You are on page 1of 70

Aralin

9
LAYUNIN
NG TALAKAYAN
– maipaliwanag ang kahulugan ng
kakayahang lingguwistiko;
– matukoy ang mga bahagi ng pananalita sa
wikang Filipino; at
– magamit ang wastong gramatika ng wika sa
pagpapahayag.
Angkop na Gamit ng Wika

–1. (Pahirin,Pahiran) mo
ng matekilya ang
pandesal.
Angkop na Gamit ng Wika

–2. Pakidala ang


pagkaing ito (kina,kila)
Nelia at Pat.
Angkop na Gamit ng Wika

–3. (Mayroon, May) ba


siyang pasalubong
mula sa Batangas?
Angkop na Gamit ng Wika

–4. Nariyan na yata ang


Tatay! Buksan mo na
ang (pinto, pintuan)
Angkop na Gamit ng Wika

–5. (Ooperahin,
Ooperahan) si Maria
bukas ng umaga.
Angkop na Gamit ng Wika

–6. Si Bryan ay (tiga-,


taga-) Aklan
Angkop na Gamit ng Wika

–7. (Punasan, Punasin)


mo ang pawis sa iyong
noo.
Angkop na Gamit ng Wika

–8. Ngayong bakasyon,


(susubukin, susubukan)
kong mag-aral na magluto.
Angkop na Gamit ng Wika

–9. Nagmamadali
niyang inakyat ang
(hagdan, hagdanan).
Angkop na Gamit ng Wika

–10. Halika nga rito at


(walisin, walisan) mo ang
tuyong dahon sa bakuran.
KAKAYAHANG
LINGGUWISTIKO
Kahulugan ng Kakayahang
Lingguwistiko
Tumutukoy ang kakayahang
lingguwistiko sa abilidad ng isang
tao na makabuo at makaunawa ng
maayos at makabuluhang
pangungusap.
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

– Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng


Pilipino ang wastong pagsunod sa tuntunin
ng balarilang Filipino. Sa kasaysayan,
dumaan na sa maraming pagbabago at
reoryentasyon ang ating wikang pambansa
na nagbunga ng pagbabago sa matandang
balarila.
A. Mga Salitang Pangnilalaman

1. Mga Nominal
– a. Pangngalan – nagsasaad ng pangalan ng
tao, hayop, bagay, pook, pangyayari, at iba pa
Hal:
Jose, relo, Brokenshire, Araw ng mga Puso
A. Mga Salitang Pangnilalaman

– b. Panghalip – pamalit o panghalili


sa pangngalan
Hal:
ako, sila
A. Mga Salitang Pangnilalaman

2. Pandiwa - nagsasaad ng kilos o


nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga
salita
Hal:
kain, laba, linis, talon
A. Mga Salitang Pangnilalaman

3. Mga panuring
a. Pang-uri – nagbibigay-turing o
naglalarawan sa pangngalan       at
panghalip
– Hal:
maganda, mabait, malaki,
A. Mga Salitang Pangnilalaman

b. Pang-abay – nagbibigay-turing o
naglalarawan sa pandiwa,         pang-
uri, at kapuwa pang-abay
Hal:
Tuwing pasko ay nagtitipon kami.
A. Mga Salitang Pangkayarian:

1. Mga Pang-ugnay
–   a. Pangatnig – nag-uugnay ng dalawang
salita, parirala, o  sugnay halimbawa:
at, pati, ni, subalit, ngunit
A. Mga Salitang Pangnilalaman

b. Pang-angkop – katagang nag-uugnay sa


panuring at salitang tinuturingan
halimbawa: na, -ng
c. Pang-ukol – nag-uugnay sa isang
pangngalan sa iba pang salita        
halimbawa: sa, ng
A. Mga Salitang Pangnilalaman

2.  Mga Pananda


a. Pantukoy – salitang laging nangunguna sa
pangngalan o panghalip
halimbawa: si, ang, ang mga
– b. Pangawing o Pangawil – salitang nagkakawing ng
paksa o  simuno at panaguri
ay
Tuntunin hinggil sa:

1. May limang tiyak na paggamit ng


nang:
a. Noong (hal: Nang dumating ang mga
Amerikano sa Pilipinas, kaagad silang ng
patayo ng paaralan.
Tuntunin hinggil sa:

b. Upang o para – (hal. Ikinulong ni Ana


ang aso nang hindi na ito makakagat pa.
c. Katumbas ng pinagsamang na at ng
(hal. Malapit nang makauwi ang
kaniyang tatay mula Saudi Arabia)
Tuntunin hinggil sa:

d. Sumasagot sa tanong na paano?.


