You are on page 1of 4

Patricia H.

Amos
Yakap Sa Puno Ni Panjo
http://www.tuyongtintangbolpen.com/2012/10/yakap-sa-puno-maikling-kwentong-pambata.html
Karakter:
Katy Makasariling estudyante na natutunan magbago dahil sa isang bata.
Mia Ina ni Katy. Siya ay mabait at matulungin sa kapwa. Isang bagay na gusto niya matutunan ng anak.
Sam Lalakeng Kaklase ni Katy
Andoy Ang batang nakayakap sa puno.
Pinuno ng ampunan
Punong guro ng eskwelahan -

"Anak, baka mahuli ka na. Bumangon ka na d'yan." Hindi lamang higit sa tatlong ulit nakiusap si Mia para
bumangon mula sa higaan ang anak. Ngayon ang itinakdang araw ng paaralan para dumalaw sa bahay-
ampunan ang mga estudyante ng Mother Theresa School. Karaniwang ginagawa ang pagdalaw sa
ampunan bago magtapos ang mga bata.
"Ayoko naman po sumama. Wala naman po ako gagawin dun," sagot ni Katy habang kinukusot ang
mata.
Napabuntong hininga muli si Mia. Humigpit ang hawak ni Mia sa kopya ng mga larawan nila ng kanyang
asawa nang minsan silang dumalaw sa ampunan. Ipakikita sana niya kay Katy kung gaano kasaya ang
mga bata sa tuwing may dumadalaw kaya kinantahan ni Mia si Katy. (Batang bata ka pa Apo Hiking
Society) "Makinig ka anak, hindi ordinaryo ang tumira sa bahay-ampunan. Wala sigurong batang gaya
mo ang pipiliing tumira doon lalo na't nahihirapan kang bumangon. Subukan mo lang. Masarap
makisalamuha sa gaya nila. Madalas silang nakangiti."
"Sasama po ako kung papasyal tayo sa mall sa Sabado at bibili ng bagong sapatos para sa kaarawan ko!"
Tatlong araw mula ngayon ay labing anim na taong gulang na si Katy. Matagal na niyang hiling ang
bagong sapatos kaya nais niyang magkaroon nito bilang regalo.
"Sige. Pero dapat may kwento ka pag-uwi mo dito." Mabilis na kumilos si Katy upang ayusin ang sarili
habang naiwang nakangiti si Mia.
"Katy! Handa na ba ang ibibigay mong regalo sa mga bata?" usisa ng kaklase niyang si Sam. "Laruan sana
ang dala ko pero sabi ni Mama damit na lang daw para matagal pakikinabangan."
"Mga lumang libro ang dala ko. Mga ginamit nating libro dati ang ipinadala sa akin ni Mama," sagot
naman ni Katy.
"Malapit na tayo! May inihanda daw programa ang ampunan para sa atin! Sana magkaroon ako ng
bagong kaibigan!"
Sinalubong ng isang kanta ang mga estudyante pagbaba nila ng sinaksakyang bus. Isang programa ang
itinanghal ng mga bata sa ampunan at gayon din naman ang mga estudyante. May isang Bata ang
nagtula.

Magandang asal ating palaganapin
Itoy nagmula sa ninuno natin
Araw araw itoy ating gamiting,
Sa pamilyat kapwa palaganapin

Ang paggamit ng pot opo ay maganda
Paggalang sa kapwa dito nakita
Gamitin sa bahay at sa eskuwela
Bilang pagrespeto sa ating kapwa

