You are on page 1of 4

Yugto 1: Meron

Pilosopiya = Pagpapatayo ng Bahay


Hindi natatapos, patuloy na ginagamit at inaayos
Pundasyon, binubuo ang pagmamalay
ANO ANG BAG?
May kaisipan na may nilalaman - nalilito at hindi tinatanggap ang hangganan
Bag (according to Oxford Dictionay): a flexible container with an opening at the top
that is capable of being closed
Generic, hindi ganoon kalinaw
Mahirap makahanap ng depinisyon na sasalo sa konsepto ng bag
Mas maliliit na hangganan
Bahagi ng disiplina
Konsepto
Kaisipan na may nilalaman at may hangganan
Conceptus - tumutukoy sa isang anak o supling; bunga ng ina at ama
Pagtatalaban ng ako (na nag-iisip) at hindi ako (na aking pinag-iisipan)
Ako (na nag-iisip) ay laging nasa labas ng konsepto (e.g. kahon) kahit na sarili ko
ang aking pinag-iisipan
Subjectum (ilalim) | Objectum (ibabaw)
Pwedeng lumikha ng iba't ibang konsepto, imahinasyon (larangan ng purong konsepto)
Nag-iiba kapag tinanong kung "meron"
Numinipis ang kaisipan at nagiging konsepto LANG
Ugat -> merong tinutukoy na tunay na bagay
MERON
Hindi teknikal na salita, may kalaliman na hindi napapansin
Mula sa "may roon"
May katutubong pagmamalay sa talagang-totoo at talagang nangyayari (meron <->
konsepto)
Being / sein / tre / ontos / esse - hindi angkop na salin ng meron
Kahit saan tumingin, nakikita o nararanasan ang meron
Katutubong pagmamalay sa katalagahan
Nagiging pangngalan ang meron
Ano? -> Paglilinaw ng nilalaman at hangganan ng kaisipan
Bakit walang wala? Hindi tinutukoy ang wala.
Wala - hindi kabaligtaran ng meron; hindi pwedeng gawing rason ang wala dahil
hindi ito nararanasan

MERON <--> KONSEPTO


Konsepto ng magiging supling - magiging realidad pa lamang
Ugnayan at pagkakaiba ng konsepto at meron
Generic - bag; kinakailangang ilapat sa libu-libong uri ng bag
"Meron akong bag" - hindi na pangkalahatan, kahit na maraming katulad,
bukod-tangi pa rin
Ang lahat ng meron ay bukod-tangi
Kapag ginagamit ang konsepto, hindi na nakikilala ang pagkaka-bukod-tangi ng
isang bagay - generic
Hindi kayang mahuli ng kaisipan na may nilalaman at hangganan ang meron
Limitasyon - nasa isip lang
Meron ay meron pag-isipan man ito o hindi
Abstraksyo - proseso ng pag-iisip sa isang kaisipan, malawak
"Meron" ang nararanasan, hindi nararanasan ang wala
Talinghaga ng abot-tanaw (e.g. hindi makita ang nasa K202 dahil 'merong'
sahig)
Binubuo ng meron ang abot-tanaw
'Meron pa': isang abot-tanaw na lumalawak
Karanasan ng 'meron' ay walang hangganan dahil 'meron pa'
Konsepto - lab ng aking karanasan ng meron, nakabatay pa rin sa meron; kahit
walang pink na elepante, may karanasan na merong kulay pink at merong elepante
Ginagamit na panturo at pantukoy ng 'meron'; tinutukoy ang talagang totoo
Baliktad na patakaran
Konsepto muna dahil madali itong ipaliwanag
Nararanasan ang 'meron' - hubog ng konsepto
Ang konsepto ay hindi 'meron'
Konsepto ay nahahanap lamang kapag iniisip; lahat ng konsepto ay nakabatay
sa meron
Pangalan ng isang bagay, konektado sa kaisipan
Misconceptions:
[x] Konsepto ng wala | [/] Wala = pagkahindi naroroon ng meron
Meron akong konsepto - magkaiba ang meron at konsepto
WALA NA / WALA PA
'Wala na' hindi dahil sa naging wala, kung hindi dahil sa nagbabago ang anyo
'Wala pa' ay hindi katumbas ng wala
Seinsvergessenheit - pagkalimot sa signs
MAITATANONG BANG, "ANO ANG MERON?"
Pagbibigay-depinisyon - problematiko dahil ang mahihindi sa meron ay "hindi wala",

subalit ito ay tunay na kabaligtaran sapagkat wala namang wala


Merong walang-hanggan, walang-hanggan ang meron
[Video, vodafone]
May pinag-uugatan ang konsepto na nakabatay sa karanasan ng meron
(relasyon ng meron at konsepto)
Iba-iba ang konsepto ng bawat tao sa meron
BALIKTAD PALA
Una: kung meron ang sinasaliksik, hindi yata maiiwasang magsimula sa lab
Pangalawa: huwag kalimutang baliktad nga, ang pagkakabaliktad na ito [PSM 14]
Gumagamit tayo ng salita.
Pananaliksik sa meron ay pagtawag ng pansin sa mga nangyayari araw-araw, ngunit
hindi pinapansin; pagpukaw ng malay-tao sa mga lihim na ginaganap sa mga loob ng
mismong malay-tao
Sa ganitong uri ng paghahanap, salita ang kasangkapang ginagamit
Tapang ng salita: kanita -> kita
Kanita - tayong dalawa, imbes na mula sa akin papunta sayo (minamahal
kita)
Diagram: Meron <---> Konsepto
Mula sa meron ang konsepto [abstraksyo, labi ng karanasan] Meron <---- Konsepto
Patungo sa meron ang konsepto [panturo at pantukoy sa meron] Meron ---->
Konsepto
Prinsipyo: Ang meron ay...
1. Hindi konsepto
2. Naunna sa konsepto
3. Lumalagpas sa konsepto
DEPINISYO, AKSIYOMA, SISTEMA
Depinisyo - pangungusap na inilalagda ang dapat maging nilalaman at ang dapat
maging hangganan ng konsepto; galing sa Latin na kataga (definitio)
Aksiyoma - mailalahad itong mga alituntuning ito sa malilinaw na pangungusap [PSM
17]
Sistema - kabuuang desenyo, pangkalahatang konsepto na maayos, nagtipon, at
binuo [PSM 17]
SISTEMANG LAB NG BUHAY
Kadalasang hindi tayo mulat na meron tayong sistemang personal. Nakatago sa

kawalang-malay itong sistemang ito.


Pagmamalay o Subconscious
May mga ala-alang sadyang nawawala o nakakalimutan
Iba ang pagmemeron ng tao sa pagmemeron ng ampalaya
Malinaw man o malabo, nakakulong pa rin ako [PSM 18]
Nagwawala - hindi naaayon sa nakasanayan, sa talagang-totoo
Napakalalim ng likas na udyok ng kalooban sa meron
Inaakala ng aking sistema ay balangkas ng meron (pagkakamali)
Sinaunang apirmasyon
Pagbigkas sa meron
Pagkagat sa meron
Hindi isinusubo nang buo dahil hindi saklaw ang lahat (abot-tanaw)
Alam ko na alam ko ang meron [PSM 21]
May likas na udyok ang tao na maghanap ng katotohanan -> binibigkas ang meron
kahit may kalituhan -> wag magpapakulong sa konsepto, balikan ang meron

You might also like