkatapos ng seremonya, nagpakuha ng litrato


ang mag-ina. Inabot rin ni Aling Peling ang kanyang
sorpesa kay Inday na agad naman nitong binuksan.
“Naku! Bagong selpon? Yehey! Salamat Nanay!
May selpon na ako,” sigaw ng anak.

Simula noong gabing iyon, palagi nang nakatutok


sa selpon si Inday. Kahit bakasyon, malimit sila
kung makapag-usap ng nanay niya. Palagi niya
kasing ka-text si Rico o ‘di kaya ay nagtatawagan
sila.
“Alam mo bessy, magkikita kami ni Rico bukas.
Sa wakas makikilala ko na rin siya. Siguro guwapo
siya no, matangkad, maputi,” kwento ni Inday sa
kaibigan niya.

Narinig ni Aling Peling ang mga sinabi ni Inday


kay Fiona tungkol kay Rico. Tinawag niya ang anak
at kinausap ito.
“Teka bessy tawag ako ni Nanay. Tatawag na lang
ako sa’yo ulit. Bye! Nay, bakit po?” tanong ni Inday
sa ina.

“Ano yung narinig kong makikipagkita ka sa


hindi mo kakilala? Ganun ka ba ka kampante na
mabuting tao yan, e, sa selpon mo lang nakilala,”
sabi ni Aling Peling sa anak.
“Kaya nga po magkikita kami nay upang
magkakilala kaming dalawa. Hirap naman sa inyo
minsan na nga lang ako lumabas marami pa akong
maririnig,” sabi ni Inday bago padabog na pumasok
sa kwarto niya.

Nagulat si Aling Peling sa inasal ng anak. Dati rati


ay ni hindi ito magawa na sagutin siya nang ganun.
Nagtimpi na lang ang matanda at ipinagpatuloy ang
pagluluto ng kanilang hapunan.
Kinabukasan, pagka gising ni Aling Peling ay
wala na ang anak sa tabi niya. Inisip niya na lang na
umalis na siguro yun at sana’y mag-iingat siya.
Hindi man lang nagpaalam si Inday sa ina niya.

Bumangon na ang matanda, nagluto ng almusal,


at inihanda ang kanyang mga paninda sa araw na
iyon. Pagkatapos kumain ay lumakad na siya dala-
dala ang kanyang mga lutong bibingka.
Naglako si Aling Peling malapit sa parke. Marami
ang bumili sa kanya at noong papaalis na siya para
umuwi ay nakita niya si Inday mula sa malayo.
Kahit hindi niya masyadong maaninag ang mukha
ng anak, alam niyang umiiyak ito.

“Nak! Inday! Anong nangyari sa ‘yo ba’t ka


umiiyak?” tanong ng matanda sa anak.
“Nay nawawala po si Rico! Dala-dala niya po
yung bag ko. Kanina nag-uusap lang kami rito tapos
biglang naiihi raw siya kaya umalis saglit,” sabi ng
anak habang umiiyak.

Kinuwento ni Inday na nagkita sila ni Rico sa


parke at pagkatapos ng isang oras na pag-uusap ay
nag-presenta itong bitbitin ang bag niya. Habang
naglalakad sila ay isinabit ng binata ang bag ni
Inday sa kanya kung kaya’t nahiya na siyang kunin
ito.
Kasama sa nawalang bag ni Inday ang bagong
selpon na ipinag-ipunan at binigay ng nanay niya sa
kanya. Lubos ang kanyang pagsisisi dahil hindi siya
nakinig kay Aling Peling.

Aral ng Kuwento
Pahalagahan ang mga pinaghihirapan ng mga
magulang
Huwag magsisinungaling kahit mabuti pa ang
dahilan
Simula noong nasa unang baitang pa lamang sila
sa elementarya ay magkaklase na sina Lino at
Tomas hanggang ngayong nasa ikalawang taon na
sila sa sekondarya. Sa kabila ng kanilang
pagkakaiba ay matalik silang magkaibigan.

