You are on page 1of 14

MAGANDANG

ARAW SA
INYUNG LAHAT
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

OPERIO JARABELO
CADANG DIVINAGRACIA
ORTEGA MAGALLANES
REVIEW
MUNA
TAYO Handa
Na Ba
Kayo?
Atin ng Simulan!
MAGKAKAROON
TAY O N G Mahalin natin ang sariling wika
DALAWANG
TA N O N G
Wikang Pambansa
MGA Wikang Opisyal

KASAGUTAN: Wikang Panturo

M A H A L A G A N G TAY O Y
MAKINIG SA MGA
R E P O RT I N G
BILINGGWALISMO
Si Saleeby (1924) ay nagpahayag na
walang higit pang makapagpapatimo sa
isipan na! Demokrasya kundi ang
katutubong wika. Hindi
mapaglilingkuran ang publiko sa isang
wikang hindi nila nauunawaan. Ang
tinutukoy nito ay ang katutubong wika
(Tagalog).
Noong panahon naman na sakop tayo ng mga Amerikano, ang
nanunungkulang Gov. George Butte mismo ang nakakita ng kahalagahan
ng paggamit ng vernakular na wika ng mga nasasakupan. Sang-ayon sa
kaniya, magiging mas mabisa ang magiging pamamalakad ng kahit
sinong lider o pinuno kung ang mga nasasakupan ay maalam sa kanilang
wikang vernacular. Wala na raw, ayon pa rin kay Gov. Butte, na magiging
higit na malinaw na pagpapaliwanag ng mga konseptong tungkol sa
politika liban sa paggamit ng vernakular.
- Kaya lamang, hindi ito naging matagumpay dahil sa nakalulungkot na
pangyayari na maaaring ang mismong nasasakupan ay mas ninais na
gumamit ng Ingles. Isa pa marahil na dahilan kung bakit hindi umiral ang
isipang ito ni Gov. Butte ay ang katotohanang hindi niya maisasantabi
ang wikang Ingles sapagkat misyon niya ang mapalaganap ito.
Naging maigting na isyu ang paggamit ng vernakular
bilang direktong wikang panturo, hindi lamang bilang
wikang pantulong (auxiliary language) sa pagtuturo.
Sa patakarang edukasyong bilingguwal (yaong
nasasakop ng unang kautusan hinggil dito na nasa DECS
Order No. 25, s. 1974), pinapayagan ang paggamit ng
vernakular ngunit bilang pantulong lamang kung
kinakailangan. Napapaloob kasi sa literatura ng
pagtuturo ng isang wikang banyaga o ng kahit anong
pangalawang wika (L2) na hindi maganda sa pag-aaral
nito ang palagiang pagsasalin sa, o paggamit ng unang
wika bilang pantulong.
Ayon sa isinasaad ng " The 1987 Policy on Bilingual
Education na isinulong noong Mayo 21, 1987 sa
pamamagitan ng DECS Order No. 52, s. 1987,
pinapayagan nang magamit ang wika sa mga rehiyon
bilang opisyal na mga wikang pantulong sa pagtuturo,
lalo na sa paglinang ng tinatawag na pangunahing
literasi.
Sa kabilang dako, may kautusang espesyal na para sa
Filipino lamang. Ito ay ang MEC Order No. 22, s.
1987. Sinasabi sa order na ito na base sa resolusyon ng
National Board of Education, sa antas tersarya,
magkakaroon ng anim na yunit sa Pilipino (ngayon ay
Filipino).
Ang wikang katutubo (ang Mother Tongue) ang siyang
ginagamit na wikang panturo sa mga bansang tulad ng
Alemanya, America, Britanya, at marami pang
progresibong mga bansa at ito marahil ang
makapagpapaliwanag kung bakit nauuna sila sa pag-aaral
at pagkatuto sa halos lahat ng mga bagay. (Jose Buhain,
June 4, 1997)
"Mabuting estratehiya ng pagtuturo ang gamit ng "Mother
Tongue" sapagkat epektibo ito sa proseso ng pag-aaral at
pagkatuto." (Bella Angara Castillo, Manila Bulletin, July
18, 1997) "Higit na mabilis ang pagkatuto kung ang
gagamitin ng mag-aaral ay ang wikang kinagisnan niya."
"Ang tunay na patakaran sa wika ay yaong
naglalayong makamit ang literasi at mataas na
antas ng kasanayang matuto ng maraming wika.
Ito ang dapat na pangunahing layunin ng isang
mabisang patakaran sa wika.” (Malaya,
February 24, 1992)
Narito ang ilang banyagang pananaw na pabor sa
katutubong wika. "Makabuluhang simulan ang
pag-aaral ng bata sa wikang kaniyang
kinagisnan. Sa ganito, hindi siya mabibigla at
madaling makakaagapay sa bago niyang
kapaligiran.
Tuloy, makatutulong ang magulang na gabayan ang pag-
aaral ng kanilang anak sapagkat ang wika ng paaralan ay
wikang sinasalita rin nila." (UNESCO).
"Ang nalinang nang "mother tongue" ay kritikal para sa
paglinang naman ng pag-iisip ng isang bata; mabisa rin
itong tulay/basehan ng kaniyang pag-aaral ng isang
pangalawang wika," (Tucker, 1997).
"Mabisang pantulong sa paglinang ng literasi ang wikang
katutubo." (Krashen, 1996).
Sa mga programang bilingguwal sa America, nakitang
mabisa at higit na mataas ang antas ng pagkatuto kung
ginamitan ng wikang katutubo ang panimulang pag-aaral
ng isang bata. (Christian, 1997)
MARAMING
SALAMAT
Maligayang
Pagkatuto!

You might also like