You are on page 1of 6

IBA’T IBANG

TEORYA SA
PAGBASA
Fil 2 – PPT2
1. TEORYANG BOTTOM-UP
2. TEORYANG TOP-DOWN
3. TEORYANG INTERAKTIB
4. TEROYANG ISKIMA
Iba’t ibang teorrya sa Pagbasa
1. TEORYANG BOTTOM-UP
 Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na sinbulo
(stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tugon (response).
 Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsimula sa yugto-yugtong
pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto bago pa man ang
pagpapakahulugan sa buong teksto (Badayos, 2000)
 Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito ay nagsisimula sa teksto (bottom) patungo sa
mambabasa (up)
TEORYANG TOP-DOWN
 Bilang reaksyon sa naunang teorya , isinilang ang teoryang “Top-Down”
 Napatunayan kasi ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa hindi nagsisimula sa teksto
kundi sa mambabasa (Top) tungo sa teksto (Down)
 Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolphiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay
isang prosesong holistic
 Ayon sa mga proponent nito, ang mga mambabasa ay isang napaaktib na participant sa proseso
ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa
kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency) at kanyang
ginagamit habang nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto (Badayos, 20000)
TEORYANG INTERAKTIB
 Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-
unawa nito, ang isang mambababsa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga
sariling knsepto o kaisipan
 Dito nagaganap ang interaksyon awtor-mambabasa at mambabasa-awtor
 Ito ay dalawang direksyon o bi-directional
TEORYANG ISKIMA
 Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidadagdag sa dati nang iskima,
ayon sa teoryang ito
 Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay
nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima na paksa
 Maaring binabasa niya na lamang ang teksto upang mapatunayan kung ang hinuha o hula niya
sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin
 Dahil ditto, masasabing ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon
 Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng
mambabasa.

You might also like