You are on page 1of 16

Katuturan at mga Hakbang

ng Akademikong Pagsulat.
Ang Akademikong Pagsulat
Ang Akademikong sulatin ay (1) binubuo ng tiyak na paksa at layunin; (2) malinaw ang
pagkasulat at may sinusunod na estraktura; (3) pormal ang tono at estilo; (4) may
binubuong ideya or argumento na sinusuportahan ng mga datos at ebiden sya.

May tiyak na paksa at layunin – Ang paksa ay karaniwang


naka ugnay sa isang larangang akademiko o disiplina.
Malinaw ang pagkasulat at may sinusunod na estraktura –
May mga nabuo nang kumbensiyon sa akademikong pag
sulat.
Tatlong Bahagi ng Teksto
Introduksyon o panimula – ay ang bahagi ng isang akda o proyekto
kung saan ipinapakilala ang pangunahing ideya o layunin nito.
Gitna o katawan – ay ang bahagi ng isang akda o proyekto kung saan
masusing ipinaliliwanag ang pangunahing ideya o mensahe. Ito ang
bahagi kung saan nangyayari ang masusing pag-aanalisa at
pagtatalakay sa paksa.
Wakas o kongklusyon – ay ang huling bahagi ng isang akda o
proyekto kung saan inilalatag ang buod ng kabuuang mensahe o
natutunan mula sa naunang bahagi ng gawaing isinagawa.
Ang Akademikong Pagsulat
Pormal ang tono at estilo – ay ang paraan ng pagsusulat na
nagpapakita ng respeto at propesyonalismo sa mga mambabasa.
May binubuong ideya or argumento – ay nangangahulugan na sa
isang teksto o akda, mayroong pangunahing mensahe o punto na
nilalaman.
Sinusuportahan ng mga datos at ebidensya - ay nangangahulugang
ang isang argumento o pahayag ay inilalapat sa pamamagitan ng
paghahatid ng konkretong impormasyon o patunay upang patibayin o
mapagtibay ito. [R]
Ilang Hakbang at Aspekto
ng Akademikong Pagsulat
Patiyak sa Paksa at Layunin ng Pagsulat
Paksa Nilimitahang Paraan ng paglilimita ng Posibleng suliranin ng Papel
paksa paksa

Kuwentong pambatang Tumukoy ng isang tema lang Paano tinatalakay sa mga


Panitikang tumatalakay sa kasarian ng mga kuwentong pambata kuwentong pambata ang
Pambata usapin ng kasarian?

Comic strip na A. Lipin ni Tumiyak ng isang partikular Ang pananaw sa Lipunan na


Comic Strip sa Jess Abrera na halimbawa ng comic strip lumilitaw sa comic strip na
Pahayagan sa pahayagan A. Lipin ni Jess Abrera?

Relasyon ng mga Tumukoy ng isang Paano tinitingnan ng mga


Kapaligirang mangingisda s aLawa ng kongkretong halimbawa ng mangingisda ang kanilang
Pantubig Laguna kapaligirang pantubig at relasyon sa Lawa ng
aspekto nito Laguna?
Pag gamit ng Datos o Ebidensya
Paghalaw Pagbubuod Paglalagom Pagsipi
(Paraphrase) (Summary) (Synthesis) (Quoting)

