You are on page 1of 19

Central Luzon State University

Kolehiyo ng Sining at Agham Panlipunan

Departamento ng Filipino

“ Interpretasyon ng mga Mag-


aaral sa Unang Taon sa Ilalim ng
College of Arts and Social
Sciences Patungkol sa Pagpasa
ng SOGIE Bill ”
Barinki, Mark Jerome D.

De Guzman, Rhealyn P.

Echepare, Kacey Zelene M.

Estabillo, Aleia M.

Gaspar, Marc Sherwyn M.

Tanay, Jiro Nathaniel B.

BASS 1 - 1
Ang SOGIE Bill (Sexual Orientation and Gender Identity and
Expression), ay kilala rin sa ngalan na House Bill 258, SOGIE
Equality Act, Senate bill 159 o Anti-Discrimination Act na inilatag
ni Senator Hontiveros at ng Anak Bayan party list, na binibigyang
tuon ang karapatan ng lahat, lalo na ng mga nasa komunidad ng
LGBTQIA+.
Alinsunod sa panukalang Sexual
Orientation and Gender Identity and
Expression binibigyang saklaw ang kakayahan
at pantay na pagtingin sa karapatang
sekswal sa mga lesbyana, bakla, bisexual,
transgender at iba pa. Bukod pa dito, sakop ng
SOGIE bill ang mga babae at lalaki na
nakararanas ng diskriminasyon. Tungkulin ng
saligang batas na ito na bigyan ng pantay-
pantay na pagtingin pagdating sa kasarian ng
bawat isang indibidwal, estudyante man o
guro, propesyonal o hindi, anumang estado sa
buhay, nararapat lamang na mayroong pantay-
pantay na karapatan.
Paglalahad ng Suliranin
1. Anu-ano ang sosyo-demograpikong katangian ng mga respodente batay sa:
1.1. edad
1.2. kasarian
1.3. kurso
2. Anu-ano ang interpretasyon ng mga mag-aaral sa unang taon ng CASS
tungkol sa pagpasa ng SOGIE bill?
3. Anu-ano ang mga salik na nakaapekto sa pagbuo ng kanilang interpretasyon
ukol sa pagpasa ng SOGIE bill?
4. Anu-ano ang magiging kontribusyon ng mga nabuong intepretasyon ng mga
mag-aaral sa unang taon ng CASS sa SOGIE bill?
Kahalagahan ng Pag-aaral
• Sa mga susunod na mananaliksik.
• Sa komunidad ng LGBTQIA+
• Sa komunidad at unibersidad.
• Sa mga mambabatas.
• Sa mga susunod na mananaliksik.
KABANATA III

Pamamaraan at
Metodolohiya
Disenyo ng Pag-aaral
Kwantitatibong metodo ang napiling disenyo ng mas
madaling maipresenta ang nakuhang mga datos mula sa
tugon ng mga lumahok na respondente. Napili ang
ganitong disenyo upang organisadong mailarawan ang
pag-aanalisa ng mga mananaliksik base sa pagsagot ng
respondente sa talatanungan. Talatanungan ang gagamitin
sa pag-aaral na ito upang makuha ang kanilang mga tugon.
Mga mag-aaral sa unang taon sa ilalim ng CASS ang
napiling mga respondente para sa pananaliksik na ito.
Pagkuha ng Datos

Ang talatanungan o Online Questionnaire ay


isasagawa sa Google Form at ipapasa sa
kanilang social media accounts gaya na lamang
ng Facebook at Gmail. Sa paraang ito ay
makakalap ang kanilang tugon kahit hindi ito
isagawa personal.
Paraan ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa
sa taong-panuruan 2022-2023. Ang
mga napiling respondente ay ang
mga mag-aaral sa unang taon sa
ilalim ng CASS. Ang bilang ng mga
respondente ay limampu (50).
Pag-aanalisa ng Datos
• Sa pag-aanalisa ng datos, ginamit ng mga
mananaliksik ang frequency, weighted mean at
porsyente. Kinuha rin ang iba pang impormasyon
gaya ng edad, kasarian at kurso.
• Sa unang bahagi ng talatanungan ay gagamitan ng
frequency at porsyente. Sa pangalawa hanggang
huling bahagi naman ay gagamitan ng weighted
mean.
KABANATA IV
Presentasyon, Pagsusuri
at Interpretasyon
ng mga Datos
Talahanayan 1. Kurso ng mga respondente

Kurso Bilang Porsyento


BA Social Sciences 19 38%
BS Psychology 9 18%
BA Filipino 6 12%
BA Literature 4 8%
BS Development Communication 12 24%
Kabuuan 50 100%
Talahanayan 2. Edad ng mga respondente

Edad Bilang Porsyento


17 1 2%
18 12 24%
19 30 60%
20 5 10%
21 2 4%
Kabuuan 50 100%
Talahanayan 3. Kasarian ng mga respondente

Kasarian Bilang Porsyento


Male 27 54%
Female 21 42%
Others 2 4%
Kabuuan 50 100%
Talahanayan 4. Interpretasyon ng mga respondente tungkol sa pagpasa ng SOGIE BILL

