You are on page 1of 23

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik

Modyul 1
Enero 5-8, 2021

Agnes P. Somera
Guro
Copyright @2020 Holy Trinity Academy. All rights reserved.
Paksa:
Proseso ng Pagbasa
Uri ng Pagbasa
Teorya ng Pagbasa
Mga Layunin:
 Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong
binasa
 Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa
 Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang
tekstong binasa
 Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang
sariling tekstong isinulat

Copyright @2020 Holy Trinity Academy. All rights reserved.

Panimulang Gawain
SM (Sa salita Makikita)
Basahin ang mga salitang ipakikita ng guro, mula rito ay sagutin ang mga
tanong.

Papunta sa upang kailangan

ang mga kanilang mangalaga nilang
doktor destino ng maysakit tumulong.
    sapagkat  

Copyright @2020 Holy Trinity Academy. All rights reserved.

Panimulang Gawain
Ilan ang mga salitang nagtatapos sa titik A?
 
apat o 4
 
Ilan ang salitang may magkasamang titik A at G?

pito o 7
 
Ulitin ang buong pahayag.

Papunta sa upang kailangan

ang mga kanilang mangalaga nilang
doktor destino ng maysakit tumulong.
    sapagkat  
Copyright @2020 Holy Trinity Academy. All rights reserved.
Ang Pagbasa…
Ayon kay Carmelita S. Lorenzo, et. al., ang pagbasa ay ang tiyak at madaling pagkilala ng ayos at pagkakasunod-sunod ng mga salita upang makabuo ng mga ideya at kahulugan.

Ayon naman kay McCarthy (1999), ay isang proseso ng pagbibigay kahulugan sa mga titik na bumubuo sa mga salitang nakalimbag sa bawat pahina.

Copyright @2020 Holy Trinity Academy. All rights reserved.

Ang Pagbasa…
Ayon sa Sa Webster's Dictionary, ang pagbasa ay isang kilos o gawa ng isang taong bumabasa ng
aklat,sulatin at iba pa. Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita.

Mula naman kay Goodman, ang Pagbabasa ay Psycholinguistic Guessing Game. Ito'y bumubuo ng panibagong kaisipan mula sa binasa. Kapag tayo raw ay nagbabasa, naririnig natin ang  binabasa natin sa ating isipan, habang ginagawa natin iyon, naisasaisip at mas lalo
nating naiintindihan ang binabasa.

Copyright @2020 Holy Trinity Academy. All rights reserved.

Lcfloralde
Lcfloralde
Lcfloralde
Ang Pagbasa…
Bilang proseso, , ito ay may apat na hakbang ayon kay William S. Gray(1950),
ang kinilalang “Ama ng Pagbasa”: 

1. Persepsyon – Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo

at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog.

2. Komprehensyon – Ito ay pang-unawa ng mambabasa na nakasulay sa salita o simbulo batay sa mga nakalap na
impormasyon. Mas magiging malalim ang pang-unawa ng mambabasa kung mayroon siyang malawak na kaalaman
o karanasan sa iba’t ibang paksa.

Copyright @2020 Holy Trinity Academy. All rights reserved.

Ang Pagbasa…
3. Reaksyon – Nakapagbibigay ang mambabasa ng puna, saloobin o pasiya tungkol sa akdang binasa. Naipapakita
ng mambabasa na lubos niyang nadama at naunawaan ang akdang binasa sa pamamagitan ng kaniyang reaksyon.

4. Integrasyon – Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng

mambabasa sa kanyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay.

Copyright @2020 Holy Trinity Academy. All rights reserved.

Mga Uri/estilo ng Pagbasa

1. ISKANING - isang uri ng pagbasa ng
nangangailangan hanapin ang isang partikular na
impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin.
Ginagawa ito ng isang bumabasa sa
pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa
materyal at pag-uukol ng mabilisang pagsulyap
sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga mata sa
partikular na impormasyon sa isang tiyak na pahina
ng materyal.
Halimbawa:
a. paghahanap ng numero ng isang taong nais
makausap.
b. pagtingin ng salita sa diksyunaryo
Mga Uri/estilo ng Pagbasa
2. ISKIMING - Ang skimming ay pinaraanang
pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagawa
ng isang tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito
ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig
sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang
pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang
kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga
hindi kawili-wili sa kanya sa sandaling iyon. Ito ay
pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha
ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya’y
pagpili ng materyal na babasahin.
Mga Uri/estilo ng Pagbasa
3. Pagalugad na Pagbasa (Exploratory Reading) – Ginagawa ito kung ibig ng mambabasang
malaman kung ano ang kabuoan ng isang babasahin. Hal. Buong pagbasa ng isang kuwento.

4. Mapanuring Pagbasa (Analytical Reading) –sinusuring mabuti ng mambabasa ang kaugnayan ng mga salita at
talata upang mahanap ang kabuluhan ng ipinahihiwatig na mensahe. Hal. Pagbasa ng mga solusyon sa isang
mathematical problem, “bakit ganito ang sagot?”.

