You are on page 1of 45

LAYUNIN

nabibigyan ng
kahulugan ang
mapanuring pagbasa
LAYUNIN
natutukoy ang
pangunahing layunin
ng mapanuring
pagbasa; at
LAYUNIN

natutukoy ang mga


uri at antas ng
mapanuring pagbasa
GAWAIN 1
Ilista ang dalawang pinakapaborito
niyong libro. Kung hindi libro ang
hilig basahin, ilista ang anumang
uri ng akda, materyales, o genre ng
panitikan na naging pinakapaborito
mo.
  Unang Ikalawang
Libro Libro
Titulo
   

May-akda
   

Wika
   

Buod
   
Batayang
Kaalaman sa
Mapanuring
pagbasa
Ano nga ba ang
pangunahing layunin ng
mapanuring pagbasa???
Pangunahing layunin ng
pagbasa ay ang pagbuo
ng kahulugan, na
kinapapalooban ng pag-
unawa at aktibong
pagtugon sa binabasa.
Ang PAGBASA ay…
proseso ng
pagkokonstrak ng
kahulugan mula sa mga
tekstong nakasulat.
(Anderson et al.,1985)
Ang PAGBASA ay…
proseso ng pagkokonstrak ng
kahulugan sa pamamagitan
ng dinamikong interaksyon
ng mga sumusunod: 1) dating
kaalaman ng mambabasa;
Ang PAGBASA ay…
2) impormasyong taglay
ng tekstong binabasa; at 3)
konteksto ng kalagayan o
sitwasyon sa pagbasa.
(Wixson et al.,1987)
Ang PAGBASA ay…
isang kompleks na kognitibong
proseso ng pagtuklas sa
kahulugan ng bawat simbolo
upang makakuha at makabuo
ng kahulugan.
Ang PAGBASA ay…
Mahalaga ang
interaksyon sa
pagitan ng teksto
at mambabasa.
DALAWANG
URI NG
PAGBASA
INTENSIBO EKSTENSIBO

VS.
Mahihinuha na ang
intensibong pagbasa ay may
kinalaman sa masinsinan at
malalim na pagbasa ng
isang tiyak na teksto.
Habang ang ekstensibong
pagbasa ay may kinalaman
sa pagbasa ng masaklaw at
maraming materyales.
INTENSIBONG PAGBASA
o “narrow reading” ay ang
detalyadong pagsusuri sa kaanyuang
gramatikal, panandang diskurso at
iba pang detalye sa estruktura upang
maunawaan ng literal na kahulugan,
implikasyon, at retorikal na ugnayan
ng isang akda
INTENSIBONG PAGBASA
Gumagamit ng
estratehiyang “zoom
lens” o malalimang
pagbasa sa isang akda
EKSTENSIBONG PAGBASA
isinasagawa upang
makakuha ng
pangkalahatang pag-
unawa sa maramihang
bilang ng teksto.
EKSTENSIBONG PAGBASA
Layunin nito na maunawaan ang
pangkalahatang ideya ng teksto o
ang pinaka-esensya at kahulugan
ng binasa at hindi ang mga
ispesipikadong detalye na
nakapaloob sa teksto o babasahin.
ANTAS NG
PAGBASA
SINTOPIKAL
ANALITIKAL
MAPAGSIYASAT/INSPEKSYONAL

PRIMARYA/ELEMENTARI
PRIMARYA/ELEMENTARI
 Pinakamababang antas ng
pagbasa at pantulong
upang makamit ang
literasi sa pagbasa
PRIMARYA/ELEMENTARI…
Kinapapalooban lamang ng
kakayahan sa pagtukoy sa tiyak na
datos at ispesipikong
impormasyon gaya ng petsa,
setting, lugar o mga tauhan sa
teksto.
INSPEKSYONAL/MAPAGSIYASAT
Sa antas na ito, ang mag-
aaral ay binibigyan ng oras o
panahon kung kailan dapat
matapos ang pagbabasa.
INSPEKSYONAL/MAPAGSIYASAT
Nakapagbibigay ng mabilisan
ngunit makabuluhang paunang
rebyu sa isang teksto upang
matukoy niya kung kakailanganin
niya ito at kung maaari pa itong
basahin ng mas malaliman.
INSPEKSYONAL/MAPAGSIYASAT
Nauunawan ng mambabasa
ang kabuuang teksto at
nakapagbibigay ng mga
hinuha o impresyon tungkol
sa nabasa
ANALITIKAL
Ginagamit ang mapanuri o
kritikal na pag-iisip upang
malalimang maunawaan ang
kahulugan ng teksto at ang
layunin o pananaw ng manunulat
ANALITIKAL
Bahagi ng antas na ito ang
pagtatasa sa katumpakan,
kaangkupan, at kung
katotohanan o opinyon ang
nilalaman ng teksto.
SINTOPIKAL
ang pinakakomplikado at
sistematikong yugto ng
pagbasa. Nangangailangan ito
ng pinakamataas na kasanayan.
SINTOPIKAL
isang uri ng pagsusuri na
kinapapalooban ng paghahambing
at pagkokontrast sa iba’t-ibang
aklat/teksto na nabasa na
kadalasang magkakaugnay.
Nasa aling antas ng
pagbasa kaya ang inyong
kakayahan sa pagbasa??
Tukuyin kung anong ANTAS
ng pagbasa ang ipinapakita
sa sumusunod na sitwasyon.
Isulat ang P kung Primarya, I
kung inspeksyunal, A kung
Analitikal at S kung
Sintopikal.
1. Nakita ni Mauen na
Espanyol ang teksto kung
kaya hindi na niya
ipinagpatuloy ang
pagbabasa.
2. Inalam ni Anna ang
pangalan ng paborito
niyang tauhan sa isang
kuwentong nabasa noong
elementarya.
3. Galit ang naramdaman
ni Brian nang mabasa ang
balita tungkol sa
insidente sa
Mamasapano.
4. Iniugnay ni David
ang naunawaan sa
akda sa sarili niyang
karanasan.
5. Inunawa niya ang
pinabasa ng guro upang
masagutan ang
pagsusulit.
6. Sumasangguni si Nanay
sa kanyang cookbook upang
mas mapasarap ang
kaniyang mga lutuin.
7. Gumawa si Lara ng
anotasyon ng mga
sanggunian bilang
paghahanda sa gagawing
pananaliksik.
8. Natuklasan ni Jonathan sa
kaniyang pananaliksik na may
isang mahalagang suliranin sa
paksa ang hindi pa gaanong
napagtutuunan ng pag-aaral.
9. Tinanong ng guro ni
Pia kung tungkol saan
ang seleksyon matapos
niya itong basahin.
10. Sumulat si Marie sa
editor ng diyaryo
matapos mabasa ang
maling nilalaman nito.
TAKDANG-ARALIN
Mag-isip ng isang aklat, artikulo, o
anumang genre ng panitikan na
katatapos mo lamang basahin.
Pag-isipan kung ano ang
motibasyon sa pagbasa ng
tekstong ito.
TAKDANG-ARALIN
Nasa uring intensibo o
ekstensibo ba ang
pagbasa mo? Ibahagi sa
klase ang karanasan.

You might also like