You are on page 1of 7

Paksa: MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

LAYUNIN: Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang
uri ng tekstong binasa
PANIMULA

“Hiwaga ng karunungan matutuklasan, kung ang pagbasa ay pahahalagahan.”

Sa nakaraang aralin, isa-isang tinalakay ang iba’t ibang antas ng pagbasa. Lahat ng
antas ay pinagdadaanan ng mambabasa upang makamit ang pinakamataas na uri ng
pagbasa, ang sintopikal na pagbasa. Higit pa sa komprehensiyon o pag-unawa sa
tekstokinakailangang maging mapanuri at kritikal sa anomang uri ng pagbasa.

BAGO MAGBASA
• Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng tekstong babasahin.
• Ang pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto ay mahalaga upang malaman ang estratehiya sa
pagbasa batay sa uri at genre ng teksto o kailangan ba ito ayon sa itinakdang layunin sa pagbasa.
• Kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin
sa larawan, pamagat, at pangalawang pamagat sa loob ng aklat.
• Sa bahaging ito, iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at kaligirang kaalaman upang lubusang
masuri kung anong uri ng teksto ang babasahin.
• Nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan ang isang teksto batay sa
isinagawang pagsisiyasat.
• Ito ang pagsisimula ng kognitibong proseso.

HABANG NAGBABASA

• Nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng kognisyon habang nagbabasa.


• Sa bahaging ito, sabay-sabay na pinapagana ng isang mambabasa ang iba’t ibang kasanayan upang
lubusang maunawaan ang teksto.
• Ang mga naunang tanong at prediksyon ng mambabasa bago magbasa ay pinanghahawakan niya upang
panatilihin ang pokus sa aktibong pag-unawa sa binabasa.
• Habang nagbabasa, lumalawak at umuunlad ang bokabularyo ng mambabasa.
PAMAMARAAN SA EPEKTIBONG PAGBASA

Pagtantiya sa Biswalisasyon ng Pagbuo ng Paghihinuha


bilis ng pagbasa binabasa koneksiyon
Gamit ang mga impormasyon mula
Binabago-bago ng Pagpapayaman ng Pag-uugnay ng impormasyon
mambabasa ang bilis o bagal sa teksto at imbak na kaalaman,
ugnayan sa pagitan ng mula sa teksto at imbak na
ng pagbasa batay sa hirap ng bumubuo ang mambabasa ng mga
teksto at imbak na kaalaman upang bumuo ng
teksto at personal na imahen sa kanyang isip habang
kaalaman upang matiyak mga pahiwatig at kongklusyon
kakayahan sa pagbasa. nagbabasa.
ang komprehensiyon. sa kalalabasan ng teksto.

Pagkuha ng kahulugan Muling pagbasa Pagsubaybay sa


mula sa konteksto komprehensiyon
Muling pagbasa ng isang bahagi o Muling pagbasa ng isang bahagi o Pagtukoy sa mga posibleng kahirapan
kabuuan ng teksto kung kinakailangan kabuuan ng teksto kung kinakailangan sa pagbasa ng teksto at paggawa ng
kapag hindi ito maunawaan. kapag hindi ito maunawaan. mga hakbang upang masolusyunan ito.

PAGKATAPOS MAGBASA
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Paksa: PAGSULAT NG PARAPHRASE, ABSTRAK, AT REBYU


LAYUNIN: Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang
uri ng tekstong binasa
PANIMULA

“Huwag matakot na magsalita at manindigan para sa katapatan at katotohanan laban


sa kawalan ng hustisya, kasinungalingan, at kasakiman.
Kung lahat ng tao sa buong daigdig ay gagawa nito, mababago ang mundo.”
- William Faulkner

PARAPHRASE

• Hinango mula sa salitang Latin na paraphrasis na nangangahulugang “karagdagang paraan ng


