Professional Documents
Culture Documents
ANG BAYAN
1
MGA PALIWANAG
122
mga lumot at mga halamang sumipot lamang ng pana-panahon, ay
napapahanga sila dahil sa mga kagandahan ng tanawing inaabot ng
kanilang paningin.3
123
kumukulot ang kanyang agos dahilan sa ilang batong nakakalat sa
tinatakbuhang buhangin. Sa dako roon ng bambang ay kumikipot dahil
sa dalawang matataas na pampang na kinakapitan ng ilang punong
nakabaluktot at ang mga ugat ay nakalabas. Sa dako rito ay may isang
mababaw na talabibis6 na dito ang ilog ay lumuluwang at humihina ang
agos. Sa dako roon, sa malayo-layong lugar ay may isang munting
bahay na nakatayo sa pampang na tila hinahamon ang kataasan, hangin
at kailaliman, at dahil sa kanyang payat na haligi ay maiisip na siya’y
isang malaking ibon na nag-aabang ng ahas na maaring tukain. Mga
putol na sanga o mga punongkahoy na may talukab pa, na gumagalaw-
galaw at pagiwang-giwang, ang siyang nag-uugnay sa dalawang
pampang, at kung sila man ay sakaling masamang tulay, ay mahusay
namang aparato ng gymnastics na nagagamit sa pagsasanay sa
paninimbang, kaya hindi dapat bale-walain: ang mga batang naliligo sa
ilog ay nagkakatuwaan, dahil sa babaing may sunong na bakol na
nahihirapang manulay o dahil sa tumatawid na matandang nanginginig
at nabibitiwan ang tungkod na nahuhulog sa tubig.7
Ngunit ang bagay na nakakatawag ng pansin ay isang tila isang
tangos na kagubatan na napapalibutan ng mga sinasakang lupain.
Doon ay may mga malalaking punong na dantaon na ang tanda na; may
mga guwang, hindi namamatay, kundi kung tinatamaan lamang ng
kidlat ang kanilang mayabong na tuktok at sila ay pinag-aapoy; ang
apoy ay hindi nagdadamay ng iba at namamatay doon din;8 doon ay may
malalaking bato na dinadamitan ng panahon at ng kalikasan ng lumot
na parang velvet na unti-unting kumakapal ang alikabok sa mga
guwang, pinipitpit ng ulan at tinataniman ng ibon ng binhi. Ang
malusog ng mga pananim sa maiinit na bahagi ng mundo ay malayang
simisibol doon: mga dawag at halamang yumayabong sa ilalim ng mga
puno, mga baging at halamang gumagapang na lumilipat sa mga puno:
nakasabit sa mga sanga, kumakapit sa mga ugat, sa lupa, at paran g
hindi pa nasisiyahan sa gayon ang flora ng Pilipinas, makakakita ka ng
mga dapo na tumutubo kahit sa ibabaw ng mga puno; ang lumot at
kabuti ay nabubuhay sa mga putok na talukap, at ang dahon ng mga
6
Lugar sa ilog na ang agos ng tubig ay paikot-ikot at nagpapahina ng agos
na dumadaloy.
7
“ang mga batang naliligo sa ilog ay nagkakatuwaan, dahil sa babaing may
sunong na bakol na nahihirapang manulay o dahil sa tumatawid na
matandang nanginginig at nabibitiwan ang tungkod na nahuhulog sa tubig.”
Isang pagpapakita ni Rizal ng kapilyuhan ng mga batang Pilipino.
8
Ang isa sa katangian ng mga matatandang puno sa Pilipinas na dumaan
sa napakaraming mga pagsubok ng kalikasan, ngunit nagpapatuloy pa rin
ang buhay at nag-aambag ng kapakinabangan sa kapaligiran. Sa mga
nakalipas na panahon, ang mga matatandang puno sa Pilipinas ay
nakakalaban at nagwawagi sa paninira ng elemento ng kalikasan. Subalit sa
kasalukuyan ang mga punong ito ay walang kalaban-laban sa mapanirang
kamay ng mapagsamantalang mga tao na hindi marunong tumanaw ng
utang na loob sa mapagbiyayang mga puno ng Pilipinas.
124
dapo, mga halamang nakikipanuluyan ay nakikiyakap sa mga dahon ng
punong nag-aampon.9
Ang kagubatan ay iginagalang ng mga tagabayan dahilan sa
maraming taglay nitong mga alamat, ngunit ang mga kuwento na lalong
kapani-paniwala, ay siyang lalong hindi pinaniniwalaan at ang alamat
na hindi nila ganap na nalalaman ay inaaring katotohanan:10 Nang ang
bayan ay isa pa lamang na pamayanan na binubuo ng mga dukhang
kubo at sa mga ay maraming damong tumutubo, sa panahong
pumapasok pa doon sa pagsapit ng gabi ang mga usa at baboy-ramo,
isang araw ay dumating doon ang isang matandang Kastila na malalim
ang mga mata at matatas sa wikang Tagalog.11
125
ang pinanggagalingan ng mabahong amoy at natagpuan ang matanda na
nakabigti sa isang punong-balite14 at nabubulok na.15 Noong buhay ang
matanda ay kinatatakutan na dahil sa kanyang boses na tila mula sa
yungib, mga matang malalim at tawang walang tunog; datapwat ngayong
siya ay patay na nakabigti ay naging dahilan sa hindi pagkakatulog ng
mga babae. Itinapon sa ilog ng ilan sa mga babaing nasabi ang mga
alahas at sinunog ang mga damit, at magmula nang ilibing ang bangkay
sa paanan ng balite ay wala nang nangahas na pumunta sa pook na
iyon. Mayroong isang pastol na naghanap ng kanyang mga hayop ay
nagsabing siya ay nakakita roon ng ilaw; pinaroonan ng mga binata at
nangakarinig ng daing. Ang isang kahabag-habag na binata dahilan sa
nais na siya ay mahalin ng babaing minamahal, ay nangahas siya ay
titigil doon nang magdamag at pupuluputan ng yantok ang katawan
puno,16 ang binatang ito ay namatay sa lagnat, na dumapo sa kanya
kinabukasan, matapos ang pustahang iyon. Mayroon pang ibang mga
kasaysayan at alamat tungkol sa pook na iyon.
