You are on page 1of 6

Dallot

Bahagi ng tradisyong oral ng mga


Ilokano ang dállot, isang uri ng
paawit na sagutan. Sa ilang bayan,
binabaybay itong “dal-lot” o kayâ
“dalot.” Maaaring dalawa o higit
pang mannallot ang maging
bahagi ng isang dallot.
Dallot ti Pangasasawa (dallot ng pag-aasawa).

May apat itong bahagi:


Una, ang “pauli” (panliligaw).

Pangalawa, ang “panangdarakdek ken panang-


galot” (pamamanhikan).

Pangatlo, ang “panang-ikamen” (ritwal sa


banig).

Pang-apat, ang “pammagbaga” (paggabay).


Sa “pauli,” iniimbitahan ng pamilya ng babae Matapos ang kasal at kainan, isina-sagawa ang ikatlong
ang pamilya ng lalaki sa bahay. Iinom ang bahagi ng Dallot ti Pangasasawa, ang “panang-ikamen.” Sa
dalawang pamilya ng basi bago magsalita ang
nasabing bahagi, inihahayag ng ba-bae ang kaniyang
representante ng lalaki sa hangarin nitong
maging asawa ang babae. Magpapasubali ang naisin na maprotektahan ang pamilyang sisimulan nilá ng
pamilya ng babae na ibibigay lámang ang kaniyang asawa. Matapos nitó, tatang-gapin ang mga
kamay kanilang kamag-anak kung bagong kasal ng kanilang mga pamilya. Nagkakaroon din
makapagbigay ng mga regalo ang pamilya ng ng dallot hinggil sa hindi kanais-nais na ugali ng mga
lalaki. bagong kasal.

Sa susunod na pagkikita, isinasagawa ang


“panangdarakdek ken pananggalot” at
humihingi ng paumanhin at tawad ang Sa hulíng bahagi ng dallot, ang “pammagbaga,”
pamilya ng lalaki dahil bigo nitóng maibigay nagbibigay ng payo ang matandang babae at lalaki sa
ang mga hiniling ng pamilya ng babae. bagong kasal. Hábang isinasagawa ang mga dallot,
Magpaparinig ang pamilya ng babae sa maaaring sabayan ito ng sayaw na tinatawag na
nagawang pagkukulang at sa mga linyang ito, “arikenken.”
naipaparamdam na ng mga mannallot ang
tonong pabiro at mas magaan na pakiramdam
kaysa seryoso at kalkuladong tono ng
naunang bahagi. Tatanggapin ng pamilya ng
babae ang regalong bigas, bulak, niyog at bao
ng niyog.
arikenkén

Isang tradisyonal na sayaw ng mga Ilokano ang arikenkén. Sa ibang bahagi ng Hilagang Luzon,
tinatawag itong pandánggo. Malimit na tuwing pista isinasagawa ang arikenken sa harap ng maraming
manonood.

Sa sayaw na ito, isang pares na lalaki at babae ang tila gumagawa ng pagpapakahulugan sa naririnig
niláng sinasabi ng awit na dállot. Naghahabulan ang lalaki at babae sa entablado batay sa takbo at
daloy ng ibinabahaging berso. Walang tiyak na kilos sa pagsasayaw ng arikenken maliban sa
ginagawang pang-aakit ng babae at ang pagtatangkang makuha ng lalaki ang panyong nakasabit sa
balikat ng babae. Nagiging katatawanan ito sa mga tagapanood kapag nahihirapan ang lalaki na
makuha ang babae o kung malayòng-malayò ang interepretasyon ng mga mananayaw sa bersong
pinakikinggan.

Isa na sa matatandang uri ng sayaw ang arikenken. Nagiging iba ito sa mga tradisyonal na sayaw ng
bansa, gaya ng kumintang at ng pandanggo sa ilaw, sinasayaw ito sa saliw ng isang uri ng sining, ang
dallot.
Thank You!

You might also like