You are on page 1of 7

PAGBASA SA IBAT IBANG DISIPLINA

KAHULUGAN NG PAGBASA

Tumutukoy sa kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensahe ng wikangnakasulat

Pagsunud sa mga letrang nakalimbag sa pamamagitan ng mata na may pang-unawa

Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbagupang mabigkas
nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng aktor sapamamagitan ng mga nakasulat na
simbulo.

Isang aktibong proseso (hindi produkto) kung saan ang mambabasa aygumagamit ng ibat ibang
sanggunian ng impormasyon, nililinaw angkahulugan at istratehiya, winawasto ang
pagpapakahulugan o interpretasyon(nirerebisa kung kailangan) at paggamit ng kontekstong
sosyal upang ituon ngkanilang pagtugon (Walker, 1988).
KAHALAGAHAN NG PAGBASA:

Gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan.

Pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba't ibang laranganng buhay.

Patnubay ito ng mga karanasan, mga mithiing pangarap.

Nagsisilbing unang hakbang sa anumang larangan ng pagaaral at pagkatuto.

Ginigising ang damdamin ng isang indibidwal.

Nagiging lunas ng mga suliranin at kahinaan ng isang tao.

Nasasalamin ang buhay ng ibang tao at naiuugnay ito sa sariling karanasan ngbumabasa.

Nakakatulong sa pagtuklas ng karunungan sa iba't-ibang larangan.

Naghahasa ng kaisipan ng isang tao/mambabasa.

Nagdadagdag ng kaalaman.

Nagpapalawak ng pananaw.

Nagbibigay ng kasiyahan

Nagbubukas din ng daan upang matuto sa iba't ibang disiplina tulad ngpilosopiya, sikolohiya,
kasaysayan, matematika, at marami pang iba.


@ K M . A L M A R E Z
MODELO NG PAGBASA
MODELONG BABA-PATAAS TEORYANG BOTTOM UP

Inilalarawan sa prosesong ito ang sunod-sunod na hakbang mula sa mga titikmga salita, at ang
kahulugan.

Para sa kaliwanagan,ang modelon baba-taas ay:

Ang mga letra na ginawang representasyon ng mga ponema;

Ang mga ponema bilang makabuluhang tunog na pinagsama-sama paramakabuo ng salita;

Ang salita na binibigyan ng kahulugan;

Mga salita na pinagsama-sama upang makabuo ng makabuluhangpangungusap;

Nabuo ang makabuluhang pagsama-sama ng mga salita; at

Nakabuo ng impormasyon

Pananaw na nabuo dahil sa teoryang behaviorist ng pilosopiya

Binibigyang halaga ang mga elementong pangkapaligiran ng mambabasa

Ang pagbasa ay ang gawain ng pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo nasiyang lalapatan ng
katumbas na tunog
PINAKAMAHALAGANG HAKBANG:
( Aktwal na pagbasa ng teksto )

Inilalarawan bilang DATA DRIVEN
MODELONG TAAS-PABABA O PAGSUBOK SA HINUYA TEORYANG TOP DOWN

Inilalarawan sa prosesong ito na ang daloy ng impormasyon ay nagmula samodelong ito
sapagkat ang proseso ng pagkilala sa salita ay nakasalay sakahulugan nito Para sa kaliwanagan
nito:

Halimbawa ng nakalimbag na teksto

Paggawa ng hinuha na pinagbatayan ang salita sa pamamagitan ng
datingkaalaman sa paksa at sa makabuluhang pangungusap

Pagbasa para mapatunayan ng hinuha



Pagbuo ng kahulugan

Pag-unawa sa bagong kaalaman

Nakasanlig sa paniniwalang JOLISTIC ng mga sikolohiyang Gestalt

@ K M . A L M A R E Z

Ang tagabasa ay may iniingatang nakatagong kaalaman ( PRIOR KNOWLEDGE )kaya
nabibigyang kahulugan niya ang tekstong binabasa
SMITH AT GOODMAN:
ang mabisang pagbasa ay kinasasangkutan ng sandalingpanahon kung saan ang tagabasa ay
nakapamili ng mga hudyat na makatutulong sapagpapakahulugan
-CONCEPTUALLY DRIVENTEORYANG ISKEMA

Ang kaalaman o pagkabuo di-umano ay nagmumula sa karanasan ng isang taona natatnim sa
kanyang isipan. Halos lahat ng mga tao ay may kani-kaniyangparaan ng pagkatuto. Ang tawag sa
paraang ito ay SCHEMATA ang paraan ngpag-iimbak o pagsalansan ng impormasyon na
nalaman ng isang tao. SCHEMAay tumutukoy sa malaking organisadong bahagi ng kaalaman o
karanasan ngtao, kaalinsabay dito ang emosyon na kaugnay sa karanasan sa oras ng pag-imbak
ng impormasyon.

Batayan nito ang pagkakaroon ng dating kaalaman ng mambabasa ukol sakahulugan

SANGLIGANG KAALAMAN ( BACKGROUND KNOWLEDGE ): nakaimbak naimpormasyon sa
isipan ng bumabasa.

ISKEMA ( ISKEMATA ) balangkas pangkayarian ( conceptual framework ) ng mgasanligang
kaalaman.

Ang konsyusnes o diwa ay humugot sa isip ng isang tiyak na kaugnay okatumbasng nabasang
paksa, mula dito ay maisasagawa angpagpapakahulugan.
INTERAKTIBONG PAGBASA

Ang nilalaman ng babasahin ay may partisipasyon ang mambabasa-Angpagbasa ay mayroong
dalawang direksyon o BI-DIRECTIONAL

Sa pagbabasa, ang awtor ay sumasailalim sa interaksyon sa pamamagitan ngteksto.

Ang mensahe ng awtor ay nakalahad sa teksto at ang bumabasa ay nakalahadsa teksto at ang
bumabasa ay may tungkuling bigyan ito ng kahulugan.

You might also like