(hal: Kinamayan niya ako nang mahigpit.)
e. Bilang pang-angkop ng inuulit na salita
(hal: pabilis nang pabilis, kain nang kain)
Tuntunin hinggil sa:

Wastong gamit ng gitling (-);


a.   sa inuulit na salita, ganap man o hindi 
halimbawa: araw-araw,  gabi-gabi, para-paraan
b.   sa isahang pantig na tunog o onomatopeya 
halimbawa: tik-tak brum-brum
Tuntunin hinggil sa:

Wastong gamit ng gitling (-);


c.    sa paghihiwalay ng katinig at patinig 
halimbawa: pag-aaral mag-asawa
d.    sa paghihiwalay sa sinusundang
pangngalang pantangi 
halimbawa: pa-Marikina maka-Pilipino
Tuntunin hinggil sa:
Wastong gamit ng gitling (-);
e.    sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na
nasa orihinal na Baybay 
halimbawa: mag-compute pa-encode
f.   sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas, partikular
sa sinaunang Tagalog at sa iba pang wika sa Pilipinas 
halimbawa: gab-i, mus-ing lab-ong
Tuntunin hinggil sa:

Wastong gamit ng gitling (-);


g.   sa bagong tambalang salita 
halimbawa: lipat-bahay, amoy-pawis
h.   sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang may ika-  
halimbawa: ika-12 ng tanghali ika-23 ng Mayo
i.   at sa pagbilang ng oras, numero man o salita, na ikinakabit sa alas-
halimbawa: alas-2 ng hapon alas-dos ng hapon
WASTONG GAMIT
NG MGA SALITA
PAHIRAN/PAHIRIN
 
Pahirin

– Kung ang tinutukoy ay ang pag-


alis ng isang bagay.
Pahirin mo ang luha sa iyong mga
mata.
Pahiran

– Paglalagay ng isang bagay.


Pahiran mo ng Vicks ang aking
dibdib.
Angkop na Gamit ng Wika

–1. (Pahirin, Pahiran) mo


ng matekilya ang
pandesal.
KINA/KILA
 
KINA/KILA

Walang salitang kila. Ang kina ay maramihan


ng kay.
 Hal. Pakidala ang laruang ito kina Benny at
Maris.       
– Makikipag-usap ako kina Vec at Nona.
Angkop na Gamit ng Wika

–2. Pakidala ang


pagkaing ito (kina,kila)
Nelia at Pat.
MAY/MAYROON
 
MAYROON

Sinusundan ng isang kataga o ingklitik


       Hal. Mayroon ba siyang pasalubong?
 Nangangahulugang “mayaman”
         Hal. Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa
kanilang lalawigan.
–  Siya lang ang mayroon sa aming magkakapatid.
MAYROON

Panghalip
Siya ay mayroong pagkain.
Mayroon akong gagawin bukas.
Sumasagot sa tanong.
– May pagkain ka ba? 
– (Mayroon)
MAY

– Pangngalan
Si Ana ay may alagang asong mataba.
– Pandiwa
May kumakatok sa pinto.
– Pang-uri
May magandang babae sa silid.
Angkop na Gamit ng Wika

–3. (Mayroon, May) ba


siyang pasalubong
mula sa Batangas?
PINTO/PINTUAN
 
Pintuan

P in to
Angkop na Gamit ng Wika

–4. Nariyan na yata ang


Tatay! Buksan mo na
ang (pinto, pintuan)
OPERAHIN/OPERAHAN
 
OPERAHIN

– Tiyak na bahagi ng katawan ang


titiisin.
Ang tumor sa dibdib ng
maysakit ay ooperahin.
OPERAHAN

–Tumutukoy sa tao.
Si Luz ay ooperahan
mamaya.
Angkop na Gamit ng Wika

–5. (Ooperahin,
Ooperahan) si Maria
bukas ng umaga.
TIGA-,  TAGA-
TIGA-, TAGA-

– Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat


gamitin. Ginagamit ang gitling sa unlaping
taga- kung sinusundan ng pangngalang
pantangi.
 Hal. Si Juan ay taga-Bikol.
Taga-Nayon ang magandang babaeng
iyon.
Angkop na Gamit ng Wika

–6. Si Bryan ay (tiga-,


taga-) Aklan
PUNASAN,  PUNASIN
Punasin

–  (wipe off) nangangahulugang


alisin o tanggalin.
Punasin mo ang pawis sa
iyong likod
Punasan

(to apply) ay nangangahulugang


lagyan
Punasan mo ng alkohol ang
iyong mga binti
Angkop na Gamit ng Wika

–7. (Punasan, Punasin)


mo ang pawis sa iyong
noo.
SUBUKIN,SUBUKAN
 
Subukin

–  (to test, to try) – masubok ang


husay o galing ng isang bagay
o gawain;
Susubukin ko muna kung maayos
itong kompyuter bago ko bilhin.
Subukan

– Subukan (to see secretly) –


palihim na pagmamatyag o pag-
eespiya sa kilos ng isang tao
Subukan mo nga kung ano ang
ginagawa ng mga bata sa likod-bahay.
Angkop na Gamit ng Wika

–8. Ngayong bakasyon,


(susubukin, susubukan)
kong mag-aral na magluto.
HAGDAN/HAGDANAN
 
ha
gd a n a n
an h a gd
Angkop na Gamit ng Wika

–9. Nagmamadali
niyang inakyat ang
(hagdan, hagdanan).
WALISIN/WALISAN
 
Walisin

– Tumutukoy sa bagay na aalisin.


Walisin mo ang alikabok.
Walisin mo ang mga basura sa
labas.
Walisan

– Tumutukoy sa lugar.
Walisan natin ang ating silid-
aralan.
Walisan mo ang bakuran.
Angkop na Gamit ng Wika

–10. Halika nga rito at


(walisin, walisan) mo ang
tuyong dahon sa bakuran.
PAGSUSULIT
Takdang Aralin

Magsaliksik tungkol sa
Kakayahang Diskorsal

You might also like