You are on page 1of 13

PROYEKTO

SA FILIPINO
10
Ipinasa nina:
Labordo, Eula Mei B.
Trinidad, Marielle Louise Y.
Quiminales, Louise Marie M.
Sanchez, Blessie P.
Gajudo, Ryan Tristan S.

Ipinasa kay:
Bb. Orbillo
I. Pamagat

Pagtatalakay sa Pagtitimpi

Ang pagtitimpi ay ang pagpigil sa nararamdaman. Maaari din itong
tawaging pagpipigil o pagtitiis. Matatawag din itong pagkontrol sa
sarili. Kadalasan, ito ay iniuugnay sa pagtitimpi ng galit. Maaari din
itong iugnay sa pagtitimpi ng temptasyon.







II. Plano


1. Mambunggo ng tao: Plano namin na sadyang bungguin ang mga
taong dumadaan upang silay mainis sa amin. Gagawin naming
ito sa lugar kung saan maraming tao. Plano naming gawin ito sa
mga magkakabarkada o magkakasama na nag-uusap upang
maputol ang kanilang usapan at mainis sila sa amin.

2. Mag-iwan ng isang kahon: Mag-iiwan kami ng isang box na
kapansin-pansin sa isang lugar na maraming tao. Layunin
naming tingnan kung sino-sino ang mga kayang pigilan o
kontrolin ang temptasyon na ibinibigay ng kahon.

3. Mag-iwan ng kendi sa kahon: Muli ay iiwanan namin ang
kahon at lalagyan ito ng laman, titingnan naming kung sino ang
kukuha ng laman ng aming kahon, at bibilangin naming ang
mga taong kukuha ng laman nito.



III. Pagsasagawa sa Plano
IV. Resulta

1. Mambunggo ng Mga Taong Dumadaan
Sa aming unang plano ay nakapagpa-inis kami ng iilang mga tao. May mga
halatang nainis habang isinasagawa naming ito. Mayroon namang mga
walang pakialam kung mababangga na sila. Mayroon ding mga batang hindi
nalang umimik sa ginagawa naming pambabangga. Masasabi naming
maraming tao ang kayang magpigil ng kanilang pagka-inis lalo na kung alam
nila na hindi naman ito sinasadya ng taong nakabangga sa kanila.

2. Pag-iwan ng Kahon sa Daan
Sa lahat ng aming mga plano ay nakatitiyak akong ito ang pinakamadaming
nabiktimang tao. Maraming naagaw na atensyon an gaming kahon sa daan.
Maraming dumadaan na tao ang sumilip sa kahon namin. Mayroong mga
batang sinubukang kunin an gaming kahon. Mayroong mga tumumba nito.
Mayroon ding mga nanatili ng matagal sa tabi ng aming kahon. Mayroon
namang nagkumpulan na mga tao at pinalibutan ang kahon namin.
Masasabi naming hindi sila nakapagtimpi ng pagtitingin sa loob ng kahon.

3. Pag-iwan ng Laman sa Kahon:
Sa mga tumingin sa aming kahon, may iilang mga taong sumubok na kunin
ang laman nito. May mga taong kumuha lamang ng kaunting kendi.
Mayroon namang mga batang kinuha ang lahat ng laman nito pati narin ang
basura doon sa loob ng kahon na iniwan ng ibang tao. Kadalasan ay mga
bata ang kumuha ng laman ng loob ng kahon. Mayroon namang naghulog ng
barya sa kahon na inilagay namin sa daan. Noong kunin na namin an gaming
kahon, nawawala na ang laman na aming nilagay sa loob nito.




Mga
Repleksyon






Blessie P. Sanchez

Kaunti na lang siguro ang alam kong marunong magtimpi ngayon kasi kahit
sa mga kaibigan ko madami na ang hindi marunong mag timpi. Kahit hindi naman
sinasadya na pagbangga sa isang tao magagalit na agad. Kahit humingi ka ng
tawad ay naiinis parin sila. Kumbaga, wala silang pagtitimpi. Ang pagtitimpi kasi
ay kaugalian na kailangan natin para maging maayos yung pakikipagkaibigan mo
sa ibang tao. Paano kung yung gusto mong kaibiganin ay maloko? E di konting
asar niya lang sayo maaasar ka na? Kailangan natin magtimpi, kasi kung hindi ka
magtitimpi maaari itong mauwi sa pisikal na sakitan.
Habang gumagawa kami ng task, noong una ay nahirapan kaming gawin
kasi baka may makahalata na kami yung nagsesecret task doon. Pero dahil sa
magaling gumawa ng paraan si Eula, ay nagawan naming ng paraan para hindi
kami mahalata ng mga estudyante. Ngunit mayroon kaming ka-miyembro na
masyadong nagpapahalata. Masyado siyang nagaalala na baka daw mawala yung
props namin sa paggawa ng task. Pero gumaan naman an gaming pakiramdam
noong nakita namin na madaming lumapit doon sa kahon. Mayroon nga lang iba
na kinukuha yung kahon kaya pahirapan kaming kunin yung kahon tapos ilagay sa
dati niyang pwesto.
Habang ginagawa namin yun, nagtatawanan lang kami para hindi kami
mahalata. Kunwariy nag-uusap kami tungkol sa ibang mga bagay. May mga
kaibigan kaming lumapit samin at nakipag-kwentuhan upang hindi kami
mahalata. Basta habang gumagawa kami ng task sobrang saya namin kasi naging
maayos ang paggawa naming nito. Sa palagay ko ay lalong tumibay ang pagsasama
naming lahat.



