You are on page 1of 34

Pandiwa

(Verb)

Kenshin730
D. PANDIWA (VERB)- ay bahagi ng pangungusap na
nagpapahayag ng kilos, gawa o kalagayan,

Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan

1. Payak - ipinalalagay na ito ang simuno (subject).


Hal: Lubos na maghirap ang nangungurakot sa kaban ng bayan.

2. Katawanin - may simuno ito nguni't walang layong tumatanggap.


Hal: Ang mabait at magalang ay pinagpapala.

3.Palipat - may simuno at tuwirang layon (direct object). Ang layong


ito ay pinangungunahan ng mga katagang ng, mga, kay at kina.
Hal: Nagsampay ng damit si Maria.
4.Tahasan - ginaganap ng simuno ang
isinasaad ng pandiwa.
Hal: Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli Me
Tangere.

5.Balintiyak - hindi ang simuno ang


gumaganap sa isinasaad ng pandiwa.
Hal: Ang pagtatayo ng gusali ay
pinasinayahan ng punong-lungsod
Pandiwa
-ay salitang nagbibigay-buhay sa
pangungusap dahil nagsasaad ito ng kilos o
galaw ng isang tao, hayop, o bagay.
Binubuo ito ng salitang-ugat at mga panlapi.

Panlapi: na, ma, nag, mag, um, in, at hin


Halimbawa: umiyak
Salitang–ugat: iyak
Panlapi: um
Aspekto ng Pandiwa
•Pangnagdaan o Naganap na - ang kilos ay
ginawa na, tapos na o nakalipas na.
•Pangkasalukuyan o nagaganap - ang kilos
ay ginagawa, nangyayari o ginaganap sa
kasalukuyan.
• Panghinaharap o magaganap pa lang -
ang kilos ay hindi pa nagaganap at
gagawin pa lamang.
Pangnagdaan o Naganap na
= ang kilos ay ginawa na, tapos na o
nakalipas na.
= kahapon, noon, kanina, nakaraang
buwan/araw
= panlapi: na, nag, um, in
Halimbawa: panlapi + salitang-ugat
Salitang-ugat= tulog
Panlapi= na
Naganap na= natulog
Pagsasanay
Salitang-ugat Panlapi Naganap na
Kain
Tayo
Aral
Takbo
Tapon

Panlapi: na, nag, um, in,


Pangkasalukuyan o nagaganap
= ang kilos ay ginagawa, nangyayari o
ginaganap sa kasalukuyan.
= ngayon, kasalukuyan
= panlapi: na,nag,um,in
Halimbawa: panlapi + 2 ( 1pantig) +
salitang-ugat
Salitang-ugat= tulog
Panlapi= na
Nagaganap = natutulog
Pagsasanay
Salitang-ugat Panlapi Nagaganap
kain
tayo
aral
takbo
tapon

panlapi: na,nag,um,in
Panghinaharap o magaganap
pa lang
= ang kilos ay hindi pa nagaganap at
gagawin pa lamang.
= bukas, mamaya, sa susunod na araw, sa
lunes, sa darating na taon.
= panalapi: ma, mag
Halimbawa: panlapi + salitang-ugat o 2 (1 pantig)
Salitang-ugat= tulog
Panlapi= na
magaganap pa lang =
matutulog
Pagsasanay
Salitang-ugat Panlapi Magaganap
kain
tayo
aral
takbo
tapon

panlapi: ma, mag


Halimbawa:
Naganap na Nagaganap Magaganap pa
lang
Ako ay Ako ay Ako ay
nagwalis nagwawalis magwawalis ng
ng bakuran
kahapon. bakuran. bukas.

Naganap na: kahapon, noon, kanina, nakaraang


buwan/araw
Nagaganap: ngayon, kasalukuyan
Magaganap pa lang : bukas, mamaya, sa susunod
na araw, sa lunes, sa darating na taon.
Pagsasanay:
A. Salitang Kilos o Gawa Salitang-ugat
1. umiiyak
2. kumakanta
3. lumalangoy
4. nagtatanim
5. maglalakad
6. aakyat
7. uupo
8. umiinom
9. sumasayaw
10. mag-aaral
Pagsasanay: Sagot
A. Salitang Kilos o Gawa Salitang-ugat
1. umiiyak iyak
2. kumakanta kanta
3. lumalangoy langoy
4. nagtatanim tanim
5. maglalakad lakad
6. aakyat akyat
7. uupo upo
8. umiinom inom
9. sumasayaw sayaw
10. mag-aaral aral
B.
Salitang- ugat Naganap na Nagaganap Magaganap
pa lang
1. awit
2. salita
3. tayo
4. lakad
5. kain
6. bihis
7. laba
8. ligo
9. takbo
10. buksan
SALITANG-UGAT NAGANAP NA NAGAGANAP MAGAGANAP PA
LANG
1. Awit      
2. salita      

3. tayo      
4. lakad      

5. kain      
6. bihis      

7. laba      
8. ligo      
9. takbo      

10. buksan      
KAILANAN NG PANDIWA
1.Isahan - ang pandiwa ay nasa payak na
anyo.
Hal: Ang guro ay nagtuturo sa mga
bata.

