You are on page 1of 34

Epektong Dulot ng Wattpad 1

Epektong Dulot ng Wattpad sa mga Mag-aaral


na Nasa Unang Taon ng Kolehiyo
sa Kursong Pagtutuos

Jasmine Joyce S. Bacurin

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Ma. Victoria R. Apigo

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


Sta. Mesa, Manila

Marso, 2014

Epektong Dulot ng Wattpad 1


KABANATA I
Panimula
Tila ang layo-layo na nga ng henerasyon noon sa henerasyon ngayon. Maraming
bagay na ang nagbago sa pamumuhay ng bawat tao dahilan para masabi kong tunay na
nasa modernong panahon na tayo. Isang magandang halimbawa ang aspeto ng pagbabasa.
Kung dati-rati, lahat ng mga kabataan aklat ang ginagamit sa tuwing nagbabasa ng mga
babasahin, ngayon dulot na rin ng teknolohiya ang mga imposible noon ay naging posible
sa kasalukuyang panahon nakapagbabasa na tayo ng maraming kwentong mula sa
magkakaibang genre gamit ang ating mga computer, laptop at maging sa ating mga
cellphone.
At isa sa pinakapopular na produkto ng teknolohiyang tinatangkilik ng maraming
kabataan sa kasalukuyang panahon ay ang Wattpad. Ang Wattpad ay isang uri ng social
networking site at isa ring online community na itinatag noong 2006 nina Allen Lau at
Ivan Yuen ngunit naging tanyag lamang sa lahat noong 2011. Ang aksesibilidad nito para
sa mga manunulat at mambabasa ang isa sa mga naging daan upang tuluyan itong
makilala at yakapin ng publiko partikular na ang mga kabataang Pilipino. Kaya naman
habang tumatagal lalong dumarami ang mga taong nakakikilala at sumusuporta dito.

A. Layunin ng Pag-aaral
Pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito na mapag-alaman at mailahad ang
ibat ibang patunay ng pagiging isang wattpader, ang mga dahilan ng pagkahumaling ng
mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos sa pagbabasa ng

Epektong Dulot ng Wattpad 2


Wattpad kaalinsunod ng mabutit masamang epekto nito sa kanila maging ang pananaw
ng mga ito ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad.

B. Suliranin ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong bigyang kasagutan ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Ano ang ibat ibang patunay ng pagiging isang Wattpader?
2. Bakit kinahuhumalingan ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa
kursong pagtutuos ang pagbabasa ng Wattpad?
3. Ano ang mga positibong epektong natatamo ng mga mag-aaral na nasa unang
taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos sa pagbabasa ng Wattpad?
4. Ano ang mga negatibong epektong natatamo ng mga mag-aaral na nasa unang
taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos sa pagbabasa ng Wattpad?
5. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong
pagtutuos ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad?

C. Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pag-alam at paglahad ng mga patunay ng
pagiging isang wattpadder maging ang dahilan ng pagkahumaling ng mga respondente sa
pagbabasa ng Wattpad. Sa pag-aaral na ito, ginamit ng mananaliksik ang Slovins formula
upang tukuyin ang bilang ng respondenteng tutugon sa talatanungan.

Epektong Dulot ng Wattpad 3


Pormula: n = N / (1 + Ne)

Aplikasyon:

= Kabuuang Bilang ng Sampol

n = N / (1 + Ne)

= Kabuuang Populasyon

= 1440 / (1 + 1440 * .10)

= Inaasahang Kamalian

= 1440/ 15.4
= 93.506 o 94

Ang mga respondenteng ito na may kabuuang bilang na 94 ay ang mga mag-aaral na
mula sa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos at maituturing na wattpader sa ibat
ibang kadahilanan. Pinili ng mananaliksik ang mga respondente ayon sa trend o
magkakaibang sampol ng iisang populasyon sa magkakaibang panahon. Isinaalang-alang
din sa pag-aaral na ito ang kahigpitan ng kurikulum sa kursong pagtutuos dahilan upang
alamin at ilahad din ng mananaliksik ang mabutit masamang epekto ng pagbabasa ng
Wattpad sa kanila maging ang kanilang pananaw ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad.
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa mula Disyembre, 2013 hanggang Marso, 2014
sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila.

D. Teoretikal na Balangkas
Ang teorya ay isang lupon ng mga salita at kaisipan na gustong magbigay ng
liwanag sa isang bagay na walang sapat na paliwanag. Produkto ito ng mga kuro-kuro
o haka-haka ng mga taong nagsagawa ng mga pag-aaral upang may mapatunayan. Sa
pananaliksik na ito, isinaalang-alang ang mga teoryang pinaniniwalaan ng
mananaliksik na may kaugnayan sa pag-aaral at makatutulong sa pagkamit ng mas
malalim na pag-unawa sa pag-aaral.

