You are on page 1of 8

KAHULUGAN

NG
PA G B A S A
LY R A J A N E G . O D O Ñ O Pagbasa at Pagsusuri
KAHULUGAN NG PAGBASA

Ang pagtitiyak ng depinisyon ng pagbasa ay mahalaga upang makabuo ng


paraan ng ebalwasyon sa pagkatuto nito. Kung ikaw ay isang mag-aaral na
panimulang nagbabasa ang pag-alam sa kahulugan, kahalagahan, at mga
kasanayang matututuhan mo rito ay mahalaga upang maging mas epektibo at
makabuluhan ang kabuuang karanasan sa pagbasa. Maraming edukador ang
nagsasabi na ang pangunahing layunin ng pagbasa ay pagbuo ng kahulugan, na
kinapalolooban ng pag-unawa at aktibong pagtugon sa binabasa.
ANDERSON ET AL. (1985)
Ayon sa aklat ng Becoming a Nation of Readers ang pagiging mabuting mambabasa ay
nangangahulugan ng pag-unawa sa iyong binabasa. Ito ay hindi lamang tungkol sa mga salita sa
pahina, kundi pati na rin ang paggamit ng iba pang mga bagay upang matulungan kang
maunawaan.

Kaalamang Pag-aaral ng
Katatasan Bokabolaryo Komprehensyon
Ponemiko Ponolohiya

Proseso ng Pagbabasa
WIXSON ET AL. (1987)

sa artikulong "New Directions in Statewide Reading Assessment na nailathala sa


pahayagang The Reading Teacher, ang mga pinagmumulan ng kaalaman sa
pagbasa. Sa kanilang pagpapakahulugan sa pagbasa, tinukoy nila ito bilang isang
proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksiyon ng: (1) imbak o
umiiral nang kaalaman ng mambabasa, (2) impormasyong ibinibigay ng tekstong
binabasa, at (3) konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa. Sa naunang
inilahad na kahulugan ng pagbasa sapagkat binibigyang-diin nito ang kahalagahan
ng konteksto ng pagbasa at imbak na kaalaman ng mambabasa.
INTENSIBO
AT
E K S T E N S I B O N G PA G B A S A
INTENSIBO
Ang intensibong pagbasa ay nakatuon sa isang tiyak na
teksto o materyal. Ito ay mas detalyado at masinsinan
na pag-aaral ng teksto. Ang mambabasa ay naglalaan
ng mas mahabang oras at pansin sa pag-unawa at
pagsusuri ng bawat bahagi ng teksto.
EKSTENSIBO
Ang ekstensibong pagbasa ay masaklaw at maramihang
pagbasa ng iba't ibang materyales at teksto. Ito ay hindi
nakatuon sa isang tiyak na teksto lamang, kundi
naglalayong lumawak ang kaalaman sa iba't ibang mga
paksa at genre. Ang mambabasa ay naglalaan ng mas
maraming oras sa pagbabasa ng iba't ibang materyales.
MARAMING SALAMAT
SA INYONG PAKIKINIG!

You might also like