You are on page 1of 13

DOKUMENTASYON?

PAGSASAAYOS NG
DOKUMENTASYO
N
ano ang DOKUMENTASYON?

Ito ay ang maingat na pagkilala sa


mga hiram na ideya sa pamamagitan ng
talababa o mga tala, talang parentetikal,
bibliograpiya at listahan ng mga
sanggunian.
May iba’ t ibang paraan ng
dokumentasyon na mahalaga sa pananaliksik.
Maaaring mula ito sa nabasa, panayam, sarbey,
at iba pa na dapat isaayos. Dokumentasyon ang
katumbas nito.
MGA DAPAT TANDAAN
 Isang uri ng teknikal na pagsulat ang pagsasaayos ng
dokumentasyon. Tiyaking ang gagamiting dokumentasyon ay
alam na alam.
 Binibigyang-pansin ang paggalang sa kinuhang mga ideya sa
pamamagitan ng maayos na dokumentasyon. Isaalang-alang
ang katumpakan ng mga impormasyon.
 Dapat na wasto ang baybay ng pangalan ay apelyido ng mga
akda o mga may akda,gayundin ang petsa, pahina/mga pahina
na ginamit na sanggunian, at maging ang pablikasyon.
Mahalaga na maayos ang lahat ng
sangguniang ginamit at walang dapat
na makalimutan. Balikan nang balikan
ang lahat ng sanggunian.
KAHALAGAHAN AT TUNGKULIN
NG DOKUMENTASYON
 Ang dokumentasyon ay gumaganap ng mahalagang
tungkulin sa isang papel-pampananaliksik. Bukod sa
manipestasyon ito ng katapatan ng isang mananaliksik,
nagbibigay ito ng kredibilidad sa mga datos o
impormasyon na kanyang ginamit. Nagiging lubos na
kapani-paniwala ang mga datos o impormasyong iyon
kung binabanggit ng mananaliksik ang awtor o mga
awtor.
KAHALAGAHAN AT TUNGKULIN
NG DOKUMENTASYON
 Lubhang mapanganib para sa isang
mananaliksik ang pagbabale-wala sa halaga at
tungkulin ng dokumentasyon. Ang hindi pagkilala
sa pinagmulan ng mga hiram na ideya ay isang uri
ng pagnanakaw ng intelektuwal na pag-aari ng iba
na sa larangan ng pananaliksik, pamamahayag at
literatura ay tinatawag na “Plagiarism”.
MAAYOS NA PAGDODOKUMENTO,
KAPALIT AY PROTEKSIYON

 Ingatan ang dokumento


Hindi kailangang ilantad ang personal na kasagutan at
pagkakakilanlan ng mga impormante.
 May proseso sa pagkuha ng dokumento
Hindi madali ang pagkuha ng mga dokumento. Walang aayusing
dokumento kung hindi ito makukuha sa maayos at tamang paraan.
MAAYOS NA PAGDODOKUMENTO,
KAPALIT AY PROTEKSIYON

 Sinupin ang iba’t ibang dokumento


Itago ang mga dokumento sapagkat ito ay pananagutan
ng mananaliksik.
 Bawal ang plagiarism
Gamit ang tamang pagsasaayos ng mga dokumento o
datos, agad na makikita kung tuwiran ba ang isinasagawang
pagsipi o pagkopya sa ideya ng iba na hindi dapat mangyari.
KAHALAGAHAN NG KAAYUSAN NG
DOKUMENTO

 Hindi sapat na makuha lamang ang dokumento na gagamitin


sa pananaliksik. Kailangang maisaayos ito batay sa
hinihinging pormat.
 Ang aklat, iba’t ibang babasahin, pangunahing datos ay
kailangang:

Isa-isahin, Ihanay, at Suriin


MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like