You are on page 1of 36

PAGHAHAMBING SA MGA

SIMBOLO AT SAGISAG NG
IBA’T IBANG LALAWIGAN
SA SARILING RELIHIYON
KAHON NG TALASALITAAN

Galyon- ay isang uri ng barko na ginamit sa


kalakalan ng mga Espanyol sa panahon ng kanilang
pananakop sa Pilipinas.
Islam- ang relihiyon na kinikilala si Allah bilang
Diyos at tagasunod nito ay tinatawag na Muslim.
Kristiyanismo- ang relihiyon na kinikilala si Hesu
Kristo bilang Panginoon. Ipinalaganap ang
kristiyanismo (katolismo) ng mga Espanyol sa
panahon ng pananakop nila sa Pilipinas.
Piko- ang kagamitan na paghukay ng matigas na lupa
na kadalasang ginagamit sa minahan.
Vinta- ang uri ng Bangka na karaniwang ginagamit
sa ilang lalawigan sa Mindanao sa pangingisda at
transportasyon.
Kung susuruin ang mga simbolo at sagisag ng mga
lungsod o lalawigan sa isang rehiyon, mapapansin
na may pagkakaiba at pagkakatulad ang mga
larawan nito.
Nagkakatulad ang mga simbolo batay sa
pagkakatulad ng kanilang kasaysayan, mga
natatanging likas na yaman, mga pangunahing
pananim o produkto, at lokasyon ng mga ito.
National Capital Region (NCR)
Pagkakatulad ng Ilang Simbolo

1. Ang Caloocan, Malabon, Muntinlupa, Parañaque,


Pasay, Pasig, Quezon City, San Juan, at Valenzuela
City ay may pagkakatulad sa kanilang mga simbolo,
Magkakapareho ang mga ito na may mga kulay na
asul sa kanilang mga simbolo. Magkakapareho ang
mga ito na may mga kulay na asul sa kanan at pula sa
kaliwa na kumakatawan sa bandila.
2. Ang Pasig City at Maynila ay may larawan ng
Pasig River dahil ang ilog na ito ay dumadaloy sa
parehong lungsod.
3. Sa mga simbolo ng Malabon City at Navotas City
ay may larawan ng isda sapagkat pangunahing
ikinabububay ng dalawang lungsod ang pangingisda.
4. Ang mga larawan ng mga gusali sa mga simbolo
ng Taguig, Paranaque, Navotas, at Makati City at
kapuwa sumisimbolo sa pag-unlad ng mga lungsod.
5. Parehong makikita sa mga simbolo ng Valenzuela
at Pasig City ang mga larawan ng pabrika na
sumasagisag sa mauunlad na industriya ng mga
pagawaan ng iba’t ibang uri ng mga produkto.
Cordillera Administrative Region (CAR)
Pagkakatulad ng Ilang simbolo

 Ang mga simbolo ng Abra, Apayao, Benguet,


Ifugao, Kalinga, at Mountain Province ay may mga
larawan ng palayan na sumasagisag sa pangunahing
kabuhayan ng mga lalawigan- ang Pagsasaka.
Rehiyon I (Ilocos Region)
Pagkakatulad ng Ilang Simbolo

Ang mga simbolo ng mga lalawigan ng La Union,


Ilocos Sur at Ilocos Norte ay makikita ang Tabako
bilang yan ang pangunahing pinagkukunan nila ng
hanapbuhay.
Makikita din ang palay sa simbolo ng Ilocos Sur at
Ilocos Norte sapagkat ito ang pangunahing
pananim sa lugar.
 Sa mga simbolo ng Pangasinan at La Union ay
parehas may alon ng dagat dahil sila ay nakaharap
sa West Philippine Sea at pangingisda ang
pangunahin nilang hanapbuhay.
Rehiyon II (Cagayan Valley)
Pagkakatulad ng ilang simbolo

 Lahat ng simbolo ay may palay dahil ang


pangunahing kabuhayan sa kanilang lugar.
Ang Quirino at Cagayan ay may mais, palay, at
tabako sa kanilang simbolo na sumasagisag sa
pangunahing produkto ng kanilang lugar.
Rehiyon III (Central Luzon)

You might also like