Eula Mei B. Labordo

Maraming pagsubok na kinaharap ang aming grupo. Noong una ay akala
namin madadalian kami sa pinapagawa sa amin dahil maraming paraan kung
paano makakapagpa-inis ng ibang tao. Noong kailangan na naming ipakita ang
aming mga plano ay kaunti lamang ang na-aprubahan dito. Isa pa sa mga naging
problema ng aming grupo ay ang karamihan sa aming mga miyembro ay mga
opisyal ng SCB. Kaunti lamang ang kanilang oras upang makasama sa aming
paggawa ng task. Ganoon din ang naging problema ko dahil mayroon din
kailangan asikasuhin para sa aming pangkat.

Noong aming simulan ang task, nahirapan kaming gawin ito dahil nahihiya
kaming mambangga ng mga taong dumadaan. Sa huli ay napag-usapan naming
magpanggap na naghaharutan upang hindi mahalata na sinasadya namin ito. Sa
pangalawang plano naming ay nadalian nalang kami dahil maraming taong
sumisilip sa loob ng kahon. Nagawan naming ng paraan na maitago ang kamera na
pinang-kukuha namin ng video para sa dokumentasyon. Mayroong isang mag-
aaral na nasa kolehiyo ang tinulungan kaming i-set up ang aming kamera at
panatilihin itong maayos. Nakakagaan ng loob kasi kahit na may ginagawa siya at
kamiy medyo maingay ay tinulungan niya parin kami.

Sa pagtatapos ng aming paggawa ng task, napagtanto ko po na mahirap
talagang magtimpi lalo na kapag galit na ang pinag-uusapan. Pero mayroon paring
mga taong taglay ang katangiang ito. Karamihan nga lang po sa mga taong dumaan
ay hindi nakapagtimpi lalo na sa pagtitingin sa kahon ay nahirapang ipakita ang
pagtitimpi nila sa sarili sa kabila ng aming paalala. Nakakatuwa na mayroong mga
taong handang habaan ang kanilang pagtitimpi upang hindi uminit ang sitwasyon.
Nakakalungkot nga lang na pagdating sa mga materyal na bagay ay may mga taong
nahihirapan magtimpi, lalo na ang mga kabataan.





Ryan Tristan Gajudo

PAGTITIMPI ugaling kailangan natin sa buhay. Sa pag-gawa ng Social
Experiment na ito napag-alaman ko na may mga taong tila nawawalan na ng
ganitong klaseng pag-uugali, sa pag gawa ng ilang patibong may mga taong
nawawala agad yung pag-uugali na yan ung tila konting bangga mo lang sisigaw
agad ng OW! at ung iba n aman ay hindi man sila sumigaw pinakita naman nila
ang pag-kainis sa ekspesyon ng kanilang mukha, sa isa naman naming patibong na
may isang walang laman na kahon kaming nilapag sa paseo de araneta may mga
dumaraan na pasimpleng sumisilip at ung iba naman ay pinupulot pa at
tinitingnan mabuti kung ano talaga ang laman nangyari pa nga minsan na ung
kahon na iyon ay kinuha pa at pinaglaruan. Sa social experiment na ito isa lang
yung natutunan ko. Hindi pala lahat ng tao ay kayang magtimpi siguro may mga
oras talaga na nawawala sa kanila ang pag-uugali na yan dala ng kanilang bad
mood pero sa tingin ko imposibleng mawala ang pag-uugali na iyan dahil para sa
akin pag-titimpi ang isa sa mga pangunahing pag-uugali na kailangan para maging
maayos ang pakikisalamuha sa kapawa mo.




Louise Marie M. Quiminales

Sa pagpaplano pa lang ng social experiment na ito ay alam ko na, na hindi
ito magiging madali. Lalo na't 'pagtitimpi' ang nabunot namin, sa unang tingin
mapapasabi ka ng, "ay madali lang yan," pero nung nagpa-paapruba na kami ng
mga task ay lagi itong na-re-reject dahil masyado daw itong maharas. Kasi akala
namin ang pagtitimpi ay makikita lamang sa pang-aasar ng tao o pang-iinis sa
kanila, ngunit hidi pala. At ang dami ko ding ginagawa, kaya sakripisyo talaga ang
pagsasagawa ng proyektong ito.
Habang isinasagawa ang secret task ay marami akong naramadaman, 'mixed
emotions'. Tulad nung sa gintong box na iniwan sa gitna ng daanan, nung una
akala ko wala papansin, nang 'di kalaunay may mangilan-ilan, yung iba sadyang
dina-daan daanan lang yung iba naman sadyang inuusisa nila yung laman yung
iba kinuha yung tsokolateng laman.
Ika nga nila curiosity killed the cat, gaya sa pagtitimpi para tayong mga pusa,
mga usiserot usisera. Minsan yung pag-uusisa natin ay may mabuting maidudulot,
minsan wala lang, minsang ito pa yung maghahatid sa tin sa kapahamankan.

You might also like