5. Kritikal na Pagbasa (Critical Reading) – Masusing sinisiyasat ng mambabasa ang mga ideya at saloobin ng teksto.
Pinag-iisipan niyang mabuti kung wasto nga ba ang impormasyon. Hal. Pagbasa ng editorial, “makatuwiran ba ang
isinulat?”

6. Malawak na Pagbasa (Extensive Reading) – Nagbabasa ng iba’t ibang akda ang mambabasa bilang
libangan at pampalipas oras. Pinipili niya ang mga aklat na interesante, nakatatawa o magaang basahin.

Copyright @2020 Holy Trinity Academy. All rights reserved.

Mga Uri/estilo ng Pagbasa
7. Malalim na Pagbasa (Intensive Reading)- Piling babasahin lamang hinggil sa isang paksa ang pinagtutuunan ng pansin
ng mambabasa o kaya ay iba’t iba ngunit magkakaugnay na paksa ng iisang manunulat. Hal. Pagbasa ng pananaliksik

8. Maunlad na Pagbasa (Developmental Reading) Sumasailalim ang mambabasa sa iba’t ibang antas ng pagbasa upang
kanyang mahubog at mahasa ang mahahalagang kasanayan sa pagbasa. Ginagabayan ng guro ang mag-aaral upang
matiyak na mapaunlad ang kanyang antas ng pagbasa at matutong mapanuri at mapagsiyasat kapag nagbabasa. Hal. SRI

9. Tahimik na Pagbasa (Silent Reading) Ginagamit ng mambabasa ang kanyang mga mata sa pagbabasa. Habang
nagbabasa, makikitang ang mambabasa ay nakatutok sa tekstong binabasa upang ganap itong maintindihan.

10. Malakas na Pagbasa (Oral Reading)- Binibigkas ang tekstong binabasa sa paraang masining at may damdamin. Dapat
malinaw at malakas ang boses ng nagbabasa. Kailangang wasto ang pagbigkas at tono habang nagbabasa.
 
a. Teoryang Bottom-Up- Ito ay isang traditional na
pagbasa (Rudolf Flesh et al. 1955). Ayon sa
teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng
nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang
katumbas nitong tunog. Nananalig ang teoryang
ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula
sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at
pangungusap bago malaman ang kahulugan ng
teksto. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa
teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom),
patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong
bottom up.

Copyright @2020 Holy Trinity Academy. All rights reserved.

Teorya ng Pagbasa
b. Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon
sa naunang teorya (Goodman, 1985 at Smith 1994).
Ayon dito, ang mambabasa ay napakaaktib na
partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay
may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa
kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa
wika na kanyang ginagamit habang
nakikipagtalastasan sa may-akda sa
pamamagitan ng teksto. Bunga nito, nakakabuo
siya ng kanyang mga palagay at hinuha na kanyang
iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang
teksto.

Copyright @2020 Holy Trinity Academy. All rights reserved.

Teorya ng Pagbasa
c. Teoryang Interaktib- (Robert Rudell at
Robert Speaker 1995) Bunga naman ito ng
pambabatikos ng mga dalubhasa sa
ikalawang teorya. Nagkakaroon ng
pagkakataon ang mambabasa na
maunawaan ang mensaheng nais iparating
ng manunulat. Ang ugnyang ito ng
manunulat at ng kaniyang mambabasa ay
higit na malalim sapagkat naipapahayag
kapwa ng bawat isa ang kanilang
nararamdaman.
Copyright @2020 Holy Trinity Academy. All rights reserved.
Teorya ng Pagbasa
d. Teoryang Iskima- Mahalaga ang tungkuling
ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng
mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang
iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa
pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima.
Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang
mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya
sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa
paksa. Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto
upang mapatunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol
sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Hindi teksto ang
iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong
nabubuo sa isipan ng mambabasa

Copyright @2020 Holy Trinity Academy. All rights reserved.

Pangwakas na Gawain
Idaldal Mo, ideya mO
IMO
   
Buoin ang pahayag ayon sa sarili mong pagkakaunawa.

Ang pagbasa ay
______________________________ ito ay
_____________________________.

Copyright @2020 Holy Trinity Academy. All rights reserved.

Paglalahat
Tandaan
 
• Lumalawak ang ating kaalaman at nakakakuha tayo ng bagong

impormasyon kapag tayo ay nagbabasa.

• Unawain at suriin nating mabuti ang ating binabasa upang matamo ang
kabuluhang nais iparating ng akda.

• Nakatutulong ang kasanayan sa wika at ang pagkakaroon ng malawak na

talasallitaan upang ganap na maintindihan ang isang akda.

Copyright @2020 Holy Trinity Academy. All rights reserved.

You might also like