You are on page 1of 29

Aralin 3: “IMPLUWENSIYA

NG MGA ESPANYOL SA
KULTURA NG MGA
PILIPINO

2
Pagkatapos basahin ang modyul na ito,
inaasahang:
1. Matatalakay ang naging pagtugon ng mga
Pilipino sa kolonyalismong Espanyol.
2. Matutukoy ang halaga sa mga naging reaksyon
ng mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismo.
3. Mapahahalagahan ang mga ginawang pag-
aangkop ng mga Pilipino sa panahon ng
pananakop.
3
PAGBABAGO SA
PANAHANAN
Sapilitang Paglipat ng Tirahan

Noong Abril 1594, sa bisa ng kautusang ipinalabas ni


Haring Philip ay ipinatupad ni Gobernador-Heneral Luis
Perez Dasmariňas ang sistemang reduccion, ito ay ang
sapilitang paglipat ng tirahan ng mga katutubong Pilipino
sa mga kabayanan.

4
PAGBABAGO SA
PANAHANAN
Sapilitang Paglipat ng Tirahan
Ito ay ipinatupad sa ilalim ng kondisyong “bajo de compana”
o paninirahan saan mang bahagi ng reduccion na naririnig pa
rin ang tunog ng kampana ng simbahan. Ang sistemang ito ay
isinagawa upang mas madaling mapangasiwaan ang mga
Pilipino at maipalaganap ang Kristiyanismo. Ang itinayong
pamayanan sa Pilipinas ng mga Espanyol ay tinawag na
pueblo.
5
Iba’t Ibang Uri ng Tirahan

Ang bahay na bato ay ipinakilala ng mga Espanyol, ito


ay malaki at matibay. Gawa sa bato ang unang palapag
nito. Yari naman sa matigas na kahoy ang ikalawang
palapag at ladrilyo o kogon ang ginagamit na bubong.
Nagsilbing imbakan ng bigas at mga gamit sa
pagsasaka ang unang palapag, tinawag itong
entresuelo. Ang ikalawang palapag naman ay hinati sa
mga silid tulad ng kusina, hapag-kainan at silid-
tulugan. 6
Iba’t Ibang Uri ng Tirahan

7
Iba’t Ibang Uri ng Tirahan

8
Iba pang parte/bahagi ng bahay na bato

comedor
– lugar ng kainan

9
Iba pang parte/bahagi ng bahay na bato

cucina-
lugar na lutuan kung
saan makikita ang
kalan at horno

10
Iba pang parte/bahagi ng bahay na bato

cuarto principal –
malaking silidtulugan
ng may-ari ng bahay

11
Iba pang parte/bahagi ng bahay na bato

oratorio- –
pinaglalaglayn ng mga
estatwa ng santo

12
Iba pang parte/bahagi ng bahay na bato

antesala o caida
(anteroom)
tanggapan ng
karaniwang panauhin o
mga matalik na
kaibigan

13
PAGBABAGONG PANLIPUNAN
Sa sinaunang lipunan ng mga Pilipino ito ay nahahati sa tatlong antas:
maginoo at datu, maharlika at timawa, at alipin at oripun.

14
Nauri sa dalawang pangkat ang mga
Espanyol na nanirahan sa Pilipinas

Peninsulares o mga Espanyol na


isinilang sa Spain

Insulares o creole na mga Espanyol na


isinilang sa Pilipinas.
15
Ang mga Pilipino ay nauri na sa pangkat ng
mga principalia, inquilino at karaniwang tao.
1. Principalia ay ang mga inapo ng mga datu at maharlika,
mayayamang hacendero (may-ari ng lupa), mga dati at
kasalukuyang pinuno ng pamahalaang lokal.
2. Inquilino ay binubuo ng mga tagapangasiwa ng lupa ng mga
panginoong maylupa.
3. karaniwang tao naman ay kinabibilangan ng mga magbubukid
at manggagawa. Limitado lang ang kanilang pribelehiyo at
karapatan. Hindi rin sila maaaring mahalal sa katungkulan sa
pamahalaan. 16
Pagbabago sa Katayuan ng Kababaihan
 Noong sinaunang panahon, ina ang sentro ng pamilya.
Pinahahalagahan ang kanilang kakayahang magpanatili ng
kaayusan sa kanilang pamilya. Subalit sa pagdating ng mga
Espanyol at sa impluwensiya ng Kristiyanismo, nalihis ito sa
ama na itinuring na haligi ng tahanan.
 Noong sinaunang panahon ay nagsilbing pinunong
espirituwal ang kababaihan sa katauhan ng mga katalonan at
babaylan, pinawalang bisa ito sa ilalim ng mga Espanyol at
itinuring ang kanilang gawain bilang makasalanan at mula sa
kasamaan. 17
Pagbabago sa Katayuan ng Kababaihan
 Dahil sa Kristiyanismo, bumaba ang antas ng kababaihan,
sila ay naging tagalingkod sa mga simbahan, pasyon at
ibang katekismo mula sa pagiging pinuno.