Ipahayag sa sariling Ang isang bahagi ng Pag-ugnayin ang mga Kopyahin ang
Layuinin pananalita ang isang teksto o ang buong ideya mula sailing eksaktong pahayag
bahagi ng teksto. teksto nang mas sangunian. mula sa isang
maikli kaysa sa sangunian.
orihinal.
Ipinapahayag na sa Pinaikli ang teksto sa Tumutukoy ng Katulad lang ng
Estilo ng pagsulat sariling paraan ang pamamagitan ng magkakaugnay na pinagkopyahan,
bahagi ng tekstong pagtatampok sa mga ideya mula sa iba- kasama na ang mga
hinahalaw. pangunahing ideya o ibang sangunian at mali na puwedeng
inpormasyon. ipinahayag ito sa dugtungan ng {sic}.
sariling paraan.
Haba Iba-iba Mas maikli Mas maikli sa mga Puwedeng tanggalin
tekstong nilagom. ang hindi
mahalagang bahagi
at ginagamit ang
ellipsis(…)
Pag gamit ng Datos o Ebidensya
Paghalaw Pagbubuod Paglalagom Pagsipi
(Paraphrase) (Summary) (Synthesis) (Quoting)
Maaring sariling Maaring sariling Maaaring sariling Katulad ng orihinal na
Estruktura estruktura sa iba sa estruktura at iba sa estruktura at hindi teksto.
hinilaw sa teksto. binuod na teksto. sa nilalagom na mga
teksto.
Pinipili lang ang Pinipili lang ang Pinipili lang ang mga Pinipili ang bahagi ng
Nilalaman bahagi ng tekstong bahagi ng teksto na bahagi ng iba-ibang orihinal na teksto
muling ipapahayag itatampok tekstong pinag-
sa sariling uugnay
pananalita
Isa Isa Dalawang o higit pa Isa
Bilang ng
sanggunian

Gumagamit ng in- Gumamit ng in-text Gumamit ng in-text Gumamit din ng pinipi para
Pagkilala text citation o citation o citation o sa buong material na sinipi
talababa/tala talababa/tala(footno talababa/tala/footn
(footnote/end-note) te/end-note) ote/end-note)

[V]
Narito naman ang ilang palala sa paggamit ng iba't ibang paraan
ng paglahok ng datos at ebidensiya isang tekstong akademiko:
Paghalaw (Paraphrase)

• Muling ipahayag sa sariling pananalita ang bahagi ng tekstong hinahalaw.


• Tiyakin ang mahalagang ideya depende sa layunin ng pagsulat.
• Isulat ang ideya gamit ang sariling mga salita; panatilihin ang ilang susing salita
ng orihinal.
• Kilalanin pa rin ang pinagmulan ng ideya kahit na ipinahayag ito sa sariling
pananalita.
• Kapag ilalahok ang halaw sa sulatin, kailangang linawin kung bakit mahalaga
ang ideyang nakalap.
• Iwasang gumamit ng maraming salitang galing sa orihinal na teksto.
• Magpokus sa ideya at iwasan ang maraming detalye mula sa orihinal na teksto.
Narito naman ang ilang palala sa paggamit ng iba't ibang paraan
ng paglahok ng datos at ebidensiya isang tekstong akademiko:
Pagbubuod (Summary)

• Isulat ang mga pangunahing ideya o impormasyon ng tekstong binubuod.


• Paiklin ang tekstong binubuod gamit ang sariling pananalita at ipakita ang
pagkakaintindi sa teksto.
• maiwasan ang pagbanggit sa maraming detalye na hindi naman kailangang
masama sa buod.
• Kilalanin pa rin ang pinagmulan ng ideya kahit na ipinahayag ito sa sariling
pananalita.
• Kapag ilalahok na sa sulatin ang buod, kailangang linawin kung bakit mahalaga
ang tekstong binuod.
Narito naman ang ilang palala sa paggamit ng iba't ibang paraan
ng paglahok ng datos at ebidensiya isang tekstong akademiko:
Paglalagom (Synthesizing)

• Pag-ugnayin ang mga impormasyon at ideya mula sa iba't ibang magkakaugnay


na teksto.
• Sulatin ang paglalagom sa sariling pananalita.
• Huwag talakayin ang mga testo nang magkakahiwalay.
• Kung gagawin iyon, para lamang itong pagbubuod. Ipangkat o pagsamahin ang
magkakaugnay na ideya.
• Kilalanin ang mga pinagmulan ng mga impormasyon o ideyang nilagom.
• Pagsasakatuparan ng mga tiyak na layunin ng pag-aaral.
• Pagbuo no pangunahing ideya o argumento no pag-aaral.

[B]
Narito naman ang ilang palala sa paggamit ng iba't ibang paraan
ng paglahok ng datos at ebidensiya isang tekstong akademiko:
Pagsipi (Quoting)

• kopyahin nang eksakto ang bahaging nais sipiin.


