You are on page 1of 2

;\

LA SALLE COLLEGE
ANTIPOLO

Basic Education Unit

Pagpupulong ng Departamento 1.2


Katitikan ng Pagpupulong
Ika-28 ng Mayo, 2013, 8:30 ng umaga
Mga Nagsidalo:
Gng. Perla R. De La Cruz
G. Raymond Almer G. Villanueva
Gng. Delia A. Callueng

Bb. Janice B. De Asis


Gng. Maricar D. Marias
Gng. Marissa A. Silvestre

I.

Preliminaries
Pinangunahan ni Gng. Marissa A. Silvestre ang panalangin.

II.

Agenda
Nagkaroon ng pagrebisa sa mga kasanayang inilahad noong nakaraang taon.
A. Filipino 4
1. Isasagawa ang pagbabalik-aral ng kayarian ng salita.
2. Ang pagbabahanghay ng mga salitang kilos ay dinagdagan ng oras/panahon.
3. Dinagdagan din ang oras sa pagtatalakay ng pang-abay.
4. Ang lahat ng kasanayan sa Baitang 4 ng asignaturang Filipino ay
naiasakatuparan.
B. Filipino 5
1. Ang pagtatalakay sa kasanayan sa kayarian ng salita ay dinagdagan ng isang
lingo pa.
2. Ang pagtalakay sa kasanayan sa pangungusap ay dinagdagan din upang mahasa
ang mga mag-aaral sa pagsulat ng talata
3. Iminungkahi ni Gng. Silvestre na ang pagsulat ng liham-paumanhin ay base sa
mga sitwasyong kinasusuungan ng mga mag-aaral.
4. Ang lahat ng kasanayan sa Baitang 5 ay naisakatuparan.
C. Filipino 6
1. Ang mga kasanayan tungkol sa pagbuo ng mga salita, ayos, bahagi at uri ng
pangungusap ay gagawing apat na linggong pagtatalakayan.
2. Ang pagtatalakayan tungkol sa mga kasanayan sa pangngalan at panghalip ay
gagawing tatlong lingo.
3. Ang uri ng tayutay na tatalakayin ay pagtutulad, pagwawangis, pagbibigaykatauhan at pagmamalabis.
4. Iminungkahi ni G. Villanueva na dapat sanayin ang mga mag-aaral sa wastong
pagbigkas ng tula
D. Filipino 7
1. Ang kasanayan tungkol sa aspekto ng pandiwa ay aalisin na at magpopokus na
lamang sa pokus ng pandiwa. (Ang aspekto ng pandiwa ay hindi kasama sa
kurikulum ng Grade 7)
2. Gagawing LM 1 ang Pabula, LM 2 ang Alamat at LM 3 ang Epiko
3. Iminungkahi ni G. Villanueva na kailangang maiugnay ng mga mag-aaral ang
kanilang sarilinh karanasan sa mga pangyayari sa kabanata ng Ibong Adarna,
Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
E. Filipino 8
1. Gagawing LM 1 ang Tula, LM 2 ang Balagtasan, LM 3 ang Dulang Pantanghalan,
at LM 4 ang Florante at Laura
2. Ang performance task ng dulang pantanghalan ay pagsulat ng iskrip sa halip na
pagtatanghal ng dula.
F. Filipino 9
1. LM 1 ang Maikling Kwento, LM 2 ang Dula at LM 3 ang Noli Me Tangere
2. Ang paksa sa pagtatalumpati/talumpati ay gagawing espesyal na aralin

3. Muling aayusin o irerevise ang mga kasanayan at ibabahagi ni Gng. De La Cruz


sa bagong guro.
G. Filipino 10
1. Magiging espesyal na aralin ang parabula.
2. LM 1 ang pagdedebate/debate
3. Ililipat ang paksang pagdedebate/debate sa unang lingo ng unang katluhan
4. LM 2 ang Mitolohiya, LM 3 ang El Filibusterismo
5. Sa ikalawang katluhan isasakatuparan ang LM 2-Mitolohiya at unang bahagi ng
LM 3-El Filibusterismo.
Nagbigay ng pangwakas na panalangin si Gng. Perla De La Cruz .
Nagtapos ang pulong sa ganap na ika 11:55 ng umaga.
Inihanda ni:

Gng. Maricar D. Marias


Guro
cc: OIC-Principal, Vice Principal, Filipino Teachers, File

You might also like