You are on page 1of 9

Human

Development Index

Ekonomiks 9
Layunin

Natatalakay ang kahulugan ng HDI.

Naipapaliwanag ang Kahalagahan ng HDI; at

Nakasasagot sa Jumbled Letters na aktibidad na inihanda ng Guro.o.


Human Development Index

Ang Human Development Index (HDI) ay tumutukoy sa


pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang
mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan, edukasyon at
antas ng pamumuhay. Sa pagsukat ng aspektong pangkalusugan,
ginagamit na pananda ang haba ng buhay at kapanganakan.
Ipinapahiwatig dito ang bilang ng taon na inaasahang itatagal ng isang
sanggol kung ang mga umiiiral na dahilan o sanhi ng kamatayan sa
panahon ng kaniyang kapanganakan ay mananatili habang siya ay
nabubuhay.
Sa aspekto naman ng edukasyon, ang mean Samantala, ang expected years of schooling
years of schooling at expected years of naman ay natataya base sa bilang ng mga
schooling ang mga ginagamit na pananda. Ang nag-aaral sa lahat ng antas ng edukasyon.
mean years of schooling ay tinataya ng United Itinakda ang 18 taon bilang expected years of
Nation Educational, Scientific, and Cultural schooling ng UNESCO. Ang aspekto ng antas
Organization (UNESCO) batay sa mga datos ng pamumuhay ay nasusukat gamit ang gross
mula sa mga sarbey at sensus ukol sa antas ng national income per capita.
pinag- aralan ng mga mamamayan na may 25
taong gulang.
Kahalagahan ng HDI

Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang Sa pinakaunang Human Development Report na inilabas ng UNDP
kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa noong 1990, inilahad ang pangunahing saligan ng sumunod pang mga
pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lang ang pagsulong ng ulat na nagsasabing “Ang mga tao ang tunay na kayamanan ng isang
ekonomiya nito. Tinatangka ng HDI naihanay ang mga bansa mula 0 bansa.” Sa pamamagitan ng mga pahayag na ito, na kinatigan pa ng
(pinakamababang antas ng kaunlarang pang- tao) at 1 (pinakamataas maraming empirikal na datos at makabagong pananaw ukol sa
na antas ng kaunlarang pantao). Maaari itong gamitin upang suriin at pagsukat ng kaunlaran, ang Human Development Report ay nagkaroon
busisiin ang mga patakarang pambansa ng dalawang bansang may ng mahalagang implikasyon sa pagbuo ng mga polisiya ng mga bansa
parehong antas ng GNI per capita ngunit magkaibang resulta hinggil sa sa buong mundo.
kaunlarang pantao.
Ayon sa kaniya, ang pangunahing hangarin ng pag-unlad
ay palawakin ang pamimilian (choices) ng mga tao sa
pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Ang mga
pamimiliang ito ay maaaring walang katapusan at
maaaring magbago. Madalas na pinahahalagahan ng mga
tao ang mga bagay na nakamit na hindi kayang ipakita ng
mga datos at impormasyon tungkol sa kita at pagbabago.

Ang Human Development Report Office (HRDO) ng


United Nations Development Programme (UNDP) ay
gumagamit ng mga karagdagang palatandaan upang
masukat ang hindi pagkakapantay-pantay (Inequality-
adjusted HDI), kahirapan (Multidimensional Poverty
Index o MPI) at gender disparity (Gender Inequality
Index).
Kahalagahan ng HDI
Ang Inequality-adjusted HDI ay ginagamit upang matukoy kung paano ipinamamahagi ang kita,
kalusugan, at edukasyon sa mga mamamayan ng isang bansa.

Ang Multidimensional Poverty Index naman ay ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit na
pagkakait sa mga sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay

Ang Gender Development Index o GDI ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng mga lalaki at
babae.

Ang human development ay hindi nakapako sa iisang konsepto lamang.


ANO ANG
NATUTUNAN KO
Panuto: Ang klase ay pagpapangkatin ng Guro sa tatlo. Gamit ang manila paper, isusulat ng
bawat grupo ang natutunan nila sa talakayan at ipaliwanag ito sa harap. Bawat grupo ay may 3
minuto sa paggawa ng aktibidad at 2 minuto naman para sa pagpapaliwanag sa harap.
Thank You
For Your Attention

You might also like