 Ang mga kababaihan ay hindi na pinayagang makilahok sa


mga gawain pansibiko at politikal. Ang pantay at malaya
nilang karapatan sa pagmamay-ari ay binawasan kung hindi
man ay tuluyan ng inalis. Ang pagiging ina sa kanilang mga
anak at kabiyak sa asawa, ang naging pangunahin gampanin
ng mga kababaihan.
18
Pagbabago sa Katayuan ng Kababaihan
 Dahil sa Kristiyanismo, bumaba ang antas ng kababaihan,
sila ay naging tagalingkod sa mga simbahan, pasyon at
ibang katekismo mula sa pagiging pinuno.

 Ang mga kababaihan ay hindi na pinayagang makilahok sa


mga gawain pansibiko at politikal. Ang pantay at malaya
nilang karapatan sa pagmamay-ari ay binawasan kung hindi
man ay tuluyan ng inalis. Ang pagiging ina sa kanilang mga
anak at kabiyak sa asawa, ang naging pangunahin gampanin
ng mga kababaihan.
19
TANDAAN

20
Panuto: Ibigay ang mga katawagan ng bahagi ng bahay na bato. Piliin ang
wastong sagot sa loob ng kahon at isulat sa iyong sagutang papel.

 antesala o caida (anteroom)

 oratorio
 comedor
 cuarto principal
 cucina

cucina
1. __________ lugar na lutuan kung saan makikita ang kalan at horno 21
Panuto: Ibigay ang mga katawagan ng bahagi ng bahay na bato. Piliin ang
wastong sagot sa loob ng kahon at isulat sa iyong sagutang papel.

 antesala o caida (anteroom)

 oratorio
 comedor
 cuarto principal
 cucina

comedor
2. __________ lugar ng kainan 22
Panuto: Ibigay ang mga katawagan ng bahagi ng bahay na bato. Piliin ang
wastong sagot sa loob ng kahon at isulat sa iyong sagutang papel.

 antesala o caida (anteroom)

 oratorio
 comedor
 cuarto principal
 cucina

oratorio
3. __________ pinaglalagyan ng mga estatwa ng santo 23
Panuto: Ibigay ang mga katawagan ng bahagi ng bahay na bato. Piliin ang
wastong sagot sa loob ng kahon at isulat sa iyong sagutang papel.

 antesala o caida (anteroom)

 oratorio
 comedor
 cuarto principal
 cucina

antesala o caida
(anteroom)
4. __________ tanggapan ng karaniwang panauhin o mga matalik
na kaibigan 24
Panuto: Ibigay ang mga katawagan ng bahagi ng bahay na bato. Piliin ang
wastong sagot sa loob ng kahon at isulat sa iyong sagutang papel.

 antesala o caida (anteroom)

 oratorio
 comedor
 cuarto principal
 cucina

cuarto principal

5. __________ malaking silid-tulugan ng may-ari ng bahay 25


Piliin ang isda na mayroon angkop na sagot sa
bawat tanong. .

1. Pangkat ng mga inapo ng mga datu at maharlika na


pinagkalooban ng mga karapatang panlipunan at pampolitika.

26
2. Tawag sa pamayanan na ipinatayo ng mga Espanyol.

3. Isang uri ng tirahan na malaki at matibay na naging simbolo ng antas ng


pamumuhay ng isang pamilya.

27
4. Unang palapag ng tirahan na nagsilbing imbakan ng bigas
at gamit sa pagsasaka.

5. Ito ay sistema ng sapilitang paglipat ng tirahan ng mga katutubong


Pilipino sa mga kabayanan.

28

You might also like