You are on page 1of 9

Ikalawang Markahan-

TEKSTONG
NAGLALAHAD
FILIPINO 9
2ND QUARTER
MGA TEKSTONG BABASAHIN:
Sanaysay at Talumpati
URI NG TEKSTO: Naglalahad
GRAMATIKA: Pangatnig sa pagbibigay ng opinyon

Narito ang mga kasanayang malilinang sa iyo sa


pagtahak sa araling ito:

—Someone Famous
1. Nabibigyang puna ang mga paraan ng pagsasalita ng taong
naninindigan sa kanyang mga saloobin o opinyon sa isang
talumpati (F9PD-IId-47)
2. Naipapahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang
napapanahong isyu sa talumpating nagpapahayag ng matibay na
paninindigan (F9PS-IId-49)
3. Nakasusulat ng isang argumento hinggil sa napapanahong isyu
sa lipunang Asya (F9PU-IId-49)
4. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng
opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi (F9WG-IId49)
Ang tekstong naglalahad ay nagbibigay ng
impormasyon sa pamamagitan ng mga konsepto
at mga bagay batay sa pansariling saloobin,
haka-haka, opinyon, o pananaw ng manunulat.
Sinasagot nito ang tanong na paano.
Ipinaliliwanag nito ang mga payak na konsepto,
iniisip, at palagay sa pamamagitan ng
paglalahad ng sariling pananaw.
Ang tekstong inilalahad o ipinapaliwanag ay ang mga
impormasyon na hinggil sa anumang paksang
pasaklaw na may kaugnayan sa kaalaman ng mga
mambabasa. Nililinaw ang mga katanungan sa
babasahing ito sapagkat tinutugunan nito ang ang
pangangailangan ng mga mambabasa na malaman
ang mga kaugnay na ideya o isyu. Naglalahad ng
masusing pagpapaliwanag kung paano ang isang
abstrak na konsepto na nasa isip ng tao ay
inuugnay sa isang tiyak na termino.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA
PAGLALAHAD:
1. KALINAWAN-Malinaw ang paliwanag at angkop
at tama ang salitang ginagamit.
2. KATIYAKAN-nakapokus lamang sa paksang
tinatalakay.
3. KAUGNAYAN-magkakaugnay ang mga
pangungusap o talata.
4. DIIN-binibigyang diin ang mahalagang kaisipang
nais talakayin.
Mga Halimbawa ng Paglalahad:
1. Sanaysay
2. Balita
3. Tala
4. Ulat
5. Talumpati

You might also like