You are on page 1of 25

Katuturan at mga

Hakbang ng
Akademikong Pagsulat
(GROUP-3)
Akademikong Pagsulat

• Ito ay isang pormal at


sistematisadong paraan ng pagsulat
na sumusunod sa mga tuntunin at
pamantayan ng akademikong
komunidad.
Ang Akademikong Pagsulat ay Binubuo ng:

Tiyak na paksa at layunin


Malinaw ang pagkasulat at may
sinusunod na estraktura
Pormal ang tono at estilo ng
pagsulat
May binubuong ideya o
argumento
Sinusuportahan ng datos at
ebidensya
May tiyak na Paksa at Layunin

-Ang paksa ay karaniwang nakaugnay sa isang larangang akademiko o


disiplina. Kailangang tiyak ang paksa upang mapalalim ang patalakay rito.

Halimbawa:
• Ang tradisyonal at bago sa mga kanta ng isang kilalang rap artist.
Malinaw ang pagkasulat at may sinusunod na estraktura

-Mga nabuo nang mga kumbensiyon sa akademikong pagsulat.

Halimbawa:

Introduksiyon, katawan, at kongklusyon.


Pormal ang tono at estilo ng pagsulat

-Ang estilo ng pagkasulat ay iba sa pang-araw-araw na paraan ng paggamit


ng wika dahil pormal ang estilo ng pagkasulat .

Halimbawa:

• Paggawa ng pananaliksik.
May binubuong ideya o argumento

-Inaasahan na ang akademikong pagsulat ay hindi lamang


inuulit ang dati nang nasabi o nasulat.

-Sentral rin na aspekto ng akademikong pagsulat ang


pagdedebelop ng orihinal na ideya o argumento.
Sinusuportahan ng datos at ebidensya

-Isa sa pangunahing katangian ng akademikong pagsulat ay paggamit ng


mga ddatos at ebidensya para suportahan ang binuong mga ideya.

-Maari ding bunga ang mga datos na ito ng pinag-isipan at maayos na


metodo ng pananaliksik at pag-alam.
Hakbang at Aspekto ng
Akademikong Pagsulat
Pagtiyak sa Paksa at Layunin ng Pagsulat

• Ang pagsagot sa suliranin tungkol sa paksa ang


pangunahing layunin ng papel. Ito rin ay susi sa
pagkakaroon ng tiyak na tuon o pukos ng tekstong
akademiko ang paglilimita ng paksa. Kung masyadong
malawak ang paksa, may posibilidad na maulit lamang
ang mga nasabi na tungkol sa paksang ito.
Paksa Nilimitahang Paksa Paraan ng Paglilimita ng Posibleng Suliranin ng
Paksa Paksa

Panitikang Pambata Kuwentong pambatang Tumutukoy ng isang tema Paano tinatalakay sa mga
tumatalakay sa kasarian lang ng mga kuwentong kuwentong pambata ang
pambata usapin ng kasarian

Comic Strip sa Comic Strip na A. Lipin ni Tumitiyak ng isang Ano ang pananaw sa
Pahayagan Jess Abrera particular na halimbawa ng lipunan na lumilitaw sa
comic strip sa pahayagan comic strip na A. Lipin ni
Jess Abrera
Kapaligirang Relasyon ng mga Tumutukoy ng isang Paano tinitingnan ng mga
Pantubig mangingisda sa Lawa ng kongkretong halimbawa ng mangingisda ang
Laguna kapaligirang pantubig (Lawa karaniwang relasyon sa lawa
ng Laguna) at aspekto nito ng Laguna
(relasyon ng tao sa lawa)
Paggamit ng mga Datos o
Ebidensya
• Ang akademikong pagsulat ay
gumagamit ng mga mapgkakatiwalaang
datos at ebidensiya. Dito ibinabatay ang
pagbuo ng mga ideya o argumento.
Paghalaw Pagbubuod Paglalagom Pagsipi
(Paraphrase) (Summary) (Synthesis) (Quoting)
1. Layunin Ipahayag sa sariling Ipahayag ang isang Pag-ugnayin ang mga Kopyahin ang eksaktong
ideya mula sa ilang pahayag mula sa isang
pananalita ang isang bahagi ng teksto o ang
sanggunian; kinokopya ito
bahagi ng teksto buong teksto nang mas sanggunian
dahil nakapahalaga nito at
maikli kaysa sa orihinal mabisa na ang
pagkapahayag nito

