You are on page 1of 13

Wastong Gamit ng Gitling

Camba, Mina, Reyes


Gitling ( - )

Maikling guhit na inilalagay sa pagitan ng


dalawang pantig na pinaghahati, sa pagitan ng
tambalang salita, o sa dalawang salitang
pinagkakabit.
Gitling ( - )

1. Kapag umuulit ang salitang-ugat o ang mahigit sa


isang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa: hawak-hawak, paulit-ulit, dahan-dahan


Gitling ( - )

2. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang


nilalapian ay nagsisimula sa patinig na nagkakaroon ng ibang
kahulugan kapag hindi ginigitlingan dahil na rin sa
pagkakabigkas.

Halimbawa: may-ari, nag-angat, pinag-uusapan


Paalala:
Huwag maglagay ng gitling kapag ang unlapi ay
nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay
nagsisimula rin sa katinig.

Mali: Tayo nang mag-sulat.


Tama: Tayo nang magsulat.
Gitling ( - )

3. Kapag ang panlapi ay dinudugtungan ng salitang Ingles.

Halimbawa: na-realize, mag-set, nag-jogging


Gitling ( - )

4. Kapag ang tanging ngalan ng lugar, tao, simbolo, brand o


tatak ng isang bagay o kagamitan ay may unlapi.

Halimbawa: taga-Cebu, maka-Duterte, nag-Downy


Gitling ( - )

5. Kapag ang dalawang salita ay pinagsama at ang katagang


nasa pagitan nito ay nawawala.

Halimbawa: away-bati (away at bati), bahay-ampunan


(bahay na ampunan)
Gitling ( - )

6. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero.

Halimbawa: ika-100 na anibersaryo, ika-25 na araw


Gitling ( - )

7. Kapag pinagsama ang apelyido na isang ginang at ang


kanyang naging asawa.

Halimbawa: Gng. Debbie dela Cruz-Villavicencio, Jocelyn


Marquez-Araneta
Gitling ( - )

8. Kapag ang isang praksyon ay isunulat nang patitik.

Halimbawa: dalawang-katlo, isang-kapat, tatlong-kawalo


Gitling ( - )

9. Kapalit ng salitang “hanggang” o “o kaya ay” sa isang


panukat ng rekado, haba ng oras, o panahon.

Halimbawa: 3-5 kutsarita, 4-6 butil, 23-30 minuto, 2-3


buwan
Wakas

You might also like