Epektong Dulot ng Wattpad 4


1

Ayon kay Emile Durkheim sa kanyang Evolutionary Theory ang isang lipunan

ay unti-unting nagbabago mula sa pinakasimple hanggang sa pinakakomplikadong


bagay, mula sa iisang porma hanggang sa magkakaiba, mula sa pagiging primitibo
hanggang sa mapalitan na ng modernisasyon, mula rural na pamumuhay hanggang
urban. Angkop ang teoryang ito sa ebolusyon ng mga babasahing aklatin hanggang sa
sa pag-usbong ng Wattpad.2 Kaalinsunod nito, ang Lazarus Theory ni Richard Lazarus
na tumutukoy sa stress na bunga ng paglampas ng demand sa kapasidad o kakayahan
ng isang taong maisagawa ang isang bagay. Isang halimbawa ang pagkakaroon ng
mataas na pamantayan ng isang paaralan na kung minsan hindi na umaangkop sa
abilidad at kapasidad ng mag-aaral. Ang teoryang ito ang sumasalamin sa pagpili ng
mananaliksik sa mga naging respondente, kung saan ang naturang kurikulum ng mga
mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos ay maituturing na
may kahigpitan at kahirapan dahilan upang umusbong ang presyur sa mga mag-aaral
na siyang nakapagbigay ideya sa akin upang alamin ang epekto ng pagbabasa ng
Wattpad sa katulad nilang nakararanas ng kahigpitang pang-akademiko. 3Ayon naman
sa Labeling Theory ni Howard Becker ang gawi ng bawat tao ay binibigyan ng label o
antas batay sa sariling opinyon o pananaw ng komunidad. Dito papasok ang ibat
ibang pagpapakahulugan ng mga mag-aaral sa kanilang mga sarili bilang mga

San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200
C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House
1

Sincero, S.M. (2011). http://explorable.com/stress-and-cognitive-appraisal

San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 CINSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House
3

Epektong Dulot ng Wattpad 5


wattpadder. 4Sumunod ang Rational Decision Making Theory ni Neil Smelser na
nagsasabing ang desisyon ng mga tao ay nakabatay sa sariling gawi at kaugalian nila
maging sa kondisyon o lagay ng isang sitwasyon. Sa teoryang ito papasok ang dahilan
ng mga respondente sa pagkahumaling sa pagbabasa ng Wattpad. 5Ang Psychological
Exchange Theory ni George Homans naman na naglalarawan sa interaksyon ng mga
tao bilang interaksyon na binubuo ng mga pabuya at parusa iniugnay ng mananaliksik
ang mabutit masamang epektong nadudulot ng pagbabasa ng Wattpad sa mga magaaral na nakabatay sa mismong interaksyon nila. 6Kaalinsunod nito ang isa pang
teorya ni George Homans, ang Rational Choice Theory kung saan ang bawat
indibidwal ay hinihikayat ng kani-kanilang sarilang mga mithiin maging ang mga
magagandang bagay na nakuha at nakukuha nila sa iba 7. Isinasaad ng teoryang ito na
nakabatay ang kanilang desisyon ukol sa kanilang sariling pananaw. Inilahad ng
mananaliksik ang teoryang ito bilang tugma sa personal na persepyon, opinion o
pananaw ng mga mag-aaral sa pagtangkilik ng Wattpad dahil sa ibat ibang bagay na
maaring makuha nila rito.
Ang mga teoryang magkakaugnay na inilahad ang siyang naging batayan ng
mananaliksik sa pag-aaral na ito. Pinaniniwalaan din na ang teoretikal na balangkas

San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 CINSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House
4

San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 CINSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House
5

San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 CINSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House
6

Epektong Dulot ng Wattpad 6


na ito ang magiging daan sa maaayos na daloy ng pag-aaral at sa mas malinaw na
mga impormasyon.

E. Konseptwal na Balangkas
Ang balangkas konseptwal ng mananaliksik ay ibinatay sa teoretikal na
balangkas na nauna nang nailahad.
Magsisimula ang pag-aaral sa paksa at pokus ng pananaliksik, ang Wattpad.
Sumunod dito ang mga napiling respondente ng pag-aaral, ang mga mag-aaral na nasa
unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos at magpapatuloy sa ibat ibang patunay
ng mga mag-aaral ng pagiging wattpadder. Kaalinsunod nito ang dahilan ng
pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng Wattpad kung saan gagamitan ng
deskriptib-sarbey na metodo sa pagkalap ng mga datos at impormasyon. At mula sa
metodo, ang daloy ng pag-aaral ay nakatuon din sa epektong dulot ng Wattpad sa mga
respondente, ang mabutit masama. Sa kabilang banda, ang pananaw ng mga
respondete ukol sa pagtangkilik ng Wattpad ay binigyang tuon din.
Ang dayagram 1 ang siyang magpapakita ng buong daloy ng konseptwal na
balangkas ng pag-aaral na kaugnay ng teoretikal na balangkas.

Epektong Dulot ng Wattpad 7


Dayagram 1.