2. Estilo ng Pagsulat Ipinapahayag sa sariling Pinaikli ang teksto sa Tumutukoy ng Katulad lang ng
paraan ang bahagi ng pamamagitan ng magkakaugnay na pinagkopyahan,
tekstong hinahalaw; pagtatampok sa mga
ideya mula sa iba-ibang kasama na ang mga
maaaring gumagamit ng pangunahing ideya o
sanggunian at mali na puwedeng
ibang salita at ibang impormasyon; walang
estruktura ng pahayag ibang materyal na ipinapahayag ito sa dugtungan ng [sic]
idinaragdag sariling paraan

3. Haba Iba-iba Mas maikli Mas maikli sa mga Tulad din ng orihinal na
tekstong nilagom teksto; puwedeng
tanggalin ang hindi
mahalagang bahagi at
ginagamit ang ellipsis (…)
para ipahiwatig ang
tinanggal na bahagi

4. Estruktura Maaring sariling Maaring sariling Maaring sariling Katulad ng orihinal


estruktura na iba sa estruktura at iba sa estruktura at hindi sa na teksto
5. Nilalaman Pinipili lang ang Pinipili lang ang Pinipili lang ang Pinipili ang bahagi
bahagi ng bahagi ng teksto mga bahagi ng ng orihinal na
tekstong muling na itatampok; iba-ibang tekstong teksto; puwedeng
ipapahayag sa maari ding pinag-uugnay tanggalin ang
sariling pananalita lagumin ang ilang bahagi gamit
buong teksto ang ellipse (….)
6. Bilang ng Isa Isa Dalawa o higit pa Isa
Sanggunian

7. Pagkilala Gumagamit ng in- Gumagamit ng in- Gumagamit ng in- Gumagamit ng in-text


text citation o text citation o text citation o citation o
talababa/tala talababa/tala talababa/tala talababa/tala
(footnote/endnote)
(footnote/endnote) (footnote/endnote) (footnote/endnote)
Gumagamit din ng
panipi para sa buong
materyal na sinipi;
block quotation kung
mahaba (walang
panipi)
Paggamit ng iba’t ibang paraan ng paglahok ng datos at ebidensya sa isang tekstong akademiko:

