panahunan sa pagsasalaysay ng nasaksihang pangyayari Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paggamit ng mga Panuring na Pang- uri at Pang-abay Inihanda ni : EVAN L. RAUSA Layunin Nagagamit ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng nasaksihang pangyayari Layunin: 1. nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos (F5WG-llla- c-6); 2. nagagamit ang pang-abay at panguri sa paglalarawan (F5WG- llld-e-p); at 3. napagsunud-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggang (kronolohikal na pagsusunud-sunod) (F5PN-lllb- 8.4) Subukin Natin Basahin ang maikling sanaysay tungkol sa pagiging Pilipino. Bilugan ang pang-abay at pandiwa na mababasa mula sa sanaysay. Bakit ako Pilipino? Ni: Ligaya C. Trabado Isang bagay na pinagmamalaki natin bilang isang mamamayan ay ang pagiging Pilipino. Ngunit, bakit nga ba tayo isang Pilipino? Una, isa sa mga dahilan kung bakit tinawag tayong Pilipino ay sapagkat sa gitna ng problema, kalamidad, kahirapan at pag-subok ay nananatili tayong matatag. Isa sa mga kahanga-hangang kaugalian na meron tayong mga Pilipino. Mabilis nating nilulutas lahat ng problemang dumarating. Pangalawa, pinipili nating maging masaya kahit tayo ay may malaking pinagdadaanang pagsubok sa buhay. Hindi tayo basta-basta natitinag sa mga sakunang dumarating sa atin. Gaya ng bagyo, lindol, o pandemya. Pangatlo, ang isang Pilipino ay masarap magmahal. Ipinakikita natin ang ating pagmamahal sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng pagtulong, paggalang at pagpapahalaga. Isang nakakatuwang kaugalian na natural lamang sa mga Pilipino. At panghuli, huwag mong itanong kung bakit ka Pilipino? Laging isaisip na taglay mo ang isang kaisipan at kaugaliang bilang isang Pilipino na may layunin na magbigay saya, magmahal at pagiging isang matatag sa lahat ng pagsubok. Gawain
Bilugan ang letra ng
tamang sagot. 1. Ano ang ipinagmamalaki natin bilang isang mamamayan? a. pagiging Amerikano b. pagiging Pilipino 2. Bilang isang Pilipino, paano natin ipinapapakita ang ating pagmamahal? a. Sa pamamagitan ng pagtulong, paggalang at pagpapahalaga. b. Sa pamamagitan ng paglimot na tayo ay Pilipino. 3.Tukuyin ang pandiwa at pang-abay sa pangungusap na “Ang isang Pilipino ay masarap magmahal.” a. masarap-magmahal b. isang-Pilipino 4. Anong salitang kilos ang inilalarawan ng salitang “mabilis nating nilulutas”? a. nilulutas b. mabilis 5. Ano ang tawag sa salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay? a. pang-abay b. pandiwa Gawin: Hanapin ang pang-abay at pandiwa mula sa pangungusap. Isulat ito sa kahon na nasa ibaba ng bawat numero. Pang-abay Ang pang-abay ay mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. - May tatlong uri ng Pang-abay: Pang-abay Pamanahon, Pang- abay Panlunan, at Pang-abay Pamaraan. Halimbawa: *Pang-abay Pamanahon Bukas makawala, araw-araw, kahapon, kapag, hanggang, tauntaon *Pang-abayPanlunan sa bakuran, sa likod bahay, sa kantina, *Pang-abay Pamaraan mabilis tumakbo, nang mahigpit, naglalakad nang mabagal, lumandag nang mataas Halimbawa: Si Ana ay bumasa nang malakas sa harap ng kaniyang mga kaklase. Pandiwa: bumasa Pang-abay: nang malakas Inilalarawan ng “nang bumasa” ang salitang kilos na bumasa. Sanayin Natin:
Isulat ang tamang pang-abay na
inilalarawan sa sumusunod na larawan. Piliin ang sagot sa kahon. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. Tandaan Natin: Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos. Madali lamang ang palatandaan kung gumagamit ka nang pang-abay sa salitang kilos. Tignan lamang ang salita kung ano ang sinasabi niya tungkol sa kilos. Halimbawa: Masarap magluto si Nanay Mila. Paliwanag: Ang pandiwa sa pangungusap na ito ay magluto. Ano ba ang sinasabi niya tungkol sa kilos na magluto? “Masarap” ang ibig sabihin ang salitang “masarap” ay inilalarawan niya ang salitang kilos na magluto. Halimbawa: Matiyagang naghihintay ang mag-asawang Lopez sa airport sa pagdating ng kanilang anak mula sa ibang bansa. Paliwanag: Sa pangungusap na ito, ang pang-abay ay matiyaga samantala ang kaniyang inilalarawan na salitang kilos ay naghihintay. Suriin Natin:
Bilugan ang pang-abay sa
sumusunod na pangungusap at salungguhitan ang pandiwa. Payabungin Natin:
Basahin ang maikling tula.
Kahonan ang mga pang-abay na mababasa rito. Pagnilayan Natin: Sumulat ng tatlong (3) pangungusap na may pang-abay na inilalarawan ang pandiwa. Isulat sa talahanayan ang pang- abay at pandiwa. Halimbawa: Si Kiera ay malakas humilik. Maramin g Salamat