Wattpad
Wattpad
EvolutionaryTheory)
Theory)
((Evolutionary
MgaMag-aaral
Mag-aaralna
naNasa
Nasa
Mga
UnangTaon
Taonng
ngKolehiyo
Kolehiyo
Unang
KursongPagtutuos
Pagtutuos
sasaKursong

(LazarusTheory)
Theory)
(Lazarus

Pananawng
ngRespondente
Respondente
Pananaw
ukol
sa
pagtangkilik
ukol sa pagtangkilik sasa
Pagbabasang
ngWattpad
Wattpad
Pagbabasa
(RationalChoice
ChoiceTheory)
Theory)
(Rational

Wattpadder
Wattpadder
(LabelingTheory)
Theory)
(Labeling

Dahilanng
ng
Dahilan
Pagkahumalingsasa
Pagkahumaling
Pagbabasa
ngWattpad
Wattpad
Pagbabasa ng
(RationalDecision
DecisionMaking
Makingtheory)
theory)
(Rational

DeskriptibDeskriptibSarbeyMetod
Metod
Sarbey

Epekto
Epekto
(PsychologicalExchange
Exchange
(Psychological
Theory)
Theory)

Masama
Masama

Mabuti
Mabuti

Epektong Dulot ng Wattpad 8


F. Paglalahad ng Metodolohiyang Ginamit
a. Metodong Ginamit
Ang metodong ginamit sa pananaliksik na ito ay deskriptib-sarbey metod
na angkop sa mga mag-aaral na nahuhumaling sa pagbabasa ng Wattpad.
Tinangkang suriin ng mananaliksik ang kasalukuyang damdamin, kaalaman at
pananaw ng mga respondente sa ibat ibang patunay ng pagiging wattpadder,
dahilan ng kanilang pagkahumaling nila rito maging sa mabutit masamang
epekto ng pagbabasa ng Wattpad sa kanila at ang kanilang mga tugon sa
pagtangkilik sa Wattpad.
b. Mga Respondente ng Pag-aaral
Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay mga mag-aaral mula sa unang
taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos sa Politeknikong Unibersidad ng
Pilipinas, Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila. Ang mga naturang mag-aaral ay
pinili ayon sa trend o magkakaibang sampol ng iisang populasyon sa
magkakaibang panahon na may kabuuang bilang na 94 ay mga Wattpadder
sa ibat ibang kadahilanan.
c. Instrumento sa Pangangalap ng Datos
Talatanungan o kwestyoner ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na
ito. Binubuo ang talatanungan ng 5 bilang na nagtataglay ng dikotomus at
maraming pagpipiliang mga tanong na ipinamahagit ipinasagot sa mga
respondente. Sinagot ng mga kalahok na respondente ang bawat tanong sa
pamamagitan ng paglalagay ng tsek () sa talatanungan. Sa kabuuan, ang

Epektong Dulot ng Wattpad 9


instrumentong ginamit ay siyang naging daan para makakuha ng mga datos na
susuporta sa pag-aaral ng mananaliksik.

*Ang liham na kalakip ng sampol ng talatanungan ay nasa susunod na


pahina.

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila

Epektong Dulot ng Wattpad 10

Ika-10 ng Enero, 2014

Sa mga kagalang-galang na respondente,

Isang mapagpalang-araw ang bati ko sa inyo!


Kalakip ng liham na ito ang talatanungan sa pag-aaral na aking isinasagawa bilang
pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik na pinamagatang Epektong dulot ng Wattpad sa mga Mag-aaral
na Nasa Unang taon ng Kolehiyo sa Kursong Pagtutuos. Ang nasabing pag-aaral ay may
pangkalahatang layunin na mapag-alaman at mailahad ang ibat ibang patunay ng
pagiging isang wattpader, ang mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral na nasa
unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos sa pagbabasa ng Wattpad kaalinsunod ng
mabutit masamang epekto nito sa mga nasabing respondente at ang pananaw ng mga ito
ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad. Makaaasa na ang mga impormasyong makukuha ay
gagamitin lamang sa pag-aaral na ito at hindi sa iba pang bagay.
Lubos na pagpapasalamat ang aking iniaabot sa oras na inyong inilaan, kooperasyong
ibinigay at tapat ninyong mga kasagutan. Maraming salamat at pagpalain tayong lahat!

Lubos na gumagalang,
BACURIN, Jasmine Joyce S.
Mananaliksik

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila

Epektong Dulot ng Wattpad 11


I. Profayl ng Respondente

Pangalan(Opsyonal): ______________________________

Petsa: __________

Kurso, Taon at Pangkat: _____________________________


Kasarian:

Lalaki [
Babae

]
[

II. Talatanungan
Panuto: Lagyan ng tsek () ang kasagutang umaayon sa inyong paniniwala o opinyon. Isa
lamang ang piliin. (Ang inyong katapatan sa pagsagot ay ipinagpapasalamat ng
mananaliksik.)

1. Maituturing mo ba ang iyong sarili bilang isang Wattpadder dahil sa mga sumusunod
na kondisyon:
1.1 Wattpadder ka kung hindi mo maipaliwanag ang kabog ng dibdib mo sa
tuwing may bagong kabanatang inaapdeyt ang awtor ng paborito mong
kwento.
Oo

Hindi

1.2 Wattpadder ka kung naglalaan ka ng ilang minuto para magmuni-muni at


magbalik-tanaw sa mga pangyayari ng kwento.
Oo

Hindi

1.3 Wattpadder ka kung hanggang sa panaginip nakikita mo ang mga karakter sa


kwento.
Oo

Hindi

1.4 At Wattpadder ka kung naaapektuhan ka ng sobra sa mga pangyayari na para


bang ikaw iyong karakter sa mismong kwento.
Oo

Hindi

2. Bakit mo kinahuhumalingan ang pagbabasa ng Wattpad?


Libangan o pampalipas-oras
Nakapagbibigay ng kasiyahan
Nakapagbibigay ng satispaksyon