Si Lino ay anak ng isang hardinero sa paaralan na


pinapasukan nila. Ang ina naman niya ay nagtitinda
sa kantina. Ang mga magulang ni Tomas ay isang
guro at isang OFW.
Parehong masayahing bata sina Lino at Tomas.
Pareho rin silang aktibo sa klase at sa mga
patimpalak. Kahit matumal ang kita ng mga
magulang ni Lino ay ni minsan hindi ito nagutom o
nawalan ng pambayad sa proyekto dahil nandiyan si
Tomas.

Mapagbigay talaga si Tomas hindi lang kay Lino


pati na rin sa iba nilang mga kaklase. Sa murang
edad, may sariling kotse na ito na bigay ng ama niya
noong nagtapos siya sa elementarya.
Subalit, nagbago ang lahat noong naghiwalay ang
mga magulang ni Tomas. Ang dating masayahin at
aktibong mag-aaral ay naging tamad sa klase. Palagi
siyang pinupuntahan ni Lino sa bahay nila upang
yayain pumasok pero ayaw niya.

Si Lino naman ay patuloy sa pag-aaral. Sumali rin


siya sa basketbol team ng paaralan at naging abala
siya roon. Nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan
na sina Francis, Stanley, at Jacob.
Isang araw, pinuntahan ni Tomas si Lino sa
paaralan at niyaya mag-merienda. Gusto sanang
samahan ng binata ang kaibigan kaya lang ay may
lakad rin sila ng mga bago niyang kaibigan. Umuwi
na lamang si Tomas.

Lumipas ang isang linggo ng hindi nagkikita sina


Lino at Tomas. Dahil sa dami ng mga nangyayari sa
buhay niya, nakalimutan ni Lino na may
pinagdadaanan ang matalik niyang kaibigan.
Isang gabi, tinawagan ni Tomas si Lino. Kinumusta
niya ito at nagpasalamat rin siya sa kanilang
pagkakaibigan.

“Tol, maraming salamat rin sa lahat ng iyong


kabutihan sa akin at sa pamilya ko pero bakit parang
ang senti mo talaga ngayon,” tanong ni Lino sa
kaibigan.

Hindi umimik si Tomas. Niyaya niya ulit si Lino na


lumabas sila at susunduin niya ito.
“Pasensya na tol maaga pa kasi ako bukas. Ang
kulit kasi nina Jacob niyaya nila akong sumama sa
outing nila ng mga kaklase niya,” pagtanggi ni Lino
sa kaibigan.

Hindi ipinahalata ni Tomas na sabik na siyang


makausap ang kaibigan. Masaya siya at maganda
ang takbo ng buhay ni Lino.

Kinabukasan, nagising si Lino sa malakas na


katok ng ina niya. Sumisigaw ito habang kumakatok
sa pintuan ng kwarto ng anak.
“Lino! Nak! Gising! May nangyari kay Tomas!
Nak! Buksan mo ang pinto,” sigaw ni Aling Susan.

Nagulat at natulala ng saglit si Lino sa mga


narinig niya. Noong mahimasmasan na ito ay
lumapit siya sa pintuan at binuksan niya ang pinto.

“Nak wala na si Tomas! Na-aksidente raw siya


kagabi dahil sa sobrang kalasingan,” sabi ni Aling
Susan sa anak habang niyayakap ito.
Hindi namalayan ni Lino na tumutulo na ang mga
luha mula sa mga mata niya. Wala na ang kanyang
matalik na kaibigan na parang kapatid na niya.

“Sana sinamahan ko na lang siya noong nag-aya


siya kagab-i. Baka hindi pa nangyari ‘yon,” sabi ng
binata.

