You are on page 1of 28

QUARTER 1

WEEK 3
ARALIN

Pagpapakita ng
Kawilihan at
Positibong Saloobin
QUARTER 1 WEEK 3
LAYUNIN
Nakapagpapakita ng kawilihan at
positibong saloobin sa pag-aaral
3.1. pakikinig
3.2. pakikilahok sa pangkatang gawain
3.3.pakikipagtalakayan
3.4. pagtatanong
3.5. paggawa ng proyekto (gamit ang anumang technology tools)
3.6. paggawa ng takdang-aralin
3.7. pagtuturo sa iba
EsP5PKP – Ic-d - 29
Edukasyon ang Susi sa Tagumpay
ni: Carolyn I. Chavez

Sa pagtuntong natin sa paaralan,


Maraming kaalaman ating
matututunan,
Lahat ay kikintal sa’ting isipan,
Kung uunawain at pagtitiyagaan.
Mga aralin man ay may
kahirapan,
Bakit silang nauna kanilang
nalampasan?
Kung nakaya nila ay atin ding
kaya!,
Lahat matatapos, pasasaan ba?
Pangarap sa buhay na tugatog ng
tagumpay
Hindi makakamit kung hindi mag-
aaral,
Doktor, guro, abogado, inhenyero
at piloto,
Sunog-kilay lagi na at hindi
humihinto
Kapag may tiyaga ay may nilaga,
Ganyan sa pag-aaral ,kailanga’y
magbata,
Disiplinang matatag, positibong
pananaw
Ang handog sa atin, maayos na
buhay.
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano-ano ang mga natututunan natin sa paaralan?
2. Paano ninyo natututunan ang mga araling
itinuturo ng guro?
3. Magbigay ng sariling opinyon tungkol sa
isinasaad ng ikalawang saknong.
4. Ano ang magsisilbing susi ng bawat isa upang
makamit ang tagumpay?
5. May kahalagahan ba ang pagkakaroon ng
positibong pananaw sa pag-aaral? Ipaliwanag ang
kasagutan.
Q1 W3
DAY 2
Ang kaalaman o knowledge ay ang
mga impormasyong taglay ng tao.
Tinatawag din itong kabatiran o
karunungan. Nakukuha ang mga
ito sa pamamagitan ng pag-aaral o
pagkakaroon ng karanasan.
Ang mga sumusunod ay ilan sa maaari mong
gawin upang mas higit na matuto at magkaroon
ng mga kaalaman:
Maglaan ng tiyak at sapat na oras
sa pag-aaral
Magkaroon ng kawilihang
magbasa at gawin ang mga gawain
Maging matiyaga sa mga aralin
kahit na nahihirapan
Gumamit ng iba’t-ibang sources o
pinagmumulan ng mga
impormasyon maliban sa modyul
Magtanong sa ibang
mapagkakatiwalaan at pababahagi
Sa kabilang banda, nakalulungkot isipin na
maraming batang tulad mo ang hindi
pinahahalagahan ang pag-aaral. Mas pinipili
nilang sayangin ang kanilang oras sa paglalaro
at iba pang hindi mahahalagang bagay. Ang iba
naman ay sadyang tinatamad o hindi naman
kaya ay walang gana sa pag-aaral. Hindi ka
dapat tumulad sa kanila.
Sinasabing ang kaalaman ay kapangyarihan sapagkat
kung mayroon ka nito, maiiwasan mong maging biktima
ng panloloko. Dahil marami kang alam, maaari ka na ring
makapagbahagi. Makararating ka rin sa maraming lugar
na hindi mo pa napupuntahan dahil sa iyong pagbabasa.
Matutuklasan mo rin ang maraming bagay kapag ikaw ay
may karunungan. Ang espesyal na kakayahang ito ang
magdudulot sa iyo ng magandang kinabukasan.
Makakamtan mo ang iyong mga pangarap.
Q1 W3
DAY 3
PANGKATANG-
GAWAIN
Q1 W3
DAY 4
Panuto: Sagutin ang palaisipan o crossword sa ibaba mula sa natutuhan tungkol sa pgakakaroon ng kaalaman.
Gamitin ang mga deskripsiyon upang matukoy ang kasagutan.

1. espesyal na kakayahan = KA _A_G_A R_H_N


2. katuwang ng tiyaga = S_PA _
3. pagbibigay sa iba = I _AH_G_
4. pangarap = M _T _ I _N
5.ang pagbabasa ay isang pagla= L_KB_Y
6. pagbibigay importansiya = H _L_G_
7. kasama ng salitang sipag = T_Y_GA
8. maghanap ng sagot = S_L_KS_K
9. pagiging masaya sa pag-aaral = K_W_L_H_N
10. kabaliktaran ng negatibo = P_S_T_BO
Panuto:Basahin at unawain. Isulat ang Tama kung ang nakasaad ay pagpapakita
ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral. Isulat naman ang Mali kung
hindi.

____11. Nakipagtalakayan si Aiza sa kamag-aral na si Emily gamit ang


cellphone. Pinag-usapan nila ang tungkol sa mga aralin.
_____12. Hindi sinunod ni Ruben ang payo ng nanay at guro na ipagpatuloy
ang pag-aaral. Tuluyan na siyang huminto.
_____13. Itinuturo o ibinabahagi ni Marvin sa nakababatang kapatid na si
Anchie ang natututuhan niya.
_____14. Gustong-gusto ni Amara na maglaro ng teacher-teacheran.
Pangarap niyang maging guro upang maturuan ang ibang bata.
_____15. Nagmamaktol o ‘di kaya’y umiiyak si Biboy tuwing sinasabihan ng
tatay na magsimula ng mag-aral gamit ang mga modyul.
Panuto: Panuto: Iguhit ang masayang mukha sa patlang bago ang bilang kung
ang pangungusap ay nagsasaad ng positibong saloobing at malungkot na mukha
naman kung hindi

______16. Nasira ng bagyo ang bahay nina Aira.


Nabasa ang kanilang kagamitan kasama na ang
gamit niya sa eskwela. Pumasok siya sa paaralan na
plastic ang lalagyan ng naisalba niyang ilang gamit.
______17. Maagang naulila sa ama si Nora. Panganay
siya sa magkakapatid. Kahit mahirap, nagtitinda siya
ng sampagita sa araw na walang pasok upang
matustusan ang kanyang pag-aaral.
______18. Lumabas ang guro nina Daria at naiwan silang
walang bantay sa silid-aralan. Sa halip na ituloy ang gawain
nag-ingay ang kanyang mga kaklase pero hinayaan niya
ito.
______19. May bagong kaklase sina Peter mula sa Iloilo at
hirap itong magsalita ng Tagalog. Tuwing bakanteng oras
42 ay tinuturuan niya itong bumigkas ng salitang Tagalog at
ipinaliliwanag ang kahulugan nito.
______20. Malapit na ang pasukan ngunit hindi pa
kumpleto ang gamit ni Berna sa pag-aaral. Kinuha niya ang
mga bakanteng pahina ng mga luma niyang notebook at
pinagsama-sama ito upang makumpleto ang gagamitin niya.
Q1 W3
DAY 5
Retrospect Batang Batangueno
Panuto:Iguhit ang gusto mong maging sa hinaharap. Ilahad ang iyong mga
gagawin upang matupad mo ang pangarap na ito. Gawin ito sa malinis na
bondpaper.
ANG AKING PANGARAP MGA GAGAWIN UPANG MATUPAD
ANGPANGARAP

______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

You might also like