Epektong Dulot ng Wattpad 12


Nakapagtuturo ng aral
Iba pa (Pakisulat) ______________________________
3. Ano sa tingin mo ang masamang naidudulot ng pagbabasa ng Wattpad sa mga katulad
mong mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos?
Napapabayaan ang pag-aaral
Nawawalan ng disiplina sa sarili
Nalilipasan ng gutom
Nawawalan ng oras sa pamilya at iba pang mahahalagang tao
Iba pa (Pakisulat) ______________________________
4. Ano naman sa iyong palagay ang mabuting naidudulot ng pagbabasa ng Wattpad sa
mga katulad mong mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos?
Lumalawak ang kaisipan ukol sa realidad
Nadedebelop ang 5 aspeto ng isang indibidwal (Pisikal, Mental, Emosyonal,
Sosyal at Espiritwal)
Nagkakaroon ng kasiyahan at satispaksyon sa sarili
Nakakalimutan ang mga problema
Iba pa (Pakisulat)
5. Sa iyong palagay, nararapat lamang bang tangkilikin ng mga mag-aaral sa unang taon
ng kolehiyo sa kursong Pagtutuos ang Wattpad?
Oo, dahil maramingbenepisyo ang makukuha sa pagababasa nito.
Hindi, dahil mas maraming dapat pagtuunan ng pansin sa kursong Pagtutuos
kaysa sa pagababasa ng Wattpad
Neutral
Di-masabi
*** MARAMING SALAMAT PO SA KOOPERASYON! :) ***
-JJSBd. Paraan ng Pagkalap ng Datos
Nagsimula ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng paggawa ng
instrumentong ginamit sa pananaliksik - ang talatanungan o kwestyoner na

Epektong Dulot ng Wattpad 13


nagtataglay ng mga katanungang umaayon sa layunin ng pag-aaral. Sumunod
na rito ang pamamahagi ng talatanungan sa mga respondente ng pag-aaral. At
huli, ang pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalap na datos.
e. Istatistikal na Tritment
Dalawang istatiskal na tritment ang ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral
na ito. Una, ang paglapat ng Slovins formula sa pagkuha ng kabuuang bilang
ng respondenteng sasalamin sa buong populasyon.

Pormula: n = N / (1 + Ne)

Aplikasyon:

= Kabuuang Bilang ng Sampol

n = N / (1 + Ne)

= Kabuuang Populasyon

= 1440 / (1 + 1440 * .10)

= Inaasahang Kamalian

= 1440/ 15.4
= 93.506 o 94

Ikalawa, upang makuha ang resulta ng mga datos kinuha ang porsyento o
bahagdan gamit ang pormula sa ibaba:
Bahagdan = Bilang ng Respondenteng May Magkakaparehong
Sagot/Bilang ng Kabuuang Respondente X 100

Aplikasyon:
Bahagdan = Bilang ng Respondenteng May Magkakaparehong
Sagot/Bilang ng Kabuuang Respondente X 100

Epektong Dulot ng Wattpad 14


= 12/94 X 100
= 12.7 % o 13%

Epektong Dulot ng Wattpad 15


KABANATA II
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga lokal at internasyonal na babasahin at
pag-aaral na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik na ito.

A. Kaugnay na Literatura
8

Ang panahon ay hindi lang nagbabago ito ay ganap at lubusang nagbabago. Habang

ang mga social media ay nagiging parte ng buhay natin isang malawakan at
demokratikong kulturang pagbabago ang nag-aabang. Sa tulong ng ugnayan sa isat-isa,
pagbabahagi ng karanasan at pagsasaayos ng online unti-unting nahuhubog ang publiko,
paghubog na hindi pa nangyayari noon ang dala ng mga social media ngayon. Ang
pundasyon ng pagtangkilik ng maraming tao dito ay ang kakayahang pamamahayag nito
na nagagamit ng maraming tao sa buong mundo.

B. Kaugnay na Pag-aaral
Ayon sa pananaliksik ng mga mag-aaral mula sa STI Global City na pinamagatang

Epekto ng Oplayn na Laro sa mga Piling Estudyante ng Colegio de Sta. Ana na


naglalayong alamin ang epekto ng Oplayn na laro sa pag-aaral ng mga estudyante ng
Colegio de Sta. Ana, ang mga Oplayn na Laro na tinatangkilik ng mga mag-aaral ng
Colegio De Sta. Ana, mga masamang epekto sa pag-aaral ng mga estudyante, magiging
epekto ng Oplayn na laro sa kaalaman ng mga estudyante at sa iba pang asignaturang
8

Zandt, D.W. (2010). http://www.amazon.com/Share-This-Change-Social-Networking/


dp/1605094161
9
Flores, J.C. (2013). http://www.slideshare.net/JenoFlores/epekto-ng-oplayn-na-laro