Pumunta si Lino at ang pamilya niya sa lamay ni


Tomas. Nandoon ang mama at papa niya. Umuwi
ang ama ng binata mula China upang maihatid ang
anak sa huling hantungan nito.
“Tomas, tol patawad. Patawarin mo ko at hindi
kita nabigyan ng oras. Patawad dahil wala ako
noong kailangan na kailangan mo ako,” sabi ni Lino
sa harap ng kabaong ng yumaong kaibigan.

Masakit para kay Lino ang nangyari kay Tomas.


Araw-araw, hindi niya maiwasan na sisihin ang
sarili niya sa mga pagkukulang niya bilang isang
kaibigan. Subalit, umaasa ang binata na isang araw
ay mapatawad niya rin ng lubusan ang sarili niya.
Aral ng Kuwento
 Magbigay ng oras sa mga nangangailangan nito

 Hindi nakakalutas ng problema ang pag-inom

 Iparamdan sa iba ang halaga nila bago pa mahuli


ang lahat
Nag-iisang anak ni Mang Tibo at Aling Iña si
Maymay kung kaya’t parang kapatid na ang turing
na sa kanyang mga alaga. May aso siyang si Bruno
at pusa na ipinangalanan niyang si Kiting.

Araw-araw, naglalaro sina Maymay, Bruno, at


Kiting. Kahit ang mag-asawa ay nagagalak sa saya
sa mukha ng kanilang nag-iisang anak tuwing
nakikipaglaro ito sa mga alaga niya.
Subalit, hindi alam ni Maymay na may inggitan
na nangyayari sa pagitan nina Bruno at Kiting.
Isang araw, habang nasa talyer si Mang Tibo
nagtratrabaho at si Maymay naman ay sumama kay
Aling Iña sa tindahan, nag-away ang dalawa.

Hindi sinasadyang nalalag si Kiting kay Bruno na


siya namang natutulog sa sala ng munting bahay ng
pamilya Santos. Nagising ang aso at nagalit dahil
mahimbing na sana ang tulog niya.
Hinabol ni Bruno si Kiting at nang madatnan niya
ito ay pinag-kakagat niya. Hindi naman nilakasan
ng aso ang pagkaka-kagat sa pusa pero may
nagdulot ito ng mga maliliit na pasa.

Pag-uwi ni Maymay, nagalit siya kay Bruno.


Hindi niya ito pinakain habang awang-awa siya kay
Kiting. Nais ng bata na matuto raw ang aso kaya
ginawa niya ito kahit masakit rin sa kanya.
Nanghina si Bruno at masakit ang loob niya sa
parusa ni Maymay. Umalis ulit si Aling Iña at ang
anak niya. Saktong pag-sarado ng pintuan, itinulak
ni Kuting ang kanyang kainan patungo kay Bruno.

Hinang-hina, bumangon ang aso at kinain ang


natitirang pagkain sa kainan ng pusa. Si Kuting
naman, umupo lang sa gilid at pinanood lang ang
aso na kumain. Nasiyahan si Bruno sa ginawa ng
pusa at nagkabati rin sila.
Subalit, masama pa rin ang loob ng aso kay
Maymay. Noong dumating sila ng nanay niya ay
hindi ito lumapit, tanging si Kiting lang. Nilapitan
ng bata ang alagang aso at hinimas-himas ang ulo
nito.

“Bruno. Galit ka pa rin ba sa akin? Laro na tayo


ni Kiting. Ikaw kasi, huwag mo na ulit kakagatin si
Kiting, e, ang liit-liit pa naman niya,” sabi ni
Maymay sa aso.
Ipinangako ni Maymay na hinding-hindi na niya
papagutoman muli si Bruno. Nagsisi rin siya sa
ginawa niya sa aso at ipinangako niya sa sarili na
hinding-hindi na niya paparusahan ang mga alaga
kahit ano pa man ang mangyari.

Parang naintindihan naman ni Bruno ang sinabi


ni Maymay at agad-agad itong tumayo at lumapit sa
pintuan – hudyat na gusto na niyang makipaglaro.
Simula noon ay hindi na nag-aaway sina Bruno at
Kiting. Hindi na rin nagagalit ang aso sa tuwing
hindi sinasadyang malaglag sa kanya ang pusa at
magigising siya mula sa mahimbing niyang tulog.