Paghalaw (Paraphrase)
 Muling ipahayag sa sariling pananalita ang bahagi ng tekstong hinahalaw.
 Tiyakin ang mahalagang ideya depende sa layunin ng pagsulat.
 Isulat ang ideya gamit ang sariling mga salita; panatilihin ang ilang susing salita ng
orihinal.
 Kilalanin pa rin ang pinagmulan ng ideya kahit na ipinahayag ito sa sariling
pananalita.
 Kapag ilalahok ang halaw sa sulatin, kailangang linawin kung bakit mahalaga
ideyang nakalap.
 Iwasang gumamit ng maraming salitang galling sa orihinal na teksto.
 Magpokus sa ideya at iwasan ang maraming detalye mula sa orihinal na teksto.
Pagbubuod (Summary)
 Isulat ang mga pangunahing ideya o impormasyon ng tekstong binubuod.
 Paikliin ang tekstong binubuod gamit ang sariling pananalita at ipakita
ang pagkakaintindi sa teksto.
 Iwasan ang pagbanggit sa maraming detalye na hindi naman kailangang
masama sa buod.
 Kilalanin pa rin ang pinagmulan ng ideya kahit na ipinahayag ito sa sariling
pananalita.
 Kapag ilalahok na sa sulatin ang buod, kailangang linawin kung bakit
mahalaga ang tekstong binuod.
Paglalagom (Synthesizing)
 Pag-ugnayin ang mga impormasyon at ideya mula sa iba’t ibang
magkakaugnay na teksto.
 Sulatin ang paglalagom sa sariling pananalita.
 Huwag talakayin ang mga teksto nang magkakahiwalay. Kung Gawain iyon,
para lamang itong pagbubuod. Ipangkat o pagsamahin ang
magkakaugnayna ideya.
 Kilalanin ang mga pinagmulan ng mga impormasyon o ideyang nilagom.
 Paglilinaw: Ang paglalagom ay ginagamit dito bilang katumbas ng
synthesizing. Maaaring may ibang paggamit ng salitang lagom o
paglalagom bilang katumbas ng summary.
Pagsipi (Qouting)
 Kopyahin nang eksato ang bahaging nais sippin.
 Kung may salita o mga salitang tatanggalin, gumamit ng ellipses (…)
kapalit ng bahaging tinanggal.
 Lagyan ng panipi ang siniping pahayag; kung mahaba ang sipi, ihiwalay ito
sa pamamagitan ng block quotation sa pamamagitan ng pagpapaliit ng
mga letra at paglalagay nito sa gitna ng pagitang pangungusap.
 Kilalanin ang pinagmulan ng sipi.
 Kapag ilalahok na sa sulatin ang sipi, kailangang linawin kung bakit
mahalaga ang tekstong sinipi.
 Iwasan ang napakaraming pagsipi sa isang sulatin.
Ekstruktura ng Sulatin

Sa pagpaplano ng
pagsasaayos ng mga datos
at ebidensya, mahalagang
isaalang-alang ang
sumusunod:
• Una, layunin ng papel.
-Pagsunod-sunurin ang mga datos at ebidensiya ayon sa paraang
makapagsusulong ng layunin.

• Ikalawa, ang mga datos at ebidensiya.


-Pagpangka-pangkatin ang mga datos at ebidensiyang nakuha sa
pagbabasa at pananaliksik ayon sa mga ideyang lumilitaw sa mga ito.

• Ikatlo, pagbuo ng pangunahing ideya o argumento.


-Sa pagbabasa, pagrepaso,pagsusuri, at pagninilay sa mga datos at
ebidensiya, inaasahang unti-unting mabubuo ang pangunahing ideya o
argumento tungkol sa paksa.
Tatlong Pangunahing Bahagi
ng Tekstong Akademiko:

• Introduksiyon
• Katawan
• Kongklusyon
Introduksiyon
Pagpapakilala ng paksa

Pagpapaliwanag sa konteksto kung bakit tinatalakay ang


paksa

Pagtiyak sa espesikong aspesikong aspekto ng paksa o


suliranin sa saliksik na sisiyatin sa pag-aaral

Pag-iisa-isa sa mga tiyak na layunin ng pag-aaral


Katawan
Pagdebelop sa paksa o pagtuklas sa sagot sa suliranin ng pag-
aaral
Pagpapaliwanag sa mga pangunahing salita o konsepto o
teoryang aangklahan ng pag-aaral
Pag-uugnay ng pag-aaral sa mga naunang pag-aaral
Pagpapaliwanag sa metodo ng pag-aaral o sa paraan o dulog sa
pagsusuri
Paglalahad ng mga datos, ebidensiya, patunay, o katwiran
Pagsusuri sa mga datos, ebidensiya, patunay, o katwiran
Pagsasakatuparan ng mga tiyak na layunin ng pag-aaral
Pagbuo ng pangunahing ideya o argumento ng pag-aaral
Kongklusyon
Paglagom ng mga pangunahing ideyang dinebelop sa
pag-aaral

Pagpapaliwanag sa implikasyon sa larangan o sa lipunan


ng mga natuklasan sa pag-aaral

Pagtukoy sa iba pang aspekto ng paksang puwedeng


pag-aralan
Maraming Salamat

You might also like