At nagpalakpakan ang mga estudyante. Nagkaroon din ng salo-salo matapos ay ang bigayan ng mga
donasyong gamit, laruan, damit at libro.
Habang lahat ay nagsasaya, napansin ni Katy mula sa bintana ang isang batang nakayakap sa puno ng
mangga. Hindi niya alam kung pinarurusahan ito dahil may katagalan na ang pagkakayap nito sa puno at
hindi nakikiisa sa programa. Kumuha ng pagkain si Katy at sinubukang lumapit sa bata. Malamang gutom
na ito.
"Bakit yakap-yakap mo ang puno ng mangga?' tanong agad ni Katy. "Kumain ka na muna."
"Halika! Tulungan mo muna ako!" sigaw naman ng bata. Hindi man lang nilingon o pinansin ng bata ang
dalang pagkain ni Katy.
"Ha? Anong gagawin ko?" pagtataka ni Katy.
"Tulungan mo akong yakapin ang puno!"
"Bakit?"
"Basta! Yakapin mo muna bago maubos ang dahon!"
"Titigil ba ang pagbagsak ng dahon kung yayakapin natin ang puno?" Naituro na sa klase ang life cycle ng
puno at hindi man lamang nasabi ng guro na kasama sa cycle ang pagyakap sa puno.
"Oo! Sabi ni Mang Ruben parang tao din daw ang puno at halaman. Bagamat hindi sila marunong
magsalita nararamdaman at naiintindihan nila tayo."
Naintindihan ni Katy kung bakit may pagkakataong kinakantahan at pinupuri ng Mama niya ang mga
alaga nitong katleya. "Sino si Mang Ruben?"
"Siya ang hardinero dito. Mula noong nagkasakit siya nawalan ng tagapag-alaga ang puno ng mangga."
"Kailangan pa bang alagaan ang ganitong kalaking puno?"
"Para mas lumago. Dati may mas malaking puno pa dito. Tanda ko pa na umuulan noon, isang malakas
na kidlat ang tumama sa puno! Nakakatakot! Iyak nga ako ng iyak. Sabi ni Mang Ruben kung wala daw
ang malaking puno, ang ampunan ang tatamaan ng kidlat. Sinalo naman ng punong ito ang nabuwal na
puno. Nanay nito ang tinamaan ng kidlat, nagawang isakripisyo ang buhay niya para sa anak."
"Nakakatakot nga! Hihigpitan ko pa ang yakap para tumigil ang pagpatak ng dahon."
"Umiiyak siguro ang puno kaya nanlalagas ang dahon. Ganitong panahon kasi nawala ang nanay n'ya.
Nakakabilib. Kahit pala puno ay kayang gumawa ng ganoong bagay."
"Buti na lang nandito ka para alagaan siya! Mahirap pa naman ang mag-isa. Lalo kapag malakas ang
kulog at kidlat."
"Kaya kailangan natin siyang yakapin para maramdaman niyang may nagmamahal sa kanya.
Maramdamang hindi siya nag-iisa. Gustong kong ibigay ang pagmamahal na hindi na niya maradamanan
mula sa magulang. Tulad ko, may mga dapat akong ipagpasalamat dahil inaruga ako ng ampunan kahit
hindi nila ako kamag-anak. Ang ampunan na ang pamilya ko at ang punong ito naman ang kaibigan ko!
Utang ko sa kanila ang aking buhay."
"Siguro nalulungkot siya dahil wala siyang kasamang puno dito."
"Tatlong araw ko ng niyayakap ang punong ito kaya hindi ako kasama sa programa. Ako nga pala si
Andoy."
"Ako naman si Katy. Hindi ka napapagod sa ginagawa mo?"
"Pagod? Hindi nakakapagod ang magmahal. Pagmamahal ang nagpapaikot ng mundo sabi ng mga
madreng dumadalaw dito. Kaya daw umiikot ang mundo dahil mahal tayo ng Diyos."
May naramdaman si Katy sa sinabi ng batang kausap. Naantig siya sa pagmamahal ng bata sa puno.
Naalala niya ang kanyang mga magulang. Kahit may katigasan ang kanyang ulo ay hindi napapagod
magmamahal ang mga magulang niya.
Lingid sa kaalaman ng dalawang bata ay nakatanaw ang pinuno ng ampunan at ang punong guro ng mga
eskwelang dumalaw sa kanilang dalawa. Nakamasid sila sa kakatwang itsura ng dalawang batang
nakayakap sa puno ng mangga.
"Pagpasensyahan ninyo na po si Andoy kung pinayakap niya sa puno ang isa sa inyong estudyante. May
kakulitan ang batang iyon pero mabait naman," wika ng pinuno ng ampunan.
"Bakit nga po ba niya yakap-yakap ang puno?" usisa ng guro ni Katy.
"Dati may mas malaking puno pa diyan. Nagka-trauma ang bata sa kidlat na tumama sa mas malaking
puno. Kung wala ang yakap ni Andoy na puno malamang nabagsakan ang kwarto niya ng malalaking
sanga. Kaya malaki ang pasalamat niya sa punong iyan. Sa tuwing babagsak ang mga dahon sa puno ng
mangga, natatakot siyang matuyot o mamatay ang puno kaya palagi niya itong niyayakap."
"Nakakabilib ang batang 'yan!"
Bago umalis ay ibinigay ni Katy ang dalang libro kay Andoy. Bukod sa pwedeng paglibangan ay maari
niyang basahan ng mga kwento ang puno tulad ng ginagawa ng magulang ni Katy sa kanya.
Nakangiting dumating ng bahay si Katy. Halos hindi maitago ng labi niya ang kanyang ngipin sa saya.
"Kamusta naman? Mukhang nag-enjoy ka ah." Mahigpit na yakap ang salubong ng bata sa ina at
hinalikan pa sa pisngi. "Nakausap ko na ang Papa mo. Sasamahan ka niya sa pagbili ng sapatos."
"Nagbago na po ang isip ko. Ayoko na po ng sapatos," sagot ni Katy.
"Ano? May iba ka ng gusto?" nalilitong wika ni Mia.
"Opo. Gusto ko pong mag-alaga ng mangga. At kapag medyo malaki na ay dadalhin natin sa ampunan."
Ikinuwento ni Katy ang batang nakita niyang nakayakap sa puno ng mangga. Marami siyang natutunan
tulad ng pagpapahalaga at magmamahal sa mga nakapaligid sa kanya.
"Mahal ko kayo ni Papa," pagtatapos ni Katy.
Abot langit ang pasasalamat ni Mia sa sinabi ng anak. Matapos patuluyin sa kwarto ang bata ay masaya
niyang binalikan ang mga lumang litrato ng lugar na kanyang pinanggalingan. Ang ampunan.

You might also like