Araw-araw, dinadalhan ni Maymay ng espesyal


na pagkain sina Bruno at Kiting. Nawala na ang
takot ng pusa sa malaking aso.
Aral ng Kuwento
Huwag magpadala sa galit o inggit
Ayusin ang problema sa pamamagitan ng pag-
uusap dahil minsan ang parusa ay hindi rin
mabisa, mas lalo nitong mapapalala ang sitwasyon
Madaling nakakapag-lambot ng puso ang
kabutihan
Mahalin ang mga hayop
Anak-mayaman si Stella subalit hindi siya katulad
ng ibang lumaki sa karangyaan na walang ginawa
kung hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at
magpakasarap sa buhay.

Kahit ang ama niya, si Don Manuel, at ang ina


niya, si Señora Faustina, ay lubos ang pasasalamat
sa mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak.
Kakaiba ang kabutihan na ipinapakita nito lalong-
lalo na sa mga mahirap na tao.
Tuwing Pasko, niyayaya ni Stella ang mga
kaibigan niya na pumunta sa bahay-ampunan sa
Marga Hera. Namimigay sila ng mga laruan,
pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata doon.

“Stella, matanong ko lang, bakit dito tayo


pumupunta tuwing Pasko?” tanong ni Fey, isa sa
mga matalik na kaibigan ng dalagita.
“Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-
ampunan. Gusto ko na kahit isang beses lang sa
isang taon ay mapasaya ko sila,” paglalahad ng
dalagita.

“Hindi isang beses sa isang taon bes, isang beses


sa dalawang linggo. Swerte nila sa’yo friend,” sabi ni
Bea sa kaibigan.
Masayang-masaya ang mga bata sa ampunan
noong araw na iyon. Dinalhan sila nina Stella ng
piniritong manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at
salad. Marami rin silang bagong laruan at may mga
hindi pa nabubuksan na mga regalo.

Habang sumasakay sa auto ang tatlong


magkakaibigan, biglang ikinuwento ni Stella ang
tunay na dahilan kung bakit malapit ang loob niya
sa bahay-ampunan sa Marga Hera.
“Alam niyo, nais ko silang mapasaya dahil
talagang ibang-iba ang buhay natin sa kanila.
Maswerte tayo at lumaki tayo kasama ang pamilya
natin.

E, sila, doon na sila bumuo ng pamilya dahil


marami sa kanila ay wala nang ama at ina. Sa
tuwing tinititigan ko nga ang iba sa kanila, ramdam
ko ang pangungulila nila sa mga magulang nila,”
pagpapaliwanag ni Stella.
Hindi naka-imik sina Bea at Fey sa narinig nila.
Nagpatuloy si Stella sa pagsasalita at doon nila
lubusang naintindihan ang kanilang kaibigan.

“Laking-ampunan si Mommy pero marami ang


hindi alam iyon. Noong bata pa ako, palagi niyang
kinukwento ang mga naging karanasan niya.
Mahirap raw ang lumaki na walang mga
magulang pero nagpapasalamat siya at may mga
mabubuting tao na nag-aalaga sa kanila roon,” sabi
ni Stella.

Simula noong narinig nila ang mga sinabi ni


Stella, ni minsan ay hindi na uli nagtaka sina Bea at
Fey sa kabutihang ipinapakita ng kaibigan nila sa
mga bata. Lubos nilang naunawaan na labis ang
natutunan niya sa karanasan ng kanyang ina.
Aral ng Kuwento
Maging mapagbigay at matulungin sa mga
nangangailangan.

Huwag maging matapobre.

Pahalagahan ang mga karanasan ng ibang tao.


