You are on page 1of 2

Haypotesis:

Masasabing mayroong sikolohikal na epekto ang teleseryeng romantiko sa


kabataang lalaki at babae ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa
Manila sa kanilang pananaw sa panonood. Ang ibat-ibang reaksyong nakapaloob na
hatid ng kanilang panonood ng mga ganitong teleserye, ay may kaugnayan sa
kanilang pag-uugali, pagkilos at pag-iisip sa ibat-ibang aspekto ng lipunan.

Balangkas Teoritikal:
Sa Social Cognitive Theory ni Bandura (1986) binibigyang-diing nakukuha ng tao ang
pag-uugali sa pamamagitan ng pagmamasid sa iba at paggaya sa ang anumang
napagmamasdan.Puno ng mga ibat ibang karakter, mabuti o masama man, ang mga
advertizment na maaaringgayahin ng mga bata. Subalit sa patnubay ng titser at sa paggamit ng
mga ito sa pagtuturo aymagiging makabuluhan ang mga maiikli subalit maimpluwensyang mga
advertizment.
Sa Cultural Determinism Theory ng mga anthropologist ay tinitingnan na ang kultura at
ang kapaligiran ng isang tao, ay isa sa mga salik ng kanilang pag-uugali. Ang pagyabong ng
personalida ng isang tao ay resulta ng kanyang nakikita (Boas,1992). At mga personalidad na ito
ng mga miyembro ng lipunan ay tiny replicas ng kanilang kulturang pinanggalingan (Benedict,
1987).
Sa Stereotype Theory naman ni Cardwell (1996), ay nakasaad ang panglalahat na
paniniwala sa isang grupo o klase ng tao. Sa stereotyping nakikita natin na ang pag-uugali at
katangian ng isang tao na mayroon sa grupong kinabibilangan nito. May mabuti at masama itong
epekto. Una, sa pamamagitan nito ay nakakatugon tayo sa mga sitwasyon dahil mayroon na
tayong parehong karanasan noon, ngunit sa kabilang banda dahil din dito ay ipinapagwalang
bahala na lang natin ang pagiging unique ng bawat tao.

You might also like