• Kung may salita o mga salitang tatanggalin, gumamit ng ellipsis (...) kapalit ng
bahaging tinanggal.
• Lagyan ng panipi ang siniping pahayag; kung mahaba ang sipi, ihiwalay ito sa
pamamagitan ng block quotation sa pamamagitan ng pagpapaliit ng mga letra at
paglalagay nito sa gitna ng pagitang pangungusap.
• Kilalanin ang pinagmulan ng sipi.
• Kapag ilalahok na sa sulatin ang sipi, kailangang linawin kung bakit mahalaga
ang tekstong sinipi.
• Iwasan ang napakaraming pagsipi sa isang sulatin.
Estruktura ng sulatin

• Ang mga datos o ideyang makukuha sa pamamagitan ng iba’t ibang paraang


naipaliwanag sa nakaraang bahagi ay hindi basta-basta na isusulat lamang sa papel o
pagsasama-samahin nang walang plano.

Tatlong pangunahing bahagi ng tekstong akademiko

Introduction

• Pagpapakilala ng paksa
• Pagpapaliwanag sa konteksto kung bakit tinalakay ang paksa
• Pagtiyak sa espesikong aspekto ng paksa o suliranin sa saliksik na sisiyasatin sa pag-
aaral
• Pag-iisa-isa s mga tiyak na layunin ng pag-aaral
Katawan

• Pagdedebelop sa paksa o pagtuklas sa sagot sa suliranin ng pag-aaral


• Pagpapaliwanag sa mga pangunahin salita o konsepto o teoryang aangklahan ng pag-
aaral
• Pag-ugnay ng pag-aaral sa mga naunang pag-aaral
• Pagpapaliwanag sa metodo ng pag-aaral o sa paraan o dulog sa pagsusuri
• Paglalahad ng mga datos, ebidensya, patunay, o katwiran
• Pagsusuri sa mga datos, eidensya, patunay, o katwiran
• Pagsasakatuparan ng mga tiyak na layunin ng pag-aaral
• Pagbuo ng pangunahing ideya o argumento ng pag-aaral

Kongklusyon
• Paglalagom ng mga pangunahing ideyang dinebelop sa pag-aaral
• Pagpapaliwanag sa implikasyon sa larangan sa lipunan ng mga natuklasan sa pag-
aaral
• Pagtukoy sa iba pang aspekto ng paksang puwedeng pag-aaralan
[J]
Sagutan ang mga katanongan
1. May Karapatan kaba?
2. Miss muna?
3. Umaasa kapa ba na babalik sya?
4. Kung napaniginipan mo na magkasama kayong dalawa gigising kapa ba?
At bakit?
5-10. Pangalan ng Crush o Jowa mo?
Sagutan ang mga katanongan
1. Ito ay ang huling bahagi ng isang akda o proyekto kung saan inilalatag ang buod
ng kabuuang mensahe o natutunan mula sa naunang bahagi ng gawaing
isinagawa. Wakas o kongklusyon
2. Ito ay ang paraan ng pagsusulat na nagpapakita ng respeto at propesyonalismo sa
mga mambabasa. Pormal ang tono at estilo
3. Ito ang paksa ay karaniwang naka ugnay sa isang larangang akademiko o
disiplina. May tiyak na paksa at layunin
4. Ito ay may mga nabuo nang kumbensiyon sa akademikong pag sulat. Malinaw
ang pagkasulat at may sinusunod na estraktura
5. Ito ay ang bahagi ng isang akda o proyekto kung saan ipinapakilala ang
pangunahing ideya o layunin nito. Introduksyon o panimula
6. Ito ay nangangahulugan na sa isang teksto o akda, mayroong pangunahing
mensahe o punto na nilalaman. May binubuong ideya or argumento
7-9. Ibigay ang tatlong pangunahing bahagi ng tekstong akademiko. Panimula
Gitna Wakas
10. Ito ay nangangahulugang ang isang argumento o pahayag ay inilalapat sa
pamamagitan ng paghahatid ng konkretong impormasyon o patunay upang patibayin

You might also like