You are on page 1of 11

Menu ng

Pagkain
Katangian At
Kalikasan Ng Menu
Ng Pagkain
 Nakaayos ang mga ito batay sa uri ng pagkain, kung ito ba ay
pampagana, sabaw, kanin, panghimagas, ulam na gawa sa karne, isda o
gulay o kung ito’y mga inumin.
 Nakalagay
din sa menu ang halaga ng bawat isa upang makapili ang
mga mamimili ng kanilang gusto o kaya’y ng abot-kaya para sa kanila.
 Kung minsa’y mayroon ding kaunting paglalarawan sa mga pagkaing
nakalagay sa isang menu upang magka-ideya ang mga mambabasa
tungkol sa mga ito.
 Mayibang menu rin namang nagtataglay ng larawan ng mga pagkain o
inumin.
Nakalahad Sa Isang Resipi Ang Paraan

 Kadalasangnasa itaas na bahagi ang pangalan ng lutuin at kalimitan ding


may larawan itong kalakip upang higit na maging katakam-takam para sa
mga makakakita.
 Iniisa-isarin ang mga sangkap na kinakailangan kung saan nakalagay din
ang hinihinging sukat o dami para sa bawat isa.
 Detalyado ang pagkakasulat ng mga ito sapagkat dito nakasalalay ang
kalalabasan ng lulutuin.
 Kasunod nito, iniisa-isa rin ang bawat hakbang na kailangang sundin
sa pagluluto.
 Tiyak at malinaw ang pagkakalahadsa bawat proseso upang
masigurado ang tamang timpla, itsura at lasa ng lutuin.
 Sadyang mahalaga ang tiyak na paglalahad ng mga sangkap at proseso
ng pagluluto sapagkat ito ang susundin ng mga mambabasang ibig
sumubok sa pagluluto ng ng mga ito.
 Mainam na sundin ang bawat impormasyong nakasaad sa menu upang
matamo ang akmang kalalabasan ng anumang nais lutuin.

You might also like