You are on page 1of 28

Modyul 1

ARALING PANLIPUNAN 10:


Kontemporaryong Isyu
Isyu at Hamong
Panlipunan
Ano ba ang ibig sabihin
ng Kontemporaryong
Isyu?
▪ Ang kontemporaryo
(contemporary) ay mula sa salitang
Latin na com na nangangahulugang
“may kasama” at temporarius mula
sa salitang tempus na ibig sabihin
ay “oras”.
Ano ba ang ibig sabihin ng
Kontemporaryong Isyu?
▪Ang salitang kontemporaryo (contemporary) ay
naglalarawan sa takdang panahon hanggang sa
kasalukuyan. Ito ay tumutukoy sa katangian na
nagpapakilala sa kasalukuyan habang ang salitang
isyu (issue) ay nangangahulugang mga pangyayari,
mga sigalot o problema na pinag-uusapan sa
lipunan. Kaya’t kung ating pagsasamahin, ang
kontemporaryong isyu ay mga usapin o pangyayari
na pinag-uusapan o pinagdedebatihan ng bansa na
sangkot ang bawat Pilipino. Mga halimbawa ng mga
kontemporaryong isyu ay may kinalaman sa
relihiyon, kalusugan, ekonomiya, pulitika at kultura.
Dalawang mahalagang pinagmumulan ng
impormasyon:
1. Primaryang Sanggunian – ibig sabihin ang
pinagmumulan ng impormasyon ay mula sa
orihinal na nagsulat o nakaranas ng pangyayari.
Ito ay ang mga babasahin na nagmula sa ating
mga ninuno, mga talambuhay, mga journal, mga
larawan o guhit.

Maaari ring mga kagamitan


ng mga sinaunang
pamayanan.
SINAUNANG KAGAMITAN
2. Sekondaryang Sanggunian – ang
pinagmulan ng babasahin ay hindi
nanggaling sa primaryang sanggunian at
maaaring magamit na batayan sa
kasalukuyan. Ilang halimbawa ay mga
libro, babasahin tulad ng dyaryo at akda.
MGA AKLAT
ANG LIPUNAN
▪ Ito ay tumutukoy sa mga taong
sama-samang naninirahan sa
isang organisado at
sistematikong lugar o
pamayanan. Sila ay may
pagkakaiba sa kani–kanilang mga
interes ngunit naniniwala sa
isang batas kaya’t nagkakaroon
ng kasunduan.
Maraming pilosopo ang nagpahayag ng kahulugan
ng lipunan at ang ilan sa kanila ay sina:
A. Emile Durkheim– Ayon kay Durkheim, ang lipunan ay isang buhay na
organismo na patuloy na kumikilos at nagbabago na kung saan
nagaganap ang mga pangyayari. Binubuo ng iba’t ibang institusyon na
nag-uugnay sa isa’t isa upang bumuo ng lipunan.
B. Isabel Panopio–Ayon sa kanya ang lipunan ay isang sistematikong
komunidad na binubuo ng balangkas at gampanin. Ang balangkas ay
tumutukoy sa organisasyon ng mga mamamayan na gagawa ng mga
batas upang sundin ng lipunan habang ang gampanin naman ay
tumutukoy sa kakayahan ng tao na gawin ang kanyang bahagi sa
lipunan.
C. Karl Marx–Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng interes sa
kapangyarihan. Ito rin ay kakikitaan ng hindi pagkakasundo dulot ng
pagkakaroon ng limitadong pinagkukunang yaman ng bansa. Bunga
nito, nagkakaroon ng hindi pantay na antas ng pamumuhay sa lipunan.
D. Charles Cooley – Ang lipunan ay magkakawing na ugnayan ng tao sa
kanyang kapaligiran. Mas nakikilala ng tao ang kanyang sarili sa
kanyang pakikisalamuha sa kanyang kapaligiran. Ang maayos na
pakikipag-usap ay isang paraan upang maging mapayapa ang
interaksyon ng bawat isa.
LIPUNAN