Epektong Dulot ng Wattpad 16


inaaral nila kasabay ng kanilang paglalaro at mga positibong epekto ng oplayn na laro sa
mga estudyante. Ang mga mananaliksik ay humantong sa mga konklusyon na ito:
1. Isa sa mga konklusyon ng mga mananaliksik ay, ang Text Twist ang paboritong
laruin ng mga estudyante.
2. Ang pagtaas ng memorya ang isa sa konklusyon ng mga mananaliksik, sapagkat
ayon sa mga nakalap naming mga impormasyon na ang pagtaas ng memorya ng
mga estudyante ang dahilan kung bakit nila ito kinagigiliwan.
3. Kung ang positibong epekto ng paglalaro ng Oplayn na laro ay ang pagtaas ng
memorya, ang negatibo epekto naman ay ang pagpapabaya sa pag-aaral.
4. Ayon sa nakalap ng mga mananliksik na impormasyon na ang Oplayn na Laro ang
kadahilanan sa pagpapabaya sa pag-aaral ng mga estudyante.
5. Napag-alaman ng mga mananaliksik na araw-araw naglalaro ng Oplayn na Laro
ang mga estudyante, ngunit kailangang limitahan nila ito upang hindi mapabayaan
ang pag-aaral.
6. Kinagigiliwan nila ang Oplayn na Laro dahil narerelax sila sa paglalaro nito,
bukod dito ay nahahasa din ang kanilang memorya.
10

Ayon naman sa pag-aaral ni Sanzhar Naizabekov sa kanyang pananaliksik na

pinamagatang Negative Impact of Social Networking Sites on Academic Performance of


Students na naglalayong alamin ang mga epektong nadudulot ng social media sa mga
mag-aaral at ang mga posibleng solusyon dito lumilitaw na ang mga mababang marka ng
10

Nayzabekov, S. (2009). https://www.academia.edu/1810511/


Negative_impact_of_social_networking_sites_on_academic_performance_of_students

Epektong Dulot ng Wattpad 17


mga mag-aaral ay bunga ng multi-tasking iniaaplay sa pang-araw-araw na buhay. Ayon sa
kanya, ang sabay na gawaing ipinipilit ng mga mag-aaral ay nagdudulot ng hindi
magagandang resulta lalo na sa kanilang pag-aaral.

KABANATA III
Paglalahad at Pagsusuri sa mga Nakalap na Datos

Epektong Dulot ng Wattpad 18


Sa kabanatang ito inilahad at sinuri ang mga datos na nakalap mula sa talatanungang
ipinamahagi sa mga respondente.

Interpretasyon:
Ipinapakita ng talahanayan 1.1 na sa siyamnaput apat (94) na respondenteng
tumugon sa talatanungan dalawamput pitong porsyento (27%) na katumbas ng
dalawamput limang (25) respondente ang naniniwalang hindi sila Wattpadder dahil lang
sa kondisyon na hindi nila maipaliwanag ang kabog ng kanilang dibdib sa tuwing may
bagong inaapdeyt ang paborito nilang awtor samantalang pitumput tatlong porsyento
(73%) naman na katumbas ng animnaput siyam (69) na respodente ang sumang-ayon na
maituturing nila ang kanilang mga sarili bilang mga Wattpadder dahil kumakabog ang
kanilang mga dibdib sa tuwing may bagong inaapdeyt ang paborito nilang awtor.

Analisis:

Epektong Dulot ng Wattpad 19


Malaking porsyento ng respondente ang naniniwalang sila ay mga Wattpadder dahil
mas nananig ang kabog ng kanilang dibdib sa tuwing ang paborito nilang awtor ay nagaapdeyt ng mga detalye sa kwentong kanilang binabasa samantalang maliit na porsyento
ng mga respondente ang naniniwalang Wattpadder sila ngunit hindi sa kondisyong
inilahad ng mananaliksik marahil ang resultang ito ay bunga ng pagkakaiba ng damdamin
at estado ng emosyonal na aspeto ng mga respondente sa tuwing magbabasa ng wattpad.

Interpretasyon:
Sa talahanayan 1.2, inilalarawan na pitong porsyento (7%) na katumbas ng pitong (7)
respondente ang hindi sumang-ayon sa kondisyong sila ay Wattpadder sa kadahilanang
naglalaan sila ng ilang minuto para magmuni-muni at magbalik-tanaw sa mga pangyayari
sa kwento at siyamnaput tatlong porsyento (93%) naman o walumput pitong (87)

Epektong Dulot ng Wattpad 20


respondente ang umaming sila ay Wattpadder dahil naglalaan sila ng ilang minuto para
magmuni-muni at magbalik-tanaw sa mga pangyayari ng kwento.

Analisis:
Sa ikalawang kondisyong inilahad ng mananaliksik lumitaw na karamihan sa mga
respondente ay naglalaan ng oras sa pagmumuni-muni at pagbabalik- tanaw sa bawat
detalye ng kwento ngunit may mangingilan-ngilan parin ang sumalungat sa kondisyong
inilahad na marahil ang mga sumagot ng hindi ay mga respondenteng may iba pang
pakahulugan ng pagiging Wattpadder na ilalahad sa mga susunod na talahanayan.

Interpretasyon:
Ang talahanayang ito, talahanayan 3 na naglalahad ng kondisyon na nakatuon sa
pagiging Wattpader ng mga respondente sa kadahilang hanggang sa panaginip nakikita
nila ang karakter sa kwento, apatnaput isang porsyento (41%) ang sumagot ng oo, ito ay

Epektong Dulot ng Wattpad 21


katumbas ng tatlumput siyam (39) na respondente samantalang limamput siyam na
porsyento (59%) naman na katumbas ng limamput limang (55) respondente and sumagot
ng hindi.

