You are on page 1of 14

Filipino sa Piling

Larang
(Akademik)
Lawrence P. Mendoza
Guro SHS
Aralin 1:
Batayang Kaalaman
sa Pagsulat
Katuturan, Layunin at Kahalagahan ng
Pagsulat
Gawain #1
Panuto: PAGSULAT: Sagutin nang
may katotohanan, wasto, mabisa at kawili-
wili ang katanungan na may kaugnayan
sa pagsusulat.

1. Kailan ka pinakahuling sumulat?


2. Anong uri ng sulatin ito?
3. Bakit nagustuhan mo itong sulatin?
4. Ano-anong kabutihang dulot sa
pagsusulat?
MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

PANIMULA

Isa sa mga pinakamahirap hasaing kasanayan sa


komunikasyon ang pagsulat. Totoong ang pagsulat ay
isang komplikadong proseso na nangangailangan ng
sapat na panahon upang maging mahusay dito. Hindi
natin ito dapat katakutan dahil ang pagsasanay sa
pagsulat ay nagdudulot ng higit na pagkatuto
at pag-unlad ng ating pagkatao.
 Para sa maraming kabataan, sapat na umano ang
kanilang husay sa pagbasa at pagsasalita. Sinasabi
nilang hayaan na lamang ang pagsulat sa mga
akademiko, makata, o kuwentista. Ngunit hindi ito ang
dapat isaisip. Kailangang linangin ang pagsusulat upang
higit na mapalawak ang ating kaalaman at mapaunlad
ang ating kaisipan sa gitnang malalaking
pagbabago sa ating mundo.
 Patuloy ang ebolusyon ng teknolohiya sa
komunikasyon, sumisikip-lumalawak ang mundo
dahil sa globalisasyon, tumatatag ang ugnayan ng
mga bansa dahil sa nangyayaring integrasyon ng
mga ekonomiya – lahat ng ito ay nakaaapekto sa
maraming aspekto ng buhay, personal
man o propesyonal.
 Kung nais makaungos sa tumitinding kompetisyon,
isa sa mahahalagang opsyon ang linangin ang
kakayahan sa pagsulat, partikular sa akademikong
pagsulat. Tandaan, walang ipinanganak na
mahusay magsulat. Ito ay isang kasanayang
nililinang.
Kasaysayan ng Pagsulat
 Ang sistema sa pagsulat ay lagi nang kaakibat ng
konserbatismo, ang pinagmulan nito ay sinasabing
galing sa mga “divine sources”. Ang anumang
pagbabago o modifikasyon ay kakambal ng mabigat na
pag-aatubili at maging sa ngayon ay umaani ng
pagsalungat. Dahil sa konserbatismong ito, ang
mga pagbabago o inobasyon sa istruktura
ng pagsulat ay nangyayari dahil
nanghihiram ang isang grupo ng tao sa iba.
 Isang halimbawa ang mga Akkadians, na ginamit ang
bahaging silabik ng Sumerian logo-silabik sa kanilang
wika ngunit pinanatili ang logograms (nagrerepresenta
ng buong salita) at ginamit ito bilang isang uri ng
shorthand. Samantala, nang ginamit ito ng Hittites
mula sa Akkadians para sa kanilang wika, inalis nila ang
karamihan sa mga silabik na simbolo at marami sa
mga Sumerian logograms ngunit ginamit ng
maraming Akkadian silabik ispeling bilang
logograms.
 Mula sa pag-aaral ng arkeyolohiya, tinatayang
ang hiroglipo ng mga Ehipto ang
pinakamatandang uri ng pagsulat. Ang mga
unang ebidensya nito ay sinasabing mula 3300 o
3200 BC. Ang mga taga-Mesopotamia ay
tinatayang nagsisulat din ng mga panahong iyon,
tinawag nilang cuneiform ang
sistema ng kanilang pagsulat.
 Halos sa panahon ding iyon, ang Pro-
Elamite na pagsulat ay nadevelop din
sa Elam. Kailangang i-decipher ito at
wala pang masabi tungkol sa kalikasan
nito maliban sa mga silabik na ginamit
nito, ang logo-silabik.
 Ang logo-silabik na sistemang ito ay ginamit din pagkaraan sa
Aegean, Anatolia, sa Indus Valley at Tsina. Mula sa logo-silabik
na sistema, ang silabari ay hiniram ng ibang tao upang isulat
ang kanilang wika. Ang silabari, sa kanyang kapayakan ay
binubuo ng (simbolo para sa katinig at patinig) ay hiniram ng
mga Semitic (mga tao sa Palestina at Syria) mula sa Ehipto, at
iniwan ang logograms at ilang may kahirapang silabol sa
sistema ng pagsulat ng mga Ehipto sa pagitan ng huling kalahati
ng pangalawang milenyo, BC. Ang silabing ito ay
halos naihanda na sapagkat sa pagsulat ng mga
Ehipto ay hindi nagamit ang mga patinig.
 Ang isa pa sa pinakaunang semi-alpabetik na pagsulat
ay nakita sa Proto-Sinaitis na pagsulat noong 1500 BC.
At noong 1300 BC na natagpuan sa Ugarit sa hilagang
bahagi ng Syria. Samantala, mula sa Phoenisia ay
nanghiram ang Gresya na naghiwalay sa katinig at
patinig hanggang sa ang buong sistema ng
alpabetik na pagsulat ay madevelop.
SUBUKIN:

Gawain #2

Panuto: Pagtapat-tapatin. Hanapin ang tamang sagot sa kolum B. isulat ang titik sa
blangkong espasyo.

Kolum A Kolum B

1. _____ logograms a. sa Elam


2. _____ divine sources b. sistema ng panulat ng Mesopotamia
3. _____ hiroglipo c. nagrerepresenta ng buong salita
4. _____ silabari d. pinakamatandang uri ng pagsulat
5. _____ cuneiform e. Akkadian
6. _____ Pro-Elamite na Pagsulat f. Phoenisia
7. _____ Semitic g. tao sa Palestina at Syria
8. _____ silabik ispeling bilang logograms h. simbolo para sa katinig at patinig
9. _____ pinaghiram ng Gresya i. konserbatismo
10. _____ semi-alpabetik na pagsulat j. Proto-Sinaitis

You might also like