Makalipas ang ilang buwan ay dumating ang isang binatang
mistisong Kastila, na nagpakilalang ang anak ng namatay, nanirahan sa
pook na iyon at hinarap ang pagtatanim, lalo na ang pagtatanim ng
indigo. Si Don Saturnino ay isang tahimik na binata at mainitin ang ulo,
kung minsan ay napakalupit, subalit labis na masipag at walang hinto
sa paggawa:17 pinalibutan ng pader ang libingan ng kanyang ama, na
paminsan-minsang niyang dinadalaw. Nang tumanda na siya ay nag-
asawa sa isang dalagang taga-Maynila at nagkaanak ng isang lalaking
14
Balite – ang puno na kinikilala ng mga sinaunang Pilipino at binibigyan ng
labis na pagpapahalaga at takot dahilan sa paniniwala na ito ay
pinaninirahan ng mga espirtu at sentro ng kanilang pamahiin.
15
Ang matanda ay si Don Pedro Eibarramedia – walang tiyak na dahilan ang
kamatayan nito sa gubat ngunit mapapansin na ito ay natagpuan na
nakabigti. Ano kaya ang higit na dahilan ng kamatayan, nagpakamatay o
pinaslang?
16
Isang paniniwala noon na mawawala ang enkanto sa puno ng balite,
kapag ito ay mapupuluputan ng yantok.
17
Mapapansin na si Don Saturnino ay nanirahan sa San Diego at hinarap
ang pagsasaka – isa sa mga naging kahinaan ng mga Espanyol sa mga
unang panahon ng kanilang kolonyalismo sa Pilipinas ay ang hindi nila
paninirahan sa mga lalawigan. Nawili ang mga Espanyol na manirahan sa
Maynila at hinarap ang pagnenegosyo sa Kalakalang Galyon at minsanan
lamang dumalaw sa kanilang mga nasasakupang lugar para lamang sa
taunang paniningil ng tribute. Ang pagpapabayang ito ng mga Espanyol at
hindi pagharap sa pagsasaka ay naging dahilan sa pagiging paurong ng
pagsasaka sa Pilipinas kumpara sa pamantayan ng kanluran. Ang ginawang
paninirahan at pagharap sa pagsasaka ni Don Saturnino ay nagbigay daan
sa pagpapabilis ng kaunlaran sa kabuhayan ng mga tao sa pook rural –
dahilan sa nagdala si Don Saturnino ng mga bagong pananim at
pamamaraan ng pagsasaka sa San Diego.
126
binigyan ng pangalang Rafael, na siyang ama ni Crisostomo. Mula pa sa
pagkabata. si Don Rafael ay kinagiliwan na ng mga tagabukid; ang
pamamaraan ng pagsasaka na dinala roon at pinalusog ng kanyang ama
ay sumagana; dumating doon ang iba pang maninirahan, dumating doon
ang maraming Insik;18 ang nayon ay naging bayan-bayanan at
nagkaroon ng isang kurang Pilipino; pagkatapos ay naging bayan at ng
namatay ang kurang Pilipino, ay pumalit si Padre Damaso.19
Sa mga panahong iyon ang libingan at mga lupang malapit doon
ay hindi pinupuntahan. Kung minsan ay nangangahas na lumibot sa
lugar na iyon ang mga bata, na may mga dalang panungkit na pamalo at
bato upang mamitas ng bayabas, papaya, duhat, atbp., ngunit madalas
na samantalang sila ay namimitas, o pinanonood ang lubid na nakasabit
sa sanga, ay may lumalagpak na isa o dalawang bato, na hindi malaman
kung saan buhat; sa gayon ay sabay sa sigawang ang matanda! ang
matanda! at ipinagtatapon ang mga napitas na prutas at mga pamalo,
nagtatalunan mula sa puno, nagtatakbuhan sa mga talampas at mga
dawagan, at hindi humihinto kundi sa labas na ng gubat, na lahat ay
namumutla, ang ilan ay hingal na hingal, ang ilan ay umiiyak, at ilan
ang natatawa.20
18
Sa panahon pa man ng mga Espanyol ay makikita na ang papel ng mga
Intsik sa kabuhayan ng mga Pilipino - ang alam ng mga Intsik na ang
pagkapal ng populasyon ay may dalang kapakinabang pangkabuhayan para
sa kanila.
19
Ipinapakita ni Rizal ang papel ng mga kurang Pilipino (secular) ang siyang
nangangasiwa ng mga maliit na parokya at kung ito ay lumaki ang bilang
ay nalilipat sa mga prayle.
20
Bakit natatawa ang ilan? - Maaring sila ang nagpukol ng bato sa kanila
mga kasamahan na naging dahilan ng pagkatakot ng marami sa kanila.
127