2.Maramihan - marami ang simuno at


kilos na isinasaad.
Hal: Nagsisipalakpakan ang mga
manonood sa programa.
POKUS NG PANDIWA

- ay ang relasyon ng pandiwa


sa paksa ng pangungusap.
Uri ng Pokus ng Pandiwa
1. Aktor-pokus / Pokus sa Tagaganap - Ang paksa ang
tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwasa
pangungusap; sumasagot sa tanong na “sino?”
[mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- ,
magpa-]
Hal:
Naglunsad ng proyektoang mga kabataan
2. Pokus sa Layon / Gol Pokus - Ang paksa
ang layon ng pandiwa sapangungusap;
sumasagot sa tanong na“ano?”
[-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an]

Sa Ingles, ito ay ang direct object

Hal:
Nasira mo ang mga props para
sa play.
3. Lokatibong Pokus / Pokus sa Ganapan -
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na“saan?”

[pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an ,


mapag-/-an]

Hal:
Pinagtaniman namin ang bukiran ng
maraming gulay.
4. Benepaktibong Pokus o Pokus sa Tagatanggap -
Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa
sapangungusap; sumasagot sa tanong na “para
kanino”
[i- , -in , ipang- , ipag-]

Sa Ingles, ito ay ang indirect object Hal:


Kami ay ipinagluto ni nanay ng
masarap na
ulam.
5. Instrumentong Pokus / Pokus sa Gamit
- Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit
upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa
pangungusap;sumasagot sa tanong na
“sa pamamagitan ng ano?”/ “ano ang gamit”
[ipang- , maipang-]
Hal:
Ang kaldero ang
ipinangluto ni
nanay ng
masarap na ulam
6. Kosatibong Pokus / Pokus sa sanhi - Ang paksa
ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na “bakit?”/
“ano ang dahilan”

[i- , ika- , ikina-] Hal:


Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap
naulamng aming nanay.
7. Pokus sa Direksyon -Ang paksa ang
nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa
sa pangungusap; sumasagot sa tanong na
“tungo saan/kanino?”

[-an , -han , -in , -hin] Hal:


Pinuntahan ni Henry ang tindahan para
mamiling kagamitan.
KAGANAPAN NG PANDIWA

– ay tumutukoy sa bahagi ng
pangunahing nagpapahayag ng ganap
na kahulugan sa pandiwa.
Uri ng Kaganapan ng Pandiwa
1. Kaganapang Tagaganap- bahagi ito ng
panaguri na gumaganap sa kilos na
ipinahahayag ng pandiwa.
Hal:
Ikinatuwa ng mga mamamayan ang
maringal na pagdiriwang ng kalayaan ng
bansa.
2. Kaganapang Layon – bahagi ng
panaguri na nagsasaad ng bagayna
tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa.

Hal:
Naghanda ng palatuntunan ang
mga guro at mag-aaral, sa
pagdating ng mga panauhin.
3. Kaganapang Tagatanggap– bahagi ng
panaguri nanagpapahayag kung sino ang
nakikinabang sa kilos na isinasaad ng
pandiwa.

Hal:
Nagbigay ng donasyon ang
kanilang samahan para sa
mgabiktima ng sunog.
4. Kaganapang Ganapan – bahagi ng
panaguri na nagsasaad nglugar na
siyang pinaggaganapan ng kilos na
ipinahayag ng pandiwa

Hal:
Nanood ng pagtatanghal sa plasa
ang mga kabataan.
5. Kaganapang Kagamitan – bahagi ng
panaguri na nagsasaad kunganong bagay o
kagamitan ang ginagamit upang maisagawa
angkilos na ipinahahayag ng pandiwa.

Hal:
Iginuhit niya ang larawan ni Rizal sa
pamamagitan ng lapis.
6. Kaganapang Direksyunal - bahagi ng
panaguri na nagsasaad ng direksyong
isinasaad ng kilos na ipinahahayag ng
pandiwa.

Hal:
Nagliwaliw siya sa Tagaytay buong
araw.
7. Kaganapang Sanhi – bahagi ng
panaguri na nagsasaad ng dahilanng
pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng
pandiwa.

Hal:
Nagwagi sila sa pakikihamok dahil
sa katatagan ng kanilang loob.

You might also like