Batayang Kaalaman Sa Pagsusulat NG Liham Pangnegosyo

You might also like

You are on page 1of 20

Batayang Kaalaman sa Pagsusulat ng Liham-

Pangnegosyo
Deskripsiyon: Sa araling ito, malalaman ang
mga batayang kaalaman sa pagsusulat ng
liham-pangnegosyo.
Pamantayang Pangnilalaman
• Ano ang naalala ninyo tungkol sa pagsulat
ng liham?
• Bakit kayo sumusulat ng liham? Para kanino
ang liham na isinusulat ninyo?
• Tungkol saan ang kadalasang nilalaman ng
liham na isinusulat ninyo?
• Ano ang naiisip ninyo kapag binabasa o
naririnig ang salitang liham-pangnegosyo?
Tuwing kailan ito ginagamit?
1
• May pormat na sinusunod ang paggawa.
• May tiyak na mga impormasyong inilalagay
sa bawat bahagi.
• Nakabatay ang nilalaman sa kung anong uri
ng liham ito.
• Kalimitang sumusulat ng liham-
pangnegosyo upang magkaroon ng tiyak at
malinaw na korespondensiya sa pagitan ng
nagpadala at tumanggap ng liham.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
1. Mag-isip ng mga paksang maaaring lamanin ng isang
liham-pangnegosyo.
2. Isulat ito sa piraso ng papel at sabihin kung bakit
mahalagang gawan ng liham-pangnegosyo ang napiling
paksa.
3. Magpasulat sa pisara ng balangkas ng liham-pangnegosyo
mula sa mag-aaral at lagyan ng katawagan ang bawat
bahagi nito batay sa kanilang dati nang natutuhan.
Pamantayan sa Pagganap
1. Ano ang karaniwang nilalaman ng isang liham-
pangnegosyo?
2. Saan kadalasang ginagamit ang isang liham-
pangnegosyo?
3. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit sumusulat
ng liham-pangnegosyo ang isang indibidwal?
• Kaugnay nito, napatutunayang mahalagang
matutunan ang pagsulat ng liham-
pangnegosyo para sa kanilang magiging
trabaho sa hinaharap.
Mga Kasanayang Pampagkatuto
1. Ulong-sulat- matatagpuan dito ang pangalan, lokasyon at
impormasyon sa pagkontak sa ahensiyang pagmumulan ng
liham; kalimitan itong nagtataglay ng logo ng nasabing
kompanya o institusyon
2. Petsa- nagsasaad kung kailan isinulat ang liham
3. Patunguhan- inilalagay rito ang pangalan at katungkulan ng
taong ibig pagbigyan ng liham; kung sino ang pangunahing ibig
patunguhan nito
4. Bating Pambungad- maiksing pagbati sa patutunguhan ng liham
5. Katawan ng Liham- nagtataglay ng
mismong nilalaman ng liham
6. Bating Pangwakas- maiksing pagbati bago
wakasan ang liham
7. Lagda- pangalan o mismong lagda ng
nagpadala ng liham
Pagnilayan at Unawain
1. Ang liham o sulat ay nagtataglay ng mga impormasyon para
sa patutunguhan. Isinusulat ito ng isang indibidwal na may
nais iparating sa pagpapadalhan ng liham.
2. Nag-iiba-iba ang paraan ng pagkakasulat ng liham batay sa
kung ano ang layunin nito kung kaya’t maraming iba’t
ibang uri ng liham. Isa na rito ang liham-pangnegosyo.
3. Sa pagsulat ng liham-pangnegosyo, mahalagang tiyakin
kung ano ang layunin ng liham. Maaari itong maging isang
liham kahilingan, liham pag-uulat, liham pagkambas,
subskripsiyon, pag-aaplay, pagtatanong, atbp.
4. Mahalagang bigyang-halaga ang nilalaman ng liham-pangnegosyo at
ang iba’t ibang bahagi nito.
5. Kalimitang binubuo ang liham-pangnegosyo ng ulong-sulat na siyang
nagtataglay ng ahensiya o institusyong pagmumulan ng liham;
– petsa kung kailan isinulat ang liham;
– patunguhan o kung kanino ipadadala ang liham;
– bating pambungad para sa pagbibigyan ng liham;
– katawan ng liham na siyang naglalaman ng pinakapunto ng liham;
– bating pangwakas para sa padadalhan ng liham; at
– lagda ng nagsulat ng liham.
6. Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng liham-pangnegosyo at
maaaring kakitaan ng mga salitang teknikal na kinakailangan sa isang
partikular na trabaho.
Mga Pagsasanay at Gawain para sa Sulating Tech-Voc:

Pokus sa Manwal
at Liham-
Pangnegosyo
NAAALALA NIYO PA BA?
 Ano ang naaalala ninyo tungkol sa pagsulat ng
manwal?
 Ano ang naalala ninyo tungkol sa pagsulat ng liham-
pangnegosyo?
 Ano ang kaibahan ng dalawang sulatin?
 Sa anong mga trabaho ninyo maaaring magamit ang
kasanayan sa pagsulat ng manwal at liham-
pangnegosyo?
Pamantayan sa Pagganap
1. Maliban sa nauna nang nagawa sa nakaraang
aralin, mag-isip ng mga paksang maaaring
gawan ng isang manwal.
2. Mag-isip din ng isang kompanyang maaaring
padalhan ng liham-pangnegosyo.
3. Isulat ito sa piraso ng papel at sabihin kung
bakit ito ang napili.
Mga bahagi ng manwal:
1. pamagat
2. talaan ng nilalaman
3. pambungad
4. nilalaman
5. apendise
Mga bahagi ng liham-pangnegosyo:
1. ulong-sulat
2. petsa
3. patunguhan
4. bating pambungad
5. katawan ng liham
6. bating pangwakas
7. lagda
1. automotive servicing
2. barbering
3. bartending • Pumili ng dalawang
4. beauty care services trabahong nahanap ng
bread and pastry production
6. catering magkapareha.
7. commercial cooking • Ang isa sa magkapareha
8. driving
9. food and beverages
ay gagawa ng manwal
10. food processing habang ang isa naman ay
11. hilot (wellness massage)
12. massage therapy
gagawa ng liham-
13. tailoring pangnegosyo para sa
14. technical drafting piniling trabaho.
15. visual graphics design
Pamantayan sa Pagganap
• Sabihin sa klase na pipili sila ng isa sa
dalawang trabahong nahanap ng
magkapareha.
• Ang isa sa magkapareha ay gagawa ng manwal
habang ang isa naman ay gagawa ng liham-
pangnegosyo para sa piniling trabaho.

You might also like