Kaarawan ni Lucas bukas kaya kahit kakaunti
lang ang pera ng tatay niya ay lumuwas ito ng bayan
upang bumili ng regalo. Pumunta siya sa divisoria
upang doon maghanap ng ibibigay para sa anak
niya.

Subalit, wala talagang makita si Mang Simeon na


pwedeng iregalo kay Lucas. Habang nakatayo siya
sa gilid at nag-iisip, nakita niya ang lalakeng may
bitbit na dalawang pagong sa kabilang kanto.
“Sana mura lang ito. Tiyak na magugustuhan ito
ng anak ko,” sabi niya sa kanyang sarili habang
papalapit sa lalake.

Nakatawad si Mang Simeon sa isang pagong dahil


mukhang marami na ring nabenta ang lalake at
kailangan na nitong umuwi. Dali-dali nang lumakad
ang matanda at sabik sa regalo niya sa anak.
Kinabukasan, pagkagising ni Lucas ay nagulat
siya dahil may katabi na siyang pagong. Dali-dali
siyang bumangon at tumakbo palabas ng kwarto
niya.

“Nay, tay may pagong sa kwarto natin,” sigaw ng


bata.

“Maligayang kaarawan anak. Regalo namin yan


ng nanay mo sa’yo,” sagot ni Mang Simeon sa anak.
Bakas sa mukha ni Lucas na lubos ang saya niya
sa regalo ng mga magulang sa kaarawan niya.
Talagang mahilig ang bata sa mga hayop. Simula
noon, palagi niyang bitbit ang kanyang pagong.

Isang araw, nilapitan ng ibang bata si Lucas


habang ito’y naglalaro ng kanyang pagong.
“E, ang pangit naman pala niyang pagong mo eh.
Mukhang sobrang mahina baka hindi nga yan
makahabol sa kuneho namin,” sabi ng isang bata.

Ganun yung nangyayari sa tuwing dumadaan ang


mga bata sa bahay nina Lucas at saktong naglalaro
siya ng pagong niya. Isang araw, hindi na
nakapagpigil si Lucas.
“Dalhin niyo dito ang mga kuneho niyo at nang
malaman natin kung kaninong alaga ang mahina,”
sigaw ni Lucas sa mga kapwa bata niya sa labas.

Hindi naman umatras ang mga bata at bumalik


kasama ang mga kuneho nila. Ilang-ulit nilang
pinalakad ang mga kuneho at ang pagong pabalik-
balik pero ni minsan ay hindi naka-una ang pagong
ni Lucas.
“Kita mo na, sadyang mahina yang pagong mo,
baka nga may sakit yan,” kantyaw ng isang bata.

Pagdating ng gabi, mukhang hindi na gumagalaw


ang pagong ni Lucas. Kinabahan na siya at sinabi sa
mga magulang niya ang nangyari.
“Baka na sobrahan sa lakad at init ang pagong mo
anak. Ba’t ka ba kasi pumayag na makipag-
paligsahan ang pagong mo sa mga kuneho nila, e,
magkaibang hayop sila,” sabi ni Mang Simeon sa
anak.

Pinagpahinga nila ang pagong upang bumalik ang


sigla nito. Habang naghahapunan sila ay kinausap ni
Mang Simeon ang anak niya.
“Lucas, sana ay may natutunan ka sa nangyari.
Nalagay sa panganib ang buhay ng pagong mo dahil
pinayagan mong ikumpara siya sa kuneho.

Parang sa buhay lang iyan anak, bawat tao ay


may iba-ibang kakayahan kaya hindi dapat
ikinukumpara at hindi sa lahat ng oras ay dapat
nating patunayan ang mga sarili natin,” pahayag ng
ama.
Tumango naman si Lucas at halatang malungkot
ang bata sa nangyari sa pagong niya. Pagkatapos
nilang kumain ay nagligpit na sila at nakita ng bata
na lumalakad-lakad na uli ang pagong niya.