Institusyong Panlipunan
Kultura

A. Paniniwala
A. Institusyon
B. Pagpapahalaga
B. Social Group
C. Norms
C. Status
D. Symbols
D. Gampanin
 Ang unang bahagi ay
institusyong panlipunan. Ito ay
binubuo ng apat na elemento:
institusyon, social group, status
at gampanin. Sa bawat elemento
ay may kanyang–kanyang haligi
upang maging matatag ang
pagkakaunawa sa bawat isa.
Tingnan ang diyagram sa ibaba.
MGA ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN
1. INSTITUSYON- ito ay mga organisadong komunidad
na bumubuo sa isang lipunan. Ang institusyon ay
binubuo ng sumusunod:
A. Pamilya - ang pamilya ay ang pinakamaliit na bahagi
ng lipunan na kung saan ay nagsisimulang mabuo ang
isang pamayanan. Ang unang humuhubog sa bawat
sanggol na isinisilang sa mundo. Ang mga magulang
ang siyang unang guro ng mga bata. Ang tahanan ay
siyang ugnayan ng mga institusyong panlipunan.
B. Paaralan - ito ang lugar kung saan nahuhubog ang
kakayahan ng mga bata. Itinuturo rin sa paaralan ang
mga impormasyon sa pagitan ng tama o mali. Ito ang
institusyon na katulong na humuhubog sa karunungan
ng mga magaaral upang maging isang mabuting
mamamayan.
C. Ekonomiya - mahalaga sa bahagi ng ekonomiya ay ang
kakayahan ng bawat isa na maging bahagi ng lakas-
paggawa. Dito tinatalakay ang palitan ng serbisyo o
produkto ng mga prodyuser at konsyumer, demand at
supply. Pinag-aaralan din ang dami ng yamang-likas na
tugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga
mamamayan.
D. Pamahalaan - ang institusyon na nagtatalaga ng mga
batas para sa ikaaayos ng isang lipunan. Ito rin ang
siyang nakatalaga na tumulong sa mga nangangailangan
sa kanyang nasasakupan. Halimbawa ay ang paglalagay
ng tamang tawiran, pamamahagi ng mga impormasyon
ukol sa mahahalagang kaganapan sa bansa at marami
pang iba.
E. Pananampalataya - ang institusyon na sandigan ng
mga mamamayan, ang paghahangad na ligtas sa
maghapon maging sa trabaho o sa loob ng bahay. Ang
usaping panrelihiyon ay bahagi ng usaping panlipunan.
2. SOCIAL GROUP – ito ay ang mga institusyong
panlipunan na binubuo ng dalawa o higit pang
tao na may magkakaugnay na katangian at
nagkakasundo sa kanilang mga hangarin. Ito ay
nahahati sa dalawa:
A. Primary Group - ito ay kinabibilangan ng mga
taong malalapit sa iyo katulad ng pamilya,
kamag-anak o mga taong may impormal na
pakikipag-ugnayan tulad ng kaibigan o
kabarkada, habang ang
B. Secondary Group - kinabibilangan ng mga
taong may pormal na ugnayan sa isa’t isa
halimbawa ay kasamahan sa trabaho o
kapitbahay.
3. STATUS - ang status ay tumutukoy sa
posisyong kinabibilangan ng isang
indibidwal sa lipunan. Malaki ang
kinalaman ng status sa iyong
pagkakakilanlan sa lipunan. May dalawang
pagkakaiba sa status ng tao:
A. Ascribed Status - ito ay tumutukoy sa
iyong posisyon sa lipunan mula ng ikaw
ay ipanganak o isinilang.
B. Achieved Status - ito ay iyong posisyon
na dulot ng iyong pagsisikap o mga
pagbabago sa iyong buhay sa
mahabang panahon.
4.Gampanin (Roles) – ito ay tumutukoy
sa gawain, obligasyon,
responsibilidad at karapatan ng
indibidwal sa kanyang lipunan. Ang
bawat indibidwal ay may posisyong
kinabibilangan at nagtatalaga sa
kanyang gampanin para maging
bahagi ng lipunan. Halimbawa sa
kasalukuyan ay tinatanggap na natin
ang pagkakaroon ng househusband
maliban sa mga babaeng tinatawag
na housewife.
ANG KULTURA
▪ Ayon kay Margaret Andersen at Howard
Taylor, ang kultura ay isang
komplikadong sistema ng ugnayan na
nagbibigay–kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong
panlipunan sa kabuuan.
▪ Ito ay sistema o paraan ng pamumuhay
ng isang pamayanan na naniniwala sa
iisang ugnayan upang magkaroon ng
organisadong lipunan.
SOCIOLOGICAL
IMAGINATION
➢ Isyung Personal- maaaring
maituring na isang isyung
personal ang suliranin kung ito ay
sa pagitan ng isang indibidwal at
malapit sa kanya.
Ang mga tunggalian sa isyung
personal ay maaaring
masolusyonan sa kamay ng
indibidwal. Ito ay mga personal
na usapin.
Ang ilang halimbawa ay ang
sumusunod:
- a. ang pagkakaroon ng sakit ng
isang indibidwal
- b. ang kawalan ng baon ng
isang mag-aaral upang
makapasok sa paaralan
- c. ang pagiging late ng isang
mangagawa dahil sa hindi
nagising nang maaga
➢ Isyung Panlipunan - ang isang
isyung panlipunan ay suliranin na
kinakaharap ng lipunan. Ang mga
suliranin o isyung panlipunan ay mga
problema na kinaharap ng
sambayanan at pinagtutuunan ng
pansin ng pangkat ng tao o ng
pamahalaan. At ang solusyon sa mga
isyung ito ay lubhang makakaapekto
maging mabuti man o hindi sa
sambayanan.
- Ang ilan sa halimbawa ay ang
mga sumusunod:
a. ang malawakang traffic sa
EDSA at iba pang bahagi ng
Kamaynilaan;
b. ang pagkakaroon ng suliranin
sa basura sa lahat ng panig ng
bansa; at
c. ang problema sa kriminalidad
tulad ng nakawan, drugs at iba pa
Gawain 1. Panuto: Buoin ang tsart na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel. Maging gabay ang ilang sagot sa loob ng kahon. (10 puntos)
Gawain 2
I. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang A kung tama ang nilalaman ng una at
ikalawan pahayag; B kung tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa; C kung mali
ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa; D kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang
pahayag.

