You are on page 1of 1

PATUTUNGUHAN

Renbel M. Santos
(ANSHS, SST-I)
Akoy isang ibon, sa kalangitay lumilipad
Tulad sa ibay ibinuka ang pakpak
Ang hanap ay ligaya, kasiyahang ganap
Sumasayaw sa hangin, namamangha, nagagalak

Sa malayoy tanaw ko, bundok na marikit


Doon akoy nagtungo nang napakabilis
Taglay ang kasabikan sa akiy namayani
Marating ang tuktok, dooy magkandili

Ngunit ang pagtungo sadyang di madali


Hirap at pagod, puhunan na yari
Tulad sa lupay daan ay matarik
Sanga-sangang maliliit, kung tumamay masakit

Sa ituktok na yaon naroon ang pangarap


Sanay marating, pakpak hwag malagas
Lipad koy mataas bagamat panatag
Tagumpay makamit, buhay na matuwid

You might also like