You are on page 1of 3

Pamamaraan, Nilalaman at Alituntunin ng Debate

Mekaniks:
1. Ang isang paksa na pagtatalunan ay tatagal lamang ng 25-30 minuto
kasama ang 5 minutong pagtatanong ng klase at talakayan. Ito ay binubuo
ng sumusunod na bahagi:
a. Pambungad na argumento: ang pagpapakilala sa usapin,
pinagmulan o ugat ng kontrobersya ( 3 minuto bawat panig);
b. Paglalahad ng argumento: ( 2 ulit ) nagpapaliwanag sa
paninindigan ng bawat grupo kasama ang presentasyon ng mga
ebidensya; pinapayagan sa debate ang paggamit ng mga multi-media
equipments upang maging makabuluhan at higit na makatotohanan
ang paghahayag ng argumento at paglalahad ng ebidensya na lalong
ikakukumbinsi ng mga hurado ( 2 minuto sa bawat panig sa bawat
argumento);
c. Rebuttal sa dalawang argumento: pagsagot at presentasyon ng
kontra-argumento at ebidensya ng magkabilang panig sa inilahad na
mga argumento ng isat isa; maaari ring magtanong ang bawat panig ;
d. Pangwakas na argumento: buod ng paninindigan at argumento ng
bawat isa, ang mga inilahad na ebidensya at ang huling paglilinaw ng
pangunahing argumento ng bawat panig ( 2 minuto bawat panig).
2. Dapat sumunod ang bawat panig sa itinakdang oras.
3. Pinapayagan sa klase ang paggamit ng mga multi-media equipments (para
ipakita ang graphs, charts, mga larawan, handouts, at iba pa) upang maging
makabuluhan at higit na makatotohanan ang paghahayag ng argument at
paglalahad ng ebidensya na lalong ikakukumbinsi ng hurado at manonood.
4. Ang bawat pangkat ay kailangan ding magpasa ng buod ng argumento ng
kanilang paksa:
BUOD NG ARGUMENTO
Lider:
Mga miyembro:
PAKSA:
I.
Tungkol saan ang paksa at bakit ito naging kontrobersyal?
II.
Ipaliwanag ang ibat ibang argumento/ interpretasyon ng mga
Historyador at mga Manunulat sa nasabing usapin
III.
Ano ang paninindigan ng grupo sa isyu?
IV.
Bibliograpiya(sources)
N.B. Answers should be in paragraph form; 5 pages excluding the
bibliography, double space, arial

DEBATE RUBRIC
Evaluators Name:
Batayan
(CRITERIA)

Mga Grupo na
Magkatunggali
1. Kaalaman at pagkakaunawa sa
paksa: mahusay na natukoy at
natalakay ang lahat ng mga
mahahalagang puntos at pangunahing
isyu sa paksa.
2. Organisasyon: malinaw, lohikal at
ganap na nailahad at naipagtanggol
ang paninindigan sa isyu at nasagot
ang argument at kontra-argumento ng
katunggaling panig.
3. Kalidad ng impormasyon o
Ebidensya: nasuportahan ng mga
kinakailangang datos at impormasyon
mula sa ibat ibang mga sources ang
lahat ng mga argument at pagsusuri.
4. Estilo at kahusayan sa
Komunikasyon: epektibo ang galaw
ng katawan, tindig, eyecontact,
angkop ang mga salitang ginamit sa
paksa, maayos ang diction, angkop
ang lakas ng boses.
5. Konklusyon: mahusay ang naging
buod sa paninindigan,
nakapagmumulat at
nakakakumbinsing pumanig sa mga
manonood sa ipinapanukalang

Napa
kahusay
(4.03.5)

Mahus
ay
(3.00)

Medyo
Mahus
ay
(2.52.0)

Hindi
Mahus
ay
(1.51.0)

paninindigan at pagkilos.
6. Paggamit ng Multi-media/ iba
pang mga ebidensya: tamang-tama
at nakatulong ng malaki sa pagkuha
ng interes at pag-unawa ng mga
manonood.
Kabuuang
Marka/ Grado6

You might also like