Analisis:
Sa pagkakataong ito, nangibabaw ang mga respondenteng hindi nakikita ang mga
karakter sa kwentong kanilang binabasa sa kanilang panginip ngunit hindi naman
nalalayo ang bilang ng mga respondenteng maiuturing ang kanilang mga sarili bilang
mga Watpadder dahil sa ikatlong kondisyong inilahad ng mananaliksik. Isang maaaring
nagbunsod upang lumitaw ang resultang ito ang pagkakaiba ng mga ibat ibang aspeto ng
pagkatao ng mga respondente.

Interpretasyon:

Epektong Dulot ng Wattpad 22


Inilalarawan ng talahanayan 1.4 ang ika-apat at huling kondisyon ng mananaliksik sa
kung anong mga pagkakalarawan ng mga respondente sa kanilang pagiging Wattpadder
lumabas na labinglimang porsyento (15%) o labing-apat (14) na respondente ang sumagot
ng hindi sa kondisyong maituturing nila ang kanilang mga sarili bilang mga Wattpadder
dahil naapektuhan sila ng sobra sa mga pangyayari na para bang sila ang karakter ng
mismong kwento samantalang walumput limang porsyento (85%) o walumpung (80)
respondente ang sumagot ng oo.

Analisis:
Lumilitaw na karamihan sa mga respondente ay inilalarawan ang kanilang mga sarili
bilang mga Wattpadder dahil naaapektuhan sila ng sobra sa kwentong kanilang binabasa
na para bang sila iyong mismong gumaganap sa kwento. Ngunit kaalinsunod parin nito
ang bahagdan ng mga respondenteng hindi itinuturing ang kanilang mga sarili na
Wattpadder dahil lang sa huling kondisyong inilahad. Ang magkakaibang estado ng
emosyon sa bawat respondente ang isa sa mga tiningnang dahilan ng mananaliksik ukol
sa resultang lumitaw.

Epektong Dulot ng Wattpad 23

Interpretasyon:
Ang Talahanayan 2 ay tumutukoy naman sa ibat ibang kadahilanan ng mga
respondente kung bakit nila kinahuhumalingan ang pagbabasa ng Wattpad. Kapwa
walang sumagot sa dahilan na ang Wattpad ay nakapagbibigay ng satispaksyon at
nakapagtuturo ng aral, dalawang (2) respondente naman na katumbas din ng dalawang
porsyento (2%) ng kabuuang populasyon ang tumugon sa iba pang dahilan ng
respondente. Limampung porsyento (50%) sa mga respondenteng sumagot ng iba pa ay
nagsabing nagsisilbing inspirasyon ang pagbabasa ng Wattpad kaya sila nahuhumaling
dito at ang natitirang limampung porsyento (50%) ay nagbigay ng dahilan na habit na raw
kasi ang pagbabasa ng Wattpad. Anim na poryento (6%) naman ng kabuuang populasyon
na sumasalamin sa anim na respondente (6) ang sumang-ayon na nakapagbibigay ng
kasiyahan ang pagbabasa ng Wattpad at siyamnaput dalawang poryento (92%) ang

Epektong Dulot ng Wattpad 24


sumagot na libangan o pampalipas-oras na nila ang pagbabasa ng Wattpad kaya nila ito
kinahuhumalingan.

Analisis:
Lumilitaw na malaking bahagdan ng respondente ang nahuhumaling sa Wattpad
dahil nagsisilbi na itong libangan o pampalipa-oras ng mga naturang mag-aaral. Hindi rin
maikakaila ayon sa datos na nakalap na may iilan ang naniniwala na ang pagbabasa ng
Wattpad ay nakapagbibigay ng kasiyahan, ang iba naman ay may sariling dahilan ng
pagkahumaling nila sa Wattpad at walang respondente naman ang sumang-ayon na
nahuhumaling sila sa pagbabasa ng Wattpad dahil nakapagbibigay ito ng satispaksyon at
nakapagtuturo ng aral. Ang ganitong resulta ay pinanghihinuhaan ng mananaliksik na
nakadepende sa dalas ng panahong ginugugol nila sa pagbabasa ng Wattpad.

Epektong Dulot ng Wattpad 25

Interpretasyon:
Ang talahanayan 3 ang nagpapakita sa mga tugon ng respondente ukol sa mga
masamang epektong dulot ng pagbabasa ng Wattpad sa kanila. Tatlong porsyento (3%) na
tumutukoy sa tatlong (3) respondente ng kabuuang populasyon ang sumagot ng iba pa
kung saan ang isa (1) rito ay may pananaw na ang pagbabasa ng Wattpad ay nagiging
dahilan ng pagkukulang niya ng oras na makapag-aral, ang isa (1) naman ay nagsabing
napupuyat siya sa pagbabasa ng Wattpad at ang natitirang isa (1) ay nagsawalat na dahil
sa pagbabasa ng Wattpad nakaliligtaan na niya ang mga gawaing-bahay. Limang
porsyento (5%) naman ng kabuuang populasyong katumbas din ng limang (5)
respondente ang sumagot na nalilipasan sila ng gutom sa pagbabasa ng Wattpad,
labingdalawang (12) respondente naman o katumbas ng labingtatlong porsyento (13%)
ang sumagot na nawawalan sila ng oras sa pamilya at iba pang mahahalagang tao dahil sa
pagbabasa ng Wattpad. Nawawalan naman ng disiplina sa sarili ang tugon ng

Epektong Dulot ng Wattpad 26


dalawamput siyam (29) na respondenteng katumbas ng tatlumput isang porsyento
(31%) ng kabuuang populasyon. At apatnaput limang respondente (45) naman ang
nagsabing napapabayaan nila ang kanilang pag-aaral dahil sa pagbabasa ng Wattpad.

