You are on page 1of 6

Kay Jesus ang

Pagsamba
Book Study from
Rommel Guevara at Susan Ampoon-Guevara
Ano ang Tunay na
Pagsamba?
“Ako ay nangambang lusubin kami
“Dumating ang panahon na si ng mga Filisteo rito sa Gilgal na
Cain ay naghandog kay hindi pa ako nakapaghahandog kay
Yahweh ng ani niya sa bukid. Yahweh, kaya napilitan akong
Kinuha naman ni Abel ang sa maghandog.” 1 Samuel 13:12
mga panganay na kanyang
kawan. Pinatay niya ito at
inihandog ang pinakamainam “Sinabi ni Samuel, ‘Akala mo ba’y
na bahagi. Si Yahweh ay higit na magugustuhan ni Yahweh
nasiyahan kay Abel at sa ang handog at hain kaysa ang
kanyang handog, ngunit hindi pagsunod sa Kanya? Mas mabuti
niya kinalugdan si Cain at ang ang pagsunod kay Yahweh kaysa
handog nito. Dahil dito, hindi paghahandog, at ang pakikinig ay
mailarawan ang mukha ni higit sa haing taba ng tupa.”
Cain sa tindi ng galit.” Genesis 1 Samuel 15:22
4:3-5
Ano ang Tunay na
Pagsamba?
1. PAGBIBIGAY HALAGA

Worship = weorrthscipe, meaning worth o halaga


Kaya kapag tayo ay pumupunta sa church upang magworship, pinapakita natin,
“Panginoon, mahalaga po Kayo sa akin.” Kasi binibigyan natin ng time at halaga iyong
pagpunta natin sa church. At tulad ng sinuman o anumang mahalaga sa atin,
nangangailangan ito ng patunay.

2. PAGBIBIGAY KALUWALHATIAN

“Kaya nga, kung kayo’y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin
ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.” 1 Corinto 10:31
Even in the simplest activity that we do in life, we should do it all for the glory of God.
Ipinapakita ng verse na ito na dapat nakapaloob sa lahat ng Gawain ng ating buhay ang
worship. If it glorifies God, it is worship.
Ano ang Tunay na
Pagsamba?
3. PAGSUNOD

“Sinabi ni Samuel, ‘Akala mo ba’y higit na magugustuhan ni Yahwek ang handog at hain
kaysa ang pagsunod sa Kanya? Mas mabuti ang pagsunod kay Yahweh kaysa paghahandog,
at ang pakikinig ay higit sa haing taba ng tupa.” 1 Samuel 15:22

4. PAGBIBIGAY KALUGURAN

“Aming Panginoon at Diyos! Karapat-dapat kang tumanggap ng papuri, karangalan, at


kapangyarihan; sapagkat ikaw ang lumalang sa lahat ng bagay, at ayon sa iyong kagustuhan,
sila’y nilalang mo at pinapanatili.” Pahayag 4:11
Ano ang Tunay na
Pagsamba?
5. PAG-IBIG
Ang tunay na pagsamba ay nakabase sa pag-ibig. Una (a), pag-ibig ng Panginoon;
pangalawa (b), pag-ibig sa Panginoon, pangatlo (c), pag-ibig sa Kapwa.

A. Pag-ibig ng Panginoon
“Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin ng mamatay si Cristo para sa
atin noong tayo’y makasalanan pa.” Roma 5:8

B. Pag-ibig sa Panginoon
“Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang
buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos.” Mateo 22:37-38

C. Pag-ibig sa Kapwa
“Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong
sarili.” Mateo 22:39
Ano ang Tunay na
Pagsamba?
6. PANANAMPALATAYA

Ito ang tanging paraan at dahilan kung bakit magagawa natin ang naunang limang
kahulugan ng pagsamba – ang pananampalataya o faith. Kung walang pananampalataya sa
Panginoong Jesus, walang tunay na pagsambang nagaganap. Siya ay tunay na nalulugod
kapag Siya ay pinaniniwalaan. Ang lahat ng naunang lima ay imposibleng magawa kung wala
ang pananampalatay o paniniwala kay Jesus at sa Kanyang mga salita at pangako.

Ang tunay na pagsamba ay makikita. Di maitatanggi ang isang taong nakakasama at


nakaka-fellowship ang Lord. Kitang-kita ito; ramdam na ramdam. Hindi ba’t ang lagi
mong kasama, nagiging kamukha mo, kaugali mo, at yung gusto niya nagiging gusto
mo na rin? Hindi maikakaila kung nakakafellowship talaga natin si Lord. Mapapansin
ito sa glow ng ating pagkatao, sa kilos natin, sa pag-iisip natin, sa pananalita natin, at
lalong-lalo na sa attitude natin. Ang isang tunay na worshiper, nagbabago talaga ang
kilos, salita, sitwasyon, at pati na ang itsura. Pagbabago talaga ang dala ng Presensya
ng Lord.

You might also like