pagpapahayag”.
• Tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa ibang pamamaraan at pananalita
upang padaliin at palinawin ito para sa mambabasa.
• Mahalaga ang paraphrase sa pananaliksik upang tukuyin ang pinagmulan ng isang ideya o
kaisipan at ipahayag ito sa pamamaraan na makatulong sa pananaliksik.
• Pagpapakahulugan sa pamamagitan ng ibang pangungusap o ibang mga salita.
• Tipikal na nagpapaliwanag o nagbibigay ng “liwanag”sa teksto na ipinapahayag sa pamamagitan
ng ibang salita.
• Karaniwang ipinapakilala ng isang verbum dicendi – isang ekspresyon ng pagpapahayag o
pagpapahayag upang ihudyat ang transisyon o pagpapalit na papunta sa pagpaparaprasis.
• Pagsasalin ng isa o maraming pahayag o impormasyon na nanggagaling sa ibang tao.
• Naglalahad ng ideya ng iba sa sariling pananalita upang madaling maunawaan.
• Nagkakaroon ng pagbabago sa estruktura ng salita at pangungusap.
• Sa kabila ng pagbabago, kailangang hindi lumihis sa orihinal na teksto o mapanatili ang
eksaktong ipinapahayag ng teksto.
• Ang anyo ng hawig ay higit na mahaba kaysa sa orihinal dahil nilalayon nito na maipakita ng
nagtatala na ganap niyang maunawaan ang nilalahad ng teksto at kaya itong ipaliwanag gamit ang
sariling pananalita upang mas maintindihan ng mambabasa.
HALIMBAWA NG PARAPHRASE
ORIHINAL NA TEKSTO:
PARAPHRASE NA TEKSTO: “Ang usapin ng wikang pambansa ay usaping
Ayon kay Bienvenido Lumbera (2000, p.130), kinasasangkutan ng buhay ng milyun-milyong Pilipino
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, mahalaga ang na hindi nakakapagsatinig ng kanilang adhikain at pana-
pagkakaroon ng isang wikang pambansa na magiging naw sa kadahilanang ang nasa pamahalaan, paaralan at
daluyan ng mga aspirasyon at pagpapahalaga ng mga iba-ibang institusyong panlipunan ay sa Ingles nagpapa-
karaniwang mamamayan. Ito ay dahil may katanggap- nukala at nagpapaliwanag”. (Lumbera 2000, p.130
tanggap ang paggamit ng wikang Ingles sa iba’t ibang sangay
ng pamahalaan at paaralan, na wikang hindinauunawaan ng
mamamayan
ABSTRAK

• Sa mga sulating pampanitikan maaaring ito ay bahagi ng isang buo at mahabang


sulatin,aklat, diyalogo, sanaysay, pelikula, atbp. na hinahango ang bahagi upang
bigyang diin angpahayag o gamitin bilang sipi.
• Sa usaping pananaliksik, ito ay maikling paglalahad ng kabuuan ng isang pag-aaral.
• Isang uri ng lagom o buod na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikongpapel gaya ng tesis at disertasyon na makikita sa unahan ng
pananaliksik.
• Bagamat ito ay maikli lamang, nagtataglay ito ng mahahalagang element o
bahagi ngsulating akademiko.
• Nakatutulong upang mabilis na makita ng isang mambabasa ang kabuuang
latag ngpananaliksik kabilang ang layunin at kinalabasan nito.
• Tinatawag din itong précis o synopsis sa ilang aklat publikasyon.

REBYU

• Isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa
nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat nito.
• Isang mapanuring pagbasa o pagtatasa ng isang malikhaing gawain (tulad ng
dula, tula, pelikula, musika, sayaw) o ng isang gawaing pang-akademiko (tulad ng
aklat o artikulo naprodukto ng isang pag-aaral o pananaliksik.
• Naglalaman ng pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa personal na
pananaw ngmambabasa ng nagbibigay ng rebyu.
• Para sa mga manunulat sa pahayagan, gumagamit sila ng panunuri upang
magpalaganapng sariling kaalaman na sumusuporta o kaya ay nagpapasubali
sa nilalaman ng aklat.
• Maaaring maglaman ng maikling buod ng aklat upang magkaroon ng ideya
ang mgamambabasa.
.

Ang pagsulat ng paraphrase, abstrak at rebyu ay ilan sa mga pinakamahalagang


kasanayan na nararapat linangin ng isang mambabasa upang maging epektibo ang kanyang pag-
babasa. Ito ay mahala para matutong sumuri ng isang teksto lalo na kung ito ay wala sa interes ng
isang mambabasa.
Ang Paraphrase ay tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa ibang
pamama-raan at pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa mambabasa. Habang ang Abstrak
ay bahagi ng isang buo at mahabang sulatin, aklat, diyalogo, sanaysay, pelikula, atbp. na
hinahango ang bahagi upang bigyang diin ang pahayag o gamitin bilang sipi. Rebyu naman
ang tawag sa isang mapanuring pagbasa o pagtatasa ng isang malikhaing gawain (tulad ng
dula, tula, pelikula, musika, sayaw) o ng isang gawaing pang-akademiko (tulad ng aklat o
artikulo na produkto ng isang pag-aaral o pananaliksik.
Paksa: PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW, AT DAMDAMIN

LAYUNIN: Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang
uri ng tekstong binasa
PANIMULA

Be more. Read more.