Berbal na
MGA PANGUNGUSAP Mean Ranggo
Interpretasyon

1. Mga Kaibigan 3.86 Sumasang-ayon 4


2. Ang Kapamilya 2.72 Neutral 10
3. Sa Relihiyon 2.80 Neutral 9
4. Sa Komunidad 3.96 Sumasang-ayon 3
5. Mga Kaklase 3.98 Sumasang-ayon 2
6. Social Media 4.42 Sumasang-ayon 1
7. Gobyerno 3.16 Neutral 8
8. Telebisyon/dyaryo 3.32 Neutral 6
9. Mga pag-aaral/babasahin 3.18 Neutral 7
10.Mga Entertainment Media 3.60 Neutral 5
Overall Mean 3.50 Neutral
Talahanayan 5. Tugon ng mga respondente ukol sa mga salik na nakakaapekto sa pagbuo ng kanilang interpretasyon
MGA PANGUNGUSAP Mean Berbal na Interpretasyon Ranggo
1. Mababawasan ang diskriminasyon sa mga LGBTQIA+ 4.54 Lubos na Sumasang-ayon 6
2. Mas matatanggap sa lipunan ang mga LGBTQIA+ 4.50 Lubos na Sumasang-ayon 8.5
3. Malaking bagay ang SOGIE Bill para sa mga LGBTQIA+ 4.72 Lubos na Sumasang-ayon 1
4. Magkakaroon ng lakas ng loob na lumantad ng kanilang
4.46 Lubos na Sumasang-ayon 10
sekswalidad.
5. Nabibigyan ng kahalaghan ang karapatang pantao ng mga
4.68 Lubos na Sumasang-ayon 2.5
LGBTQIA+
6. Itinataas nito ang pantay-pantay na pagtingin para sa lahat. 4.68 Lubos na Sumasang-ayon 2.5
7. Mababago nito ang pananaw sa karapatang pantao ng mga
4.50 Lubos na Sumasang-ayon 8.5
LGBTQIA+.
8. Mapapalakas ang pagtatag ng ordinansa laban sa
4.52 Lubos na Sumasang-ayon 7
diskriminasyon.
9. Mas mapoproteksyunan ang lahat sa pagpasa ng SOGIE Bill. 4.58 Lubos na Sumasang-ayon 5
10. Mas mabibigyan ng oportunidad ang LGBTQIA+ sa lipunan. 4.62 Lubos na Sumasang-ayon 4
Overall Mean 4.58 Lubos na Sumasang-ayon
Talahanayan 6. Tugon ng mga respondent ukol sa magiging epekto ng nabuong interpretasyon sa pagpasa ng SOGIE BILL
MGA PANGUNGUSAP Mean Berbal na Interpretasyon Ranggo
1. Maaaring maging daan ito sa pagpasa ng 4.66 Sumasang-ayon 1
naturang batas.
2. Maaaring makapaghikayat ito sa mga hindi 4.32 Neutral 4
sang-ayon sa naturang batas.
3. Makatutulong ito upang mabawasan ang 4.62 Sumasang-ayon 2
diskriminasyon sa komunidad.
4.Tataas ang kompyansa sa sarili ng mga 4.52 Sumasang-ayon 3
kasapi sa LGBTQIA+
5. Lalaki ang mga ulo ng iilan sa mga 2.28 Hindi sumasang-ayon 7
miyembro ng LGBTQIA+
6. Maaari na sila na rin ang mangdiskrimina sa 2.04 Hindi sumasang-ayon 9
iba.
7. Mas pagtutuonan ng mga mambababatas 3.40 Neutral 5
ang naturang batas.
8. Maaaring hindi maipasa ang naturang batas. 2.50 Neutral 6
9. Mas lalong madiskrimina ang mga 2.16 Hindi Sumasang-ayon 8
LGBTQIA+.
10. Mas lalong hindi tanggapin ang mga 2.00 Hindi sumasang-ayon 10
LGBTQIA+ sa lipunan.
Overall Mean 3.25 Neutral
Konklusyon
1. Sa sosyo-demograpiko ng limampung (50) respondente ng
pananaliksik, karamihan ay babae. Sa edad naman, ang pinaka-madami
ay ang mga 19 taong gulang kung saan lampas sa kalahati ang sumagot.
At panghuli, sa kurso, ang mayoryang sumagot ay mga estudyante mula
sa kursong BA Social Sciences.
2. Tungkol sa interpretasyon ng mga estudyante tungkol sa pagpasa ng
SOGIE bill; Sa tingin ng mga estudyante ay mas magkakaroon ng
proteksyon laban sa diskriminasyon ang mga taong napapa-loob sa
LGBTQIA+ na komunidad. Kasama din nito ang maaaring mas malakas
na suporta at pagtanggap at pagkabawas ng pangamba ng mga taong
miyembro ng komunidad sa maaaring diskriminasyon.
3. Ang social media ang pinaka-primaryang pinagkukunan ng mga
estudyante ng datos tungkol sa SOGIE bill. Ito naman ay
sinusundan ng impormasyon galing sa kaklase, pangatlo sa
komunidad, at panghuli, mula sa mga kaibigan.
4. Tungkol sa maaaring ibang epekto ng SOGIE bill, ay maraming
hindi sumasangayon sa pahayag na “Lalaki ang mga ulo ng iilan sa
mga miyembro ng LGBTQIA+” sakaling maisapa ang batas. Hindi
rin naniniwala ang mga estudyante na maaari nang mangdiskrimina
ang mga taong parte ng LGBTQIA+ kung sakaling maipasa ang
SOGIE bill.
Rekomendasyon
Mula sa nabuong lagom at konklusyon,
ang mga mananaliksik ay naghain ng
rekomendasyon para sa ikauunlad ng
pag-aaral.
1. Palawakin ang magiging saklaw ng pag-
aaral.
2. Gumamit ng mas maraming bilang ng
respondente.
3. Piliin ang ibang disenyo ng pag-aaral para
sa ibang resulta ng pananaliksik.
4.Pumili ng iba pang lalahok na respondente
GROUP 10
Barinki, Mark Jerome D.
De Guzman, Rhealyn P.
Echepare, Kacey Zelene M.
Estabillo, Aleia M.
Gaspar, Marc Sherwyn M.
Tanay, Jiro Nathaniel B.
BASS 1 - 1

Maraming Salamat !!

You might also like