You are on page 1of 1

Ang mga datos na makakalap ay hihimay-himayin at gagawan ng talahanayan

upang maihanda sa interpretasyon ang analisang mga ito. Upang higit na maanalisa ang
mga datos, ang mananaliksik ay gagamit ng ibat-ibang uri ng istatistiko tulad ng mga
Pagbabahagdan (Percentage), Weighted Mean (x), ANOVA, istatistikal na tritment ng
mga datos.
Bilang konklusyon sa pag-aaral na ito, natuklasan na (1) Batay sa nakalap na
resulta nakakarami ang nagbigay katugunan sa talatanungan, may edad nalabing walo
(18), na sumasahod ang magulang na 4,999 pababa at katoliko. (2) Mas marami ang
gumagamit ng salitang balbal na chixs at aketch naman sa gay lingo. (3) Ang dahilan ng
pagtangkilik ng mga tagatugon sasalitang balbal ay dahil napapanahon ito. (4) Medyo
nakakaapekto ang salitang balbal sa pagtalakay tungkol sa napapanahong isyu.
Mula sa mga resulta at konklusyon naisinagawa ng pananaliksik, inihain ang mga
sumusunod na rekomendasyon: Una, Ipinapayong huwag masyadong tangkilikin ang
salitang balbal at gay lingo upang hindi makaapekto sa kasanayang pagsasalita. Ikalawa,
Huwag gumamit ng salitang balbal sa pagtalakay tungkol sa napapanahong isyu. Ikatlo,
Kailangang maging mapili sa mga tinatangkilik ng mga mag-aaral sa mga nauuso sa
panahon ngayon. Ikaapat, Hindi nararapat na masanay o maging malimit ang paggamit ng
mga salitang balbal. Kung maaari ay iwasan natin ang mag salita nito sapagkat ginagamit
din ito bilang pakikipag-ugnayan. Ikalima, Magbigay ng paalala na ang salita ay
nagbibigay kapangyarihan na makapaglalahad ng ating mga damdamin at saloobin,

You might also like