Mahalagang magkaroon ng layunin sa lahat ng ating ginagawa upang nang sa


nang sa gayon ay magkaroon tayo ng direksyon sa ating gawain. Ang pananaw
ang nagsisilbi nating gabay tungo sa epektibong pag-iisip. Sa lahat ng ating naii-
sipang gawin mahalaga na gawin natin ito ng may damdamin upang maging ga
nap ang ating pagkatuto.

Sa pagbasa naman, mahalagang sa umpisa pa lang ng pagbasa ng teksto at habang napapa-


lalim ang pag-unawa rito ay matukoy ang layunin, pananaw, at damdamin ng teksto upang maging
epektibo ang pag-unawa rito.

PAGTUKOY SA LAYUNIN

• Tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto.


• Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri ng diskursong ginamit sa pagpapahayag.
• MGA HALIMBAWANG TANONG SA PAGTUKOY NG LAYUNIN:
Naglalarawan ba ito o kaya ay nagkukuwento lang ng isang tiyak na karanasan o
sitwasyon?
Tungkol saan kaya ang iyong binabasa?
• Maaari ring nangangatwiran ito o kaya naman ay hinihikayat ang mambabasa na pumanig
sa opinyon o paninindigan ng awtor.
• Tinutukoy din ang suliranin o pangunahing tanong ng akda na nais solusyunan ng may-
akda.

PAGTUKOY SA PANANAW

• Pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto.


• Natutukoy dito kung ano ang distansiya niya sa tiyak na paksang tinatalakay.
• Nasa unang panauhan (ako, kami, tayo, ko, natin, amin, akin, atin) ba ito na maaaring
magpakita ng personal na perspektiba sa paglalahad, o kaya naman ay nasa ikatlong
panauhan (siya, sila, niya, nila, kanya, kanila) na nagbibigay ng obhetibong pananaw at
paglalahad.
• Tumutukoy sa punto de vista na ginamit ng awtor sa teksto.
• Mula sa mahusay na pagtukoy ng pananaw, nahihinuha rin ng mambabasa kung ano ang
kahihinatnan ng isang teksto.
Paksa: BATAYANG KAALAMAN NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
LAYUNIN: Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa.
PANIMULA

“Isapuso yaring turo ng inyong mga guro.


Kapag tumanda ay ipasa ang aral na natamasa.”

TEKSTONG IMPORMATIBO

• Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magbigay ng paliwanag at


impormasyon.
• Minsan ay tinatawag na tekstong ekspositori.
• Layunin nito ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa at
naglalahad ng kuwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga
konseptong nakabatay samga tunay na pangyayari.
• Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at
walangpagkiling tungkol sa iba’t ibang bahagi paksa tulad ng sa mga hayop,
isports, agham o siyensya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya,
kalawakan, panahon, atbp
• Ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may – akda ay hindi nakabase sa
kanyang sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito
masasala-min ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.
• Mayroong malawak na kaalaman tungkol sa paksa ng manunulat o kaya’y
nagsasagawasiya ng pananaliksik at pag – aaral ukol dito.
• Laging may nadadagdag na bagong kaalaman o kaya’y napagyayaman ang
datingkaalaman ng taong nagbabasa.
• Napauunlad nito ang mga kasanayang pangwika gaya pagbabasa, pagtatala,
pagtukoy ng mahahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri, at
pagpapakahulugan ngimpormasyon.
• Kadalasang gumagamit ang manunulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan
ang mgamambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t ibang impormasyon gaya ng
talaan ng nilalaman, indeks, at glosaryo para sa mahahalagang bokabularyo, mga
larawan at ilustrasyon, kapsyon, o iba pang uri ng palatandaan para sa mga larawan,
graph, at talahanayan.
• Mahalaga ang katumpakan ng nilalaman at mga datos sa isang impomatibong teksto.
Ang pagiging napapanahon ng teksto ay makatutulong sa pag – unawa tungkol sa isangmahalagang
isyu o usaping panlipuna
PAGTUKOY SA DAMDAMIN
\\

You might also like