“Tatay! Tay! Lumalakad na ulit ang pagong, okay


na siya!” sigaw ni Lucas.
Napangiti naman si Mang Simeon sa narinig mula
sa anak. Halata sa boses nito na sobrang saya niya
ngayong mabuti na ulit ang kalagayan ng pagong
niya. Simula noon, hindi na niya pinapansin ang
mga nangungutya sa alaga niya.
Aral ng Kuwento
Huwag ikumpara ang dalawang tao, hayop, o bagay
na magkaiba
Hindi kailangang patunayan ang sarili sa lahat ng
pagkakataon
Maging mapagkumbaba
Tingnan mabuti ang sitwasyon bago magbigay ng
reaksyon
Mahalin at alagaan ng mabuti ang mga hayop
“Palagi ka na lang busog anak. Hindi makakabuti
sa iyo ang palaging pagkain ng chichirya,” paalala
ng ina sa kanyang nag-iisang anak.

Tahimik lang si Juan sa tuwing pinagsasabihan


siya ng nanay niya. Palilipasin niya lang ang galit
nito at maya-maya ay pupunta na naman sa tyangge
ni Aling Yolly upang bumili ng mga chichirya.
“Pabili po, ito po apat na pakete po at saka anim
nitong kendi,” sabi ni Juan sa nagtitinda.

“Naku Juan halos tatlong beses sa isang araw ka


bumibili ng mga ito ah. Marami ba kayo sa bahay ang
paborito ito?” tanong ng matanda.

Pasimple lang sinabi ni Juan na talagang paborito


niya lang ang kumain ng mga chichirya na iyon.
Minsan, kung walang tinda si Aling Yolly ng ganung
mga chichirya ay pumupunta talaga siya sa palengke
upang bumili.
Isang araw, biglang sumakit ang tiyan ni Juan
kaya hindi siya nakapasok. Sobrang nag-alala si
Aling Meding at dinala agad ang anak sa doktor
upang matignan siya.

“Ililista ko na lang po dito ang gamot na


ipapainum kay Juan at saka iwasan na rin po ang
pagpapakain sa kanya ng mga pagkaing hindi
mabuti sa katawan,” sabi ng doktor.
Bago umuwi sina Juan ay binili muna nila ang
mga gamot na inireseta ng doktor. Pinagkasya na
lang ni Aling Meding ang natitirang pera niya sa
gamot ng anak at sa ulam nila.

Kinabukasan, pumunta na naman si Juan sa


tindahan ni Aling Yolly nang bumuti-buti na ang
pakiramdam niya. Bumili na naman siya ng mga
paboritong niyang chichirya.
Isang linggo mula noong pumunta sila ng doktor
ay sumakit ulit ang tiyan ni Juan. Halos hindi na
siya makatayo sa sobrang sakit nito. Kabadong-
kabado si Aling Meding sa nararamdaman ng anak.

Kahit walang pera ay dinala agad ng ina ang anak


niya sa ospital. Tiningnan siya ng doktor at
ipinasailalim rin sa iba’t ibang pagsusuri. Ayon sa
doktor, kailangan ni Juan na maoperahan.
Malaki ang pera na kakailanganin para sa
kanyang operasyon kung kaya’t nangutang si Aling
Meding sa mga kapwa tindera nito at sa kanilang
mga kamag-anak.

Ilang gabi ring gumigising si Juan at nakikita na


umiiyak ang ina niya sa mga problema nito sa
pagpapagamot sa kanya. Sising-sisi ang bata sa
hindi pakikinig sa payo ng doktor.
“Kung sana itinulong ko na lang kay nanay yung
pera na ibinibili ko ng chichirya ay mas lalo pang
gumaan ang pakiramdam ni inay,” napaisip si Juan.