Analisis:
Mula sa mga datos na nakalap mahihinuha ng mananaliksik na ang pagpapabaya ng
mga respondente sa pag-aaral na lumitaw bilang pinakamasamang epekto ng wattpad sa
kanila ay bunga ng ibat ibang dahilan ng pagkahumaling ng mga naturang respondente
sa Wattpad na ipinakita sa nauna ng talahanayan, ang talahanayan 2.

Epektong Dulot ng Wattpad 27


Interpretasyon:
Ipinapakita ng talahanayan 4 ang daloy ng mga tumugon ukol sa mabuting epektong
dulot pagbabasa ng Wattpad sa kanila. Sa pagkakataong ito walang respondente ang
nagbigay ng iba pang kasagutan samantalang siyam (9) na respondente o sampung
poryento (10%) ng kabuuang populasyon naman ang sumang-ayon na nakatutulong ang
pagbabasa nila ng wattpad sa pagdebelop ng 5 aspeto ng isang indibidwal, ang pisikal,
mental, emosyonal, sosyal at espiritwal. Sa kabilang banda dalawamput tatlong (23)
respondenteng katumbas ng dalawaput apat na porsyento (24%) ang naniniwala na
nakalilimutan nila ang kanilang problema dahil sa pagbabasa ng Wattpad, dalawamput
siyam (29) o tatlumput isang porsyento (31%) naman ng mga respondente ang nagsabing
lumalawak ang kanilang kaisipan ukol sa realidad sa tulong ng Wattpad at tatlumput tatlo
(33) na katumbas ng tatlumput limang porsyento (35%) ng mga respondente ang
sumagot na ang kabutihang dulot ng pagbabasa ng Wattpad sa kanila ay ang pagkakaroon
ng satispaksyon at kasiyahan sa sarili.

Analisis:
Ang resultang lumitaw base sa mga nakalap na datos maging sa pangingibabaw ng
pagkakaroon ng satispaksyon at kasiyahan sa sarili bilang pinakamabuting epektong dulot
ng Wattpad sa mga respondente ay pinaniniwalaan ng mananaliksik na maaaring bunga
ng ibat ibang ingay-panloob ng bawat respondente.

Epektong Dulot ng Wattpad 28

Interpretasyon:
Ang talahanayan 5 ay tumutukoy sa sariling persepyon ng mga respondente kung
dapat lang bang tangkilikin ang pagbabasa ng Wattpad. Base sa mga nakalap na sarbey
may parehong bilang ng respondente ang sumagot ng oo dahil maraming benepisyo ang
makukuha sa pagbabasa nito at ang mga respondenteng sumagot na di-masabi kung dapat
o hindi ba dapat tangkilikin ang pagbabasa ng Wattpad. Ang mga respondenteng ito ay
may eksaktong bilang na lima (5) na katumbas din ng limang porsyento (5%) ng
kabuuang populasyon. Sinusundan ito ng dalawamput apat na porsyento (24%) o
dalawamput tatlong (23) respondente na nagsabing hindi na dapat tangkilikin pa ang

Epektong Dulot ng Wattpad 29


pagbabasa ng Wattpad dahil mas maraming bagay ang dapat pagtuunan ng pansin kaysa
sa pagbabasa nito. Nangibabaw naman ang mga respondenteng sumagot ng neutral na
may bilang na animnaput isang (61) katumbas ng animnaput limang porsyentong (65%)
ng kabuuang populasyon.

Analisis:
Mahihinuha ng mananaliksik batay sa mga nakalap na datos kung saan lubos na
nangibabaw ang mga respondenteng hati ang opinyon kung dapat bang tangkilikin pa ang
Wattpad o hindi na ay bunga ng parehong masama at mabuting epektong naidudulot ng
wattpad sa mga respondente na naunang nasuri sa ikatlo at ikaapat na talahanayan.

KABANATA IV

Epektong Dulot ng Wattpad 30


Paglalahad ng Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon
Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalahad ng mga natuklasan, napatunayan at
mga mungkahi para sa kalutasan at kabutihan ng pag-aaral na ito.

