Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang
natatalakay ang paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon, na may tuon sa pagsusuri ng poetic at metalingual na gamit ng wika sa komunikasyon sa mga tiyak na code o salita at mensahe. Balik-aral Itanong: ● Paano naipakita sa usapan ng magkaibigan ang phatic at conative na gamit ng wika? ● Kailan natin masasabing phatic ang gamit ng wika?
● Kailan naman masasabing conative ang gamit ng
wika? POETIC
• ito ang gamit ng wika kung saan
masining ang paraan ng pagpapahayag ng sanaysay, panluan, proseso at iba pa. Halimbawa:
Isang babae na gumagawa ng sulat para maipahayag
ang kanyang damdamin sa lalaking matagal na niyang gusto. METALINGUAL
Paggamit ng Kuro-Kuro (Metalingual) - lumilinaw
sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas. Dalawang magkaibang organisasyon nanagbabangayan kung ano ang mas magandang paraan para makamit ang layunin. Dapat Tandaan
● Ang poetic na gamit ng wika ay ginagamit upang
makalikha ng mga piling-piling pahayag. Ang wika sa aspektong ito ay nakatuon na sa mismong message o mensahe at kung paano ito mapagaganda. ● Ang metalingual na gamit ng wika ay para maipaliwanag ang code o salitang bago o may malalim na kahulugan. Paglalagom
● Sa pagsusuri ng wikang ginamit bilang poetic, mahalagang
matiyak na masining, matalinghaga, o malikhain ang pagkakagamit ng wika upang mas mabigyang-diin ang nilalaman o mapalakas ang layunin ng message. Paglalagom
● Sa pagsusuri naman ng gamit ang wika sa tiyak na salik
tulad ng code, kailangang matukoy ang uring kinabibilangan nito (kung mayroon ba o wala itong gamit), at ang katangian ng mga gamit ng wika, kasama na ang mga relasyon o ugnayan nito sa iba pang nakapaloob na elemento.