You are on page 1of 13

Edukasyon sa Pagpapakatao 8:

Digital Divide o
Agwat
Teknolohikal
Taira Grace C. Pilapil
Christine Anne V. Balang
Digital Divide o Agwat Teknolohikal
-Ang isyung ito ay nagsimulang pagusapan mula pa nang
maimbento ni Tim Bernes Lee sa CERN (European
Organization
for Nuclear Research) ang World
Wide Web noong 1984.
Ang tanong noong una ay kung mapalalaki ba o mababawasan ang agwat sa pagitan ng
mga mayayaman at mahihirap sa mundo sa pamamagitan ng internet?
Tulad ng iba pang mga pagbabago ang pagkakaroon ng internet ay nangangahulugan ng
pagbabago sa kultura at bagong wika. Ang bagong paraang ito ng pakikipag-ugnayan o
pagkuha ng impormasyon ay magbibigay ng malaking benepisyo para sa mga tao at mga
organisasyong may kakayahang makinabang sa mga oportunidad na ibinibigay ng
internet. Sa kabilang banda, maaaring maging tila parusa naman ito sa mga taong hindi
makikinabang dito. Marami ang nagsasabi na lilikha ng bagong uri
ng kamangmangan at kasalatan ang internet.
Apat na kondisyon
upang magkaroon
ng access sa
impormasyon:
• Una ang kaalaman na mayroong makukuhang impormasyon o mayroong
serbisyong magbibigay ng impormasyon
• May pag-aari ka o mayroon kang magagamit na kasangkapan o
instrumentong kinakailangan upang makakuha ng impormasyon (hal.
computer, telebisyon, telepono, software, modem)
• Mayroon kang kakayahan na magbayad o di kaya’y may libreng serbisyong
nagbibigay ng impormasyon (hal. libreng cable o internet connection)
• May kasanayan ka sa paggamit ng mga kagamitan o instrumento at
software
(hal. computer literate)
- Ang kakulangan sa alinman dito ay nangangahulugan ng kawalan ng
access. Ang mga taong walang access ay kumakatawan sa isang
bahagi ng di pagkakapantay sa lipunan na pinalalala ng teknolohiya:
ang agwat sa pagitan ng mga salat sa impormasyon at sa mga
sagana sa impormasyon.Habang nagiging mas nakadepende tayo sa
teknolohiya upang makakuha ng
impormasyon sa lipunan, dapat nating itanong kung may nalalabag
bang karapatang moral dahil sa tinatawag na Digital Divide.
• Ang karapatang legal ay ang mga karapatang ginagarantiyahan sa
saligang batas.
• Ang batas moral naman ay mga karapatan na nakabatay sa mga
pamantayang etikal sa halip na sa saligang batas. Ang mga karapatang
moral ay maaaring ang karapatang magkaroon ng seguridad, mga
kailangan sa pamumuhay (hal., sapat na pagkain, sapat na pananamit,
at tirahan), ang pagkakaroon ng sapat na pangangalaga sa kalusugan,
at malinis na hangin at tubig.
• Ang subsidiary moral right ay isang espesyal na karapatang moral.
Binibigyang-proteksyon nito ang mga kundisyong kinakailangan upang
maisulong ang karapatang moral.

You might also like