_____1. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
B. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan, mahalagang maunawaan ang bumubuo,
ugnayan at kultura ng isang lipunan.
_____2. A. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga taong may magkakawig na ugnayan
at \
tungkulin.
B. Dahil sa magkakawig na ugnayan at tungkulin ng mga tao sa isang lipunan, makakamit ang
kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan
_____3. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa matatag at organisadong sistema
ng ugnayan sa isang lipunan.
B. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil sa kabiguan ng isang institusyong
maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito.
_____4. A. Maituturing ang pamilya bilang isang halimbawa ng secondary group.
B. Tumutukoy ang secondary group sa mga indibiduwal na may malapit at impormal na ugnayan sa

isa’t isa.
_____5. A. Ang bawat indibiduwal ay may posisyon sa isang social group. Ang posisyong ito ay may
kaukulang gampanin o roles.
B. Ang hindi pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa isang social group ay
nakapagdudulot ng isyu at hamon na makaaapekto sa bawat isa sa nasabing grupo.
II. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap; kung ito ay mali, itama ang salitang may
salungguhit upang maiwasto ang nilalaman ng pahayag.

_________1. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng


pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan.
_________2. Ang paniniwala ay isang elemento ng kultura na
tumutukoy sa mga asal, kilos o gawi na nagsisilbing
pamantayan ng pagkilos sa isang lipunan.
_________3. Ang pagpapahalaga ay batayan ng pagkilos na
katanggap- tanggap sa grupo ng mga tao o lipunan sa
kabuuan.
_________4. Ang hindi pagsunod sa norms ng isang lipunan ay
may kaukulang kaparusahan o sanctions.
_________5. Ang kultura ay nagsisilbing paglalarawan sa isang
lipunan.
III. Panuto: Isulat sa patlang bago ang bawat bilang ang konseptong tinutukoy ng bawat pahayag.
____________________1. Tumutukoy sa mga taong sama –samang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
____________________2. Tumutukoy sa dalawa om higit pang taong may pagkakatulad na
katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang
ugnayang panlipunan.
____________________3. Tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang ugnayang panlipunan.
____________________4. Isang komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay – kahulugan sa
paraan ng pamumumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa
kabuuan.
____________________5. Nagsisilibing batayan ng mga asal, kilos, o gawi ng isang indibiduwal sa
lipunang kaniyang kinabibilangan.
____________________6. Tumutukoy sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing
pamantayan sa isang lipunan
____________________7. Ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit
dito.
____________________8. Tumutukoy ito sa kahulugan o paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at
tinatanggap na totoo.
____________________9. Uri ng social group, ito ay tumutukoy sa malapiy at impormal na ugnayan
ng mga indibiduwal at kadalasan ay mayroon lamang maliitna bilang (Hal. pamilya)
___________________10. Uri ng status na nakatalaga sa isang indibiduwal simula nang siya ay
ipinanganak at hindi niya kontralado (hal. kasarian)
THANK YOU!!!!

KEEP SAFE

You might also like