You are on page 1of 33

Ang Matanda at Ang

Batang Paru
Isinulat ni Rafael Palma
Isang paruparo na may katandaa’t sa
lakad ng mundo’y sanay na sanay,
palibhasa’y hindi nasilab sa ilaw
binigyan ang anak ng ganitong aral;
Paliwanag:
Dahil sa karanasan ng
matandang paru-paro di
niya nilalapitan ang ilaw
at ito rin ang pinangaral
niya sa anak.
“Ang ilaw na iyang maganda sa mata
na may liwanag pang kahali-halina,
dapat mong layuan, iya’y palamara,
pinapatay bawa’t malapit sa kaniya.
Paliwanag: :

Ayon sa matandang paru-paro ang


liwanag ng ilaw ay nakaka-akit sa
mata na paglapitan at nadikit ka
ay traydor na pinapatay ang
nalalapit.
“Ako na ring ito, sa pagiging sabik!
Pinangasahan kong sa kanya’y lumapit,
ang aking napala’y – palad ko pang tikis!
masunog ang aking pakpak na lumiit.
Paliwanag:

Minsan na ring nasubukan ng


matanda ang lumapit, dahil sa
kusang paglapit ay nasunog
ang pakpak at umikli ito.
“At kung akong ito’y nahambing sa iba
na di nagkaisip na layuan siya,
disin ako ngayo’y katulad na nilang
nawalan ng buhay at isang patay na.”
Paliwanag:

Na kung ihahambing sa iba ay


malamang natulad na siya sa
kanila na namatay.
“Ang pinangaralang anak ay natakot
at ipinangako ang kanyang pagsunod:
nguni’t sandali lang! Sa sariling loob
binulung-bulong ang ganitong kutob
Paliwanag:

Akala ng matanda ay totoo ang


ipinangako ng batang paru-paro sa
bilin na lumayo sa liwanag, ngunit
ito pala ay may plano pag nalingat
ang matanda.
“Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin
ng ina ko upang lumayo sa ningning?
Diwa’y ibig niyang ikait sa akin
ang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.”
Paliwanag:
Nagtampo ang batang paru-paro sa
higpit ng matanda sa mga bilin nito,
at inisip niyang ipinagmamaramot
lamang ng matanda ang ganda ng
liwanag.
“Anong pagkaganda ng kaliwanagan!
Isang bagay na hindi dapat layuan,
itong matanda ay totoo nga namang
sukdulan ng lahat nitong karuwagan!”
Paliwanag:

Kanyang nakita ng malayuan


ang liwanag at namangha ng
husto at inisip na ang matanda
ay duwag.
“Akala’y isa nang elepanteng ganid
ang alin mang langaw na lubhang maliit,
at kung ang paningin nila ang manaig
magiging higante ang unanong paslit.”
Paliwanag:
Dahil sa naranasan sa tabi ng
liwanag ay naging mayabang ang
batang paru-paro na animo alam
na niya ang mangyayari at para sa
kanya ay walang dapat ikatakot.
“Kung ako’y lumapit na nananagano
ay ano ang sama ng mapapala ko?
Kahit na nga niya murahin pa ako
ay sa hindi naman hangal na totoo.”
Paliwanag:
Sa isip ng bata kahit siya ay
lumapit at magtagal sa tabi ng
liwanag ay walang mangyayaring
masama sa kanya na kahit siya ay
kagalitan.
“Iyang mga iba’y bibigyan ng matwid
sa kanilang gawa ang aking paglapit,
sa pananakali’y di magsisigasig
sa nagniningningang ilaw na marikit.”
Paliwanag:
Sinabi niya sa sarili na ipapakita
niya sa iba na di siya natatakot
sa liwanag ng ilaw.
Nang unang sandaliy’ walang naramdaman
kundi munting init na wari’y pambuhay,
ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.
Paliwanag:
Pagkasabi sa sarili ng mga
kataga ay dali-daling lumapit sa
liwanag at nagpaikot-ikot dito.
Natutuwa pa nga’t habang naglalaro
ay lapit nang lapit na di nahihinto
sa isang pag-iwas ay biglang nasulo
tuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo.
Paliwanag:
Sa labis na kasiyahan sa paglalaro sa
paligid ng liwanag at paglipad ay
nasilaw sa liwanag na tuloy na lumapit
sa ningas ng liwanag at nasunog.
Nang unang sandali’y walang naramdaman
kundi munting init na wari’y pambuhay,
ito’y siya pa ngang nagpabuyong tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.
Paliwanag:

Kahit sobrang lapit na niya sa ningas ay di


niya pansin ang init na nararamdaman, para
sa kanya ay normal lang ang init na iyon at
nagtiwalang lumapit pa ng husto sa ilaw.
At siya’y hindi na muling makalipad
hanggang sa mamatay angkahabag-habag,
ang ganyang parusa’y siyang nararapat
sa hindi marunong sumunod na anak.
Paliwanag:
Kalaunan ay tuluyang di na
nakalipad at namatay ang
batang paru-paro.
Simbolismo:
Ang matanda at ang batang paruparo ay mga
simbolismo na kadalasang nagpapakita ng mga
konsepto tulad ng buhay, pag-ibig, at kahalagahan ng
mga karanasan sa buhay.

Ang matanda ay kadalasang nagpapakita ng mga


karanasan sa buhay, kaalaman, at karunungan na
nakuha sa paglipas ng panahon. Ito ay nagpapakita ng
pagiging matalino at maalam ng isang tao, ngunit
maaari rin itong magpakita ng pagkakaroon ng
kahinaan at kakulangan sa pisikal na aspeto ng buhay.
Ang batang paruparo, sa kabilang banda, ay kumakatawan sa
kabataan, kabataang kalooban, kawalang-karanasan, at mga
posibilidad na naghihintay pa sa hinaharap. Ito ay nagpapakita ng
kagandahan ng panibagong simula, mga oportunidad na bago at
walang hanggan at pag-asa sa mga pangarap at mga layunin sa buhay.

Sa kabuuan, ang simbolismo ng matanda at batang paruparo ay


nagpapakita ng mga kontrasting na katangian ng buhay, kung saan
ang isa ay nagpapakita ng karanasan at kaalaman at ang isa naman ay
nagpapakita ng mga posibilidad at mga pangarap pa sa buhay. Ang
mga ito ay magagamit upang ipakita ang mahalagang papel ng
karanasan at kabataan sa pagbuo ng isang buhay na puno ng
tagumpay at kasiyahan.
GROUP-4
Leader: Charlyn Queque
Members:
Alvin Dayhop
Rhea Mae abiero
Hazel Rivera
Angelica L. Benetez
Redmark Gloria
Genever Portallo
April Empenado
Babyjean Saldoa

You might also like