Sa tulong ng kanilang mga kamag-anak at mga


kakilala ng ina niya, naoperahan si Juan. Kahit
lubog sa utang, masayang-masaya si Aling Meding
na mabuti na ulit ang kalagayan ng anak.
Simula noon, hindi na ulit pumupunta si Juan sa
tyangge ni Aling Yolly o di kaya’y sa palengke upang
bumili ng chichirya. Imbes na hindi
masusustansyang pagkain ang binibili niya nang
ipon niya, bumibili na lang siya ng ulam nila sa
bahay.
Aral ng Kuwento
Iwasan ang pagkain o pag-inom ng mga hindi
nakakabuti sa katawan

Makinig sa payo ng doktor

Pahalagahan ang kalusugan

Nasa huli palagi ang pagsisisi


Matagal ng patay ang hari ng Calvar na si Haring
Damian. Ang kanyang kaharian ay makikita sa
pinaka-dakong silangan ng mundo. Naiwan ito sa
kanyang kabiyak na si Reyna Marikit.

May apat na anak na lalake ang hari at reyna. Sila


ay sina Prinsipe Diego, Prinsipe Faustino, Prinsipe
Tales, at ang bunso, si Prinsipe Marfino. Marami
ang nagtataka kung sino sa apat na pinsipe ang
magiging tagapagmana ng kaharian.
Isa lang ang pwedeng magmana ng kaharian.
Subalit, lingid sa alam ng marami, hindi ang
kaharian ang nais manahin ng apat na prinsipe
kung hindi ay ang mahiwagang singsing ng kanilang
ina.

Tanging ang Haring Damian at ang kanilang mga


anak ang nakakaalam na ang singsing ni Reyna
Marikit ang dahilan kung bakit hindi maubos-ubos
ang kayamanan ng kanilang kaharian.
Isang araw, naramdaman ng reyna na talagang
humihina na siya at kailangan na niyang
makapagpasya kung kanino ibibigay ang singsing.
Tanggap na niya na anumang oras ay pwede siyang
mawala.

Upang malaman ng reyna kung kanino niya dapat


ibigay ang singsing, tinawag niya ang apat na anak
na lalake at binigyan sila ng maraming ginto.
“Pumunta kayo sa kabilang kaharian. Sa
kaharian ng Tipora. Bawat isa sa inyo ay magdala
ng tig-dalawang sako ng ginto. Nasa sa inyo kung
anong gagawin ninyo sa gintong dala ninyo doon,”
sabi ng reyna sa apat niyang anak.

Dali-daling kumuha ng tig-dadalawang sako ng


ginto ang magkakapatid. Sumakay sila sa kanilang
mga kabayo at umalis na patungong kaharian ng
Tipora. Pagdating nila doon, nakita ni Prinsipe
Diego ang prinsesa ng Tipora.
“O magandang prinsesa, ipagpaumanhin mo po
pero naririto kami ng aking mga kapatid upang
tignan kung maayos lang ba ang kalagayan ninyo
dito?” sambit ng prinsipe na siya namang ikinagulat
ng kanyang mga kapatid.

Lumakad na ang tatlong prinsipe at naiwan si


Prinsipe Diego na sadyang gandang-ganda sa
prinsesa. Buong maghapon silang nag-usap ngunit
halatang ayaw ng prinsesa sa kanya hanggang sa
nakarinig ito ng masasarap na salita.
“May dala akong dalawang sako ng ginto. Nais ko
sanang ibigay ito sa kaharian ninyo bilang regalo,”
sabi ni Prinsipe Diego na siyang nagpa-iba ng
pakikitungo ng prinsesa sa kanya. Dahil dito,
nakuha niya ang loob ng prinsesa.

Habang naglalakbay sa Tipora, biglang huminto


si Prinsipe Faustino sa isang lugar kung saan
maraming nagbebenta ng magagandang kasuotan at
alahas. Nagpaiwan siya doon at doon niya ginamit
ang dala niyang mga ginto.
“Bagay ang mga ito sa akin, sa susunod na hari ng
Calvar,” sabi ng prinsipe habang namimili ng mga
kasuotan na bibilhin.