Natuklasan
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa layuning mapag-alaman at mailahad ang
ibat ibang patunay ng pagiging isang wattpader, ang mga dahilan ng pagkahumaling ng
mga mag-aaral ng mga respondente sa pagbabasa ng Wattpad kaalinsunod ng mabutit
masamang epekto nito sa kanila at ang pananaw ng mga ito ukol sa pagtangkilik nila sa
Wattpad. Ang pag-aaral ay batay sa mga naitala at ibinigay na sagot ng siyamnaput apat
(94) na mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos. Ginamitan ito ng
deskriptib-sarbey metod samantalang dikotomus at maraming pagpipiliang tanong naman
ang uri ng sarbey na ginamit sa pangangalap ng datos at impormasyon. Ang pag-aaral ay
isinagawa sa pagitan ng Disyembre, 2013 hanggang Marso, 2014.
Natuklasan na sa siyamnaput apat (94) na kabuuang populasyon, animnaput siyam
(69 o 73%) ang nagpapatunay ng pagiging wattpadder nila dahil sa kabog ng dibdib sa
tuwing may bagong inaapdeyt ang paborito nilang awtor, walumput lima (85 o 93%) ang
naglalaan ng ilang minuto para magmuni-muni at magbalik-tanaw sa kwento, at walumpu
(80 o 85%) naman ang naapektuhan ng sobra na para bang sila ang karakter sa mismong
kwento. Dagdag pa rito, walumput anim (86 o 91%) ang nagsabing libangan at
pampalipas oras na nila ang Wattpad kaya nila ito kinahuhumalingan, kapabayaan naman
sa pag-aaral ang tugon ng apatnaput limang (45 o 48%) mag-aaral ukol sa masamang
dulot nito sa kanila at tatlumput tatlo (33 o 35%) ang sumagot na ang kabutihang dulot

Epektong Dulot ng Wattpad 31


nito sa kanila ay satispaksyon at kasiyahang ibinibigay ng wattpad. Nangibabaw din ang
neutral na pananaw ng mga respondente sa pagtangkilik ng Wattpad kung saan
animnaput isa (61 o 65%) ang tumugon sa nasabing sagot. Bawat datos na ito ay
pinatototohanan ng mga talahanayang nauna nang inilahad.

Konklusyon
Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon at kaalinsunod ng pangkalahatang
layunin ng pag-aaral na ito, buong tapat na inilalahad ng mananaliksik ang mga
sumusunod na konklusyon:
1. Ang mga patunay ng pagiging isang wattpadder ay tumutukoy sa kabog ng
dibdib sa tuwing may bagong inaapdeyt ang awtor ng paboritong kwento, sa
paglalaan ng ilang minutong pagmumuni-muni at pagbabalik-tanaw sa mga
pangyayari nito at sa pagiging sobrang apektado na para bang mga karakter sa
kwento.
2. Kinahuhumalingan ng mga mag-aaral ang pagbabasa ng Wattpad dahil nagsilbi
na itong libangan o pampalipas-oras nila.
3. Napatunayan na ang pagbabasa ng Wattpad ay nagiging dahilan upang
mapabayaan ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral.
4. Nakabubuti ang pagbabasa ng Wattpad sa aspetong nabibigyan nito ang mga
mag-aaral ng satispaksyon at kasiyahan.
5. Neutral ang pananaw ng mga mag-aaral sa pagtangkilik ng Wattpad dahil sa
parehong mabutit masamang epekto nito sa kanila.
Rekomendasyon

Epektong Dulot ng Wattpad 32


Kaugnay ng isinagawang pag-aaral at ng mga konklusyong inilahad iminumungkahi
ng mananaliksik nang may buong giliw at pagpapakumbaba ang mga sumusunod na
rekomendasyon:
1. Para sa mga respondente at maging sa iba pang Wattpadder, ipagpatuloy
lamang ang pagbabasa ng Wattpad kasabay ng pag-aplay ng time management
o tamang paggugugol ng oras at prioritization o pagtimbang sa kung ano ang
mas mahalagang gawin. Sa ganitong paraan mababalanse ang oras sa
pagbabasa ng Wattpad at sa iba pang bagay.
2. Para sa mga respondente, kung sa palagay ninyo ay hindi na nakatutulong ang
pagbabasa ng Wattpad sa inyong pag-aaral na kung minsan pay nagiging
produkto na nito ang mga mababat bagsak na marka hinihikayat ng
mananaliksik na itigil pansamantala ang pagbabasa nito hanggang sa maaplay
ang mga bagay na nauna nang iminungkahi.
3. Para sa iba pang mag-aaral, buong pusong hinihikayat ng mananaliksik na
palawakin pa ang pag-aaral na ito upang makabuo ng mga bagong tuklas ukol
sa pagbabasa ng Wattpad.
4. Para sa lahat, mahalagang malaman natin na ang mabutit masamang epektong
maari nating maranasan o matamo ay nakadepende sa kung paano natin ito
isinagawa dahil ang katotohanang tayo ang gumuguhit sa sarili nating
kapalaran ay hindi na maikaiila pa.

REFERENSYA

Epektong Dulot ng Wattpad 33


San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning.
200 C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House
Sincero, S.M. (2011). http://explorable.com/stress-and-cognitive-appraisal
Zandt, D.W. (2010) http://www.amazon.com/Share-This-Change-Social-Networking/
dp/1605094161
Flores, J.C. (2013). http://www.slideshare.net/JenoFlores/epekto-ng-oplayn-na-laro
Nayzabekov, S. (2009). https://www.academia.edu/1810511//Negative_impact_of_social
_networking_sites_on_academic_performance_of_students

You might also like