You are on page 1of 37

WEEK 6 - Q1

Makalikha ng Disenyong
Geometric
BALIK-ARAL

Isulat sa iyong sagutang papel ang


salitang Tama kung ang isinasaad ng
pangungusap ay wasto at Mali kung
hindi.
1. Naaangkop sa uri ng klima, kapaligiran at
kultura ng isang lugar ang hanapbuhay ng
mga tao.
2. Ang pagsasaka, pangingisda, pagpipinta at
paglililok ay ilan lamang sa karaniwang
hanapbuhay ng mga mamamayan sa ating
bansa.
3. Dapat kilalanin at ipagmalaki ang
hanapbuhay ng isang tao sapagkat ito ay
malaking bahagi ng ikinabubuhay niya.
4. Magkakatulad ang hanapbuhay ng mga tao
sa isang pamayanan
PAGGANYAK

Buoin ang sumusunod na mga linya sa


bawat bilang upang makabuo o
makagawa ng isang hugis.
PAGLALAHAD
Suriin ang larawan sa ibaba.
• Ang larawan ba ay nagpapakita ng iba’t
ibang uri ng linya?

• Ano-anong uri ng linya ang nasa larawan?

• Ang larawan ba ay nagpapakita ng


maraming hugis?
• Ano ang ibig sabihin ng pagkakaiba-iba ng
mga linya?

• Paano mo gagawin ang isang disenyo?


PAGTATALAKAY

Ang linya ay isa sa mga elemento ng


sining. Ito ay itinuturing na pinakasimpleng
paglikha ng biswal na sining. May dalawang
uri ng linya. Ito ay ang linyang tuwid at
linyang pakurba.
Sa paggamit ng linya ay marami kang
magagawa o mabubuo na sining kagaya ng
geometrikong disenyo
Ang isang artist ay puwedeng makagagawa
ng makahulugang mga disenyo sa
pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang uri
ng linya at hugis. Ito’y isang kasiya-siyang
gawain dahil malaya o libre mo itong gawin
at wala itong ibig iparating na kahulugan.
Makikita natin sa larawan ang iba’t ibang
uri ng linya. Ang dalawang uri ng linya, tuwid
at pakurba. Ang tuwid na linya ay maaaring
pahiga, pataas, pahilis, at putol-putol. Ang
pakurbang linya ay maaaring paalon-alon at
paikot. Ang isang linya ay maaaring makapal,
manipis, malawak, at makitid.
Ang mga disenyong geometric ay mula sa
simpleng hugis na parihaba, tatsulok, bilog, at
tuwid na linya.
Ang mga linya na ito ay ginagamit sa
paghahabi ng mga tela sa iba’t ibang etniko,
isa na dito ang mga (T’nalak of T’boli,
Ifugao, at iba pa) sa ating bansa.
PAGLINANG

Tukuyin ang mga bagay kung ito ba ay


tuwid na linya o pakurba na linya.
PAGLALAPAT

Tukuyin at iguhit ang tamang uri ng


linya sa sumusunod na salita.
1. kidlat
2. alon
3. ulan
4. bahaghari
5. poste
PAGLALAHAT

Paano nagagawa ng isang pintor na


maging kaakit-akit at makabuluhan ang
kaniyang likhang sining?
IKALAWANG ARAW
PAGLINANG

Basahin at unawain ang mga tanong.


Lagyan ng tsek (/) kung wasto ang
pahayag at ekis (X) kung hindi wasto
1. Ang linya ay isa sa pinakamahalagang
sangkap ng isang likhang sining.
2.Kapag pinagsama ang mahahaba at maiigsing
linya, makalilikha ng isang magandang
disenyo.
3.Ang mga pakurbang linya ay maaaring
paalon-alon, paikot at pahilis.
4. Ang isang linya ay maaaring makapal,
manipis, malawak at makitid.
5.Ang disenyong geometric ay malilikha mula
sa simpleng hugis na parihaba, tatsulok, bilog,
tuwid at pakurbang linya
PAGLALAPAT

Gumuhit ng isang disenyo gamit ang


mga uri ng linya. Bigyan ng puntos ang
iyong likhang sining base sa rubrik.
PAGLALAHAT

Paano nagagawa ng isang pintor na


maging kaakit-akit at makabuluhan ang
kaniyang likhang sining?
PAGTATAYA

Basahin at intindihin ang mga tanong.


Piliin ang tamang sagot at isulat ang
letra sa patlang.
1. Ang mga disenyong ____________ ay
mula sa simpleng hugis na parihaba, tatsulok,
bilog, at tuwid na linya.
A. geometric C. katutubo
B. Ifugao D. moderno
2. Ito ay nabubuo mula sa dalawang tuldok na
pinagkabit o pinag-ugnay.
A. guhit C. bilog
B. linya D. tuldok
3. Isa sa mga sumusunod ay hindi kabilang sa
pakurba na linya.
A. ruler C. circus
B. bola D. ulap
4. Uri ng linya na maaaring paalon-alon at
paikot.
A. tuwid na linya
B. zigzag
C. geometric
D. pakurbang linya
4. Uri ng linya na maaaring paalon-alon at
paikot.
A. tuwid na linya
B. zigzag
C. geometric
D. pakurbang linya
5. Ang isang linya ay maaaring makapal,
manipis,
malawak, at makitid.
A. malalim C. makitid
C. bago D. marami
Karagdagang Gawain

Gumawa ng isang iskrapbok.


Maghanap ng mga larawan na may geometrikong
disenyo mula sa lumang magasin o diyaryo. Gupitin
ang mga ito at idikit sa bond paper. Tukuyin ang
mga uri ng linya na makikita sa bawat larawan.
Sumulat ng dalawang pangungusap ukol sa iyong
ginawa.

You might also like