Habang naglalakbay sina Prinsipe Tales at


Prinsipe Marfino, nakarating sila sa isang parte ng
kaharian na maraming magsasaka, alipin, at pulubi
na nakatira. Doon, ipinamigay ni Prinsipe Tales ang
isang sako ng ginto na dala niya.
“Mukhang hindi yata mabuti ang pakiramdam
nitong kapatid ko. Ipinamigay lang niya ang isang
sako ng ginto,” sabi ni Prinsipe Marfino sa sarili
habang ipinapanood ang ginagawa ni Prinsipe Tales.

Bago dumilim, naglakbay na pabalik ng Calvar


ang magkakapatid. Wala nang ginto na dala sina
Prinsipe Diego at Prinsipe Faustino. Isang sako ng
ginto naman ang dala ni Prinsipe Tales pabalik at si
Prinsipe Marfino naman ay dalawang sako pa rin.
Pagdating nila sa Calvar, agad na nagpahinga ang
tatlong prinsipe samantalang si Prinsipe Tales ay
tumungo ng Eukagereya, ang lugar sa kanilang
kaharian kung saan nakatira ang mga ordinaryong
manggagawa.

Doon, pumasok ang prinsipe sa mga bahay-bahay


at ipinamigay ang mga ginto na dala niya. Labis
naman itong ikinagalak ng mga tao.
Kinabukasan, ipinatawag ni Reyna Marikit ang
apat na prinsipe. Doon niya sinabi sa kanyang mga
anak ang pasya niya tungkol sa kaharian at sa
mahiwagang singsing.

“Mga mahal kong prinsipe, nakapagpasya na ako


kung kanino mapupunta ang pamamahala sa
kaharian at ang mahiwagang singsing. Masakit man
sa akin ang mamili sa inyo pero kailangan kong
gawin ito at sana’y maintindihan ninyo.
Prinsipe Diego, hindi ko maaaring ibigay sa iyo
ang singsing sapagkat hindi ito pwedeng gamitin sa
pansariling mga intensyon. Ito ay hindi mo pag-aari
tulad ng ginto na ibinigay mo sa prinsesa upang
makuha siya. Kaharian ang may-ari nito.

Prinsipe Faustino, hindi sa damit nasusukat ang


pagiging hari o reyna. Ito ay nasusukat kung paano
mo pangalagaan ang iyong kaharian kabilang na
ang yaman nito.
Prinsipe Marfino, tanging ikaw ang hindi
gumamit ng ginto na dala mo sa Tipora. Maging sa
pag-uwi mo dito ay walang bawas iyon. Subalit,
sana’y maintindihan mo na ang yaman na tinatago
ay hindi naglalago. Maraming tao ang
nangangailangan nito.

Kaya, ako’y nakapagpasya na ang susunod na


magiging hari ng Calvar ay si Prinsipe Tales. Sa
kanya rin mapupunta ang mahiwagang singsing.
Katulad siya ng ama ninyo na nais tumulong sa mga
pinakamaliliit na tao sa kaharian.
Hindi rin nagdalawang-isip si Prinsipe Tales na
tumulong sa mga dukha sa kabilang kaharian. Alam
ninyo na hindi kailanman mauubos ang yaman na
ibinibigay ng mahiwagang singsing kung kaya’t
tutulongan ang dapat tulungan,” sabi ng reyna.

Lubos na naintindihan ng magkakapatid ang


pasya ni Reyna Marikit. Labis rin nilang isina-isip
ang mga sinabi niya. Ang apat na prinsipe ay
nagkasundo na magsumikap sa pagpapatakbo ng
kaharian at pagtulong sa mga nangangailangan.
Aral ng Kuwento
Isang kaaya-ayang katangian ang pagiging
mapagbigay lalong-lalo na sa mga nangangailangan

Pumili ng taong tanggap ka at hindi tumitingin sa


kung ano ang mayroon ka

Huwag ubusin ang pera para sa mga materyal